Prologue: Anong nangyayari?

573K 6.8K 1.2K
                                    

"Kuya Yto, kalian ka babalik?"

I was pouting my lips as I look at my older brother Yto Consuji while he packs for his long term trip. I was feeling kinda sad because I'll miss him big time. Tatay said that Kuya has to go to London for his master's degree. Sabi din ni Kuya Yto kagabi. Ayaw niyang umalis pero kailangan daw niyang mag-aral para sa family. I really couldn't understand what Tatay told me the other night while I was begging him to not let Kuya Yto go to London but he just smiled at me and said that Kuya will do this for the family.

I grew up in a big family. I have three brothers and a sister – si Ate Yza – whom I love very much and I know she loves me to much too! In the fourteen years of my existence, I had never felt unwanted. My family loves me so much – being the youngest and all – I have felt love in all things possible.

Ang nakakainis lang sa pagiging bunso ko ay ang pagkakaroon ng makukulit na kuya. Other than Kuya Yto – I have Kuya Yvo and Kuya Yllak. Kuya Yvo is okay, he's always with me, taking care of me and making me feel good whenever I'm down or lonely, but Kuya Yllak is different – he gets into my nerves and he always makes me cry. Minsan pa nga ay napapagalitan siya ni Nanay kasi matigas ang ulo niya at palagi niya akong niloloko. There's this one time when Ate Yza asked him to pick me up at the park sinundo niya ako pero hinayaan niya akong maglakad. He took my bike and he rode it home habang ako, pinaglakad niya ako.

Sinumbong ko siya kay Nanay noong gabi kaya napagalitan siya. Isa pang ayoko sa kanya, he never says sorry to me. Kapag inaaway niya ako hindi man lang niya maisip na mag-apologize! Bigla na lang siya mag-a-act na parang walang nangyari tapos akala niya okay na kami.

"After five years, baby." Kuya Yto looked at me. He had this sad smile on his face. Nakadama din ako ng kalungkutan. I don't want any of my siblings far from me. Kasama na kasi sila sa pang-araw-araw kong buhay. And I like seeing all of them together.

"Wala na akong Kuya." Malungkot na sabi ko. Kuya Yto smiled at me.

"There's always, Yvo and Yllak. They'll take care of you."

"Hmp!" Napalabi ako. "Kuya Yvo is always busy with Althea! Si Kuya Yllak naman walang ginawa kundi awayin ako!"

Kuya Yto laughed. "Kahit inaaway ka nila, they love you – just like the way I love you!" Ginulo pa niya ang buhok ko at saka niyakap ako. Hindi pa umaalis si Kuya, nalulungkot na ako, siguro lalo akong malulungkot kapag wala na siya.

"Kuya, tawag ka ni tatay."

Narinig ko iyong boses ni Kuya Yllak. Lumayo ako kay Kuya Yto at saka tiningnan siya. Kuya Yllak is two years older than me. He's seventeen, si Kuya Yvo naman ay twenty one na. Inirapan ko ako ni Kuya Yllak, pinanlakihan ko siya ng mata.

"Pangit!" Sigaw ko.

"Mas pangit ka! Bulol!"

Binalingan ko si Kuya Yto. "Kuya oh...."

"Yllak Joaquin!" SInghal ni Kuya Yto.

"Joke lang. Love you, Yna!" He smiled at me. Kumunot naman ang noo ko. Alam kong genuine iyong smile ni Kuya Yllak but there was something different in his eyes. Parang nag-iba iyong paraan ng pagtingin niya sa akin pero five seconds lang iyon.

Lumabas na ako ng room ni Kuya Yto. Hindi ko napansin na sumunod si Kuya Yllak sa akin. He grabbed my arm and made me look at him.

"Bulol, patingin ng heart mo." Sabi niya sa akin. I made a face. Iyong heart na sinasabi niya ay iyong hearts na pinamigay sa school last week para sa foundation day. May pair your hearts booth kasi na gaganapin sa susunod na araw kaya nagpabunot ng hearts ang Values Organization.

Kapag nahanap ang ka-pair ng heart na nabunot, may free date na prize. Kumunot ang noo ni Kuya.

"Nasaan ang heart mo!" Sigaw niya.

"Nasa bulsa ng bag ko. Saka bakit mo ba hinahanap?"

"Sisirain ko para wala kang date sa foundation." Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Eh? Ang sama mo kuya. I hate you!" He shook his head.

"Hindi ako masama, inaalagaan ko lang ang akin."

Kumunot lalo ang noo ko.

"Kung ano-anong sinasabi mo! Pangit!"

"Bulol" Binitiwan niya ang braso ko. "Nasaan nga ang heart mo?"

"Ihhh! Kuya nga, hayaan mo na iyong heart ko, ibibigay ko iyon sa classmate ko."

Kuya Yllak didn't say anything he just looked at me and sighed.

"Bahala ka nga, Yna." He turned his back. Para bang gulong-gulo na siya. Gusto ko rin sanang magtanong pero hinayaan ko na lang siya. I just watched him as he leaves hindi pa man siya nakakalayo ay bumalik na naman siya.

"Nasaan nga iyong heart mo?" Muling tanong niya. Dinaan ko na lang sa tawa ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Kuya. He again, grabbed my arm and pulled me closer.

"Yna..."

"Yllak!"

Pareho kaming natigilan nang marinig ang boses na iyon. Both of us looked at the direction of the voice and in there – near the stairs – I saw Kuya Ares standing. Kuya Ares is the son od my Unlce Lukas – he's five years older than me and I like him so much.

He's the total kabaliktaran of Kuya Yllak. Bumitiw ako kay Kuya at saka tinakbo si Kuya Ares.

"Ares!" I giggled while running towards him. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya nang mahigpit. Narinig ko pa ang pagtawa niya.

"Yna Johanna!" Sigaw naman ni Kuya Yllak. "Hey! You have your own sister, you don't need to touch what's mine!"

Hinatak ko ni Kuya Yllak palayo.

"What the fuck is wrong with you, Yllak? I was just happy to see Yna." Sagot naman ni Ares.

"Wala! Pwede naman kasing hindi yakapin! Pumasok ka nga sa kwarto mo!" Sigaw sa akin ni Kuya. Pinahaba ko ang nguso ko.

"Ang sungit-sungit mo!" Naiinis na sigaw ko.

"Yllak, Yna, Ares, anong nangyayari?"

I looked away. It was Nanay's voice. She was looking at the three of us. Sabay-sabay naming sinabi ang salitang "Wala po, Nanay."

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon