13. Five years

223K 4.8K 718
                                    

Five years later...

"All passengers boarding flight 787289 please proceed to gate 7."

"Kath!!!"

I smiled wide when I saw Kathryna - my Kuya Hector's secretary waving at me at the other side of the airport. Natawa ako bigla nang itaas niya ang tarpaulin na may nakasulat na "welcome back, Leighton Santillan."

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. I just got back from Greece. Halos limang taon rin akong nanirahan doon para pag-aralan ang armory business ni Kuya Hector. Five years in Greece did me good things. I've learned a lot – hindi lang sa business ni Kuya kundi pati na rin sa buhay. I've learned that some things are better if they aren't said, some people are better if they're alone and pain makes a human stronger.

I've learned that being independent isn't so bad after all. Napabuntong-hininga ako. Binitiwan ako ni Kath at hinaplos ang mukha ko.

"Kamusta?!" Sabi niya sa akin. She touched my face. Kath is like a sister to me. Siya ang kasama ko nang mag-isa ako. Nauna lang siyang bumalik sa akin dito sa Pilipinas. Siya ang nag-alaga sa akin habang wala si Kuya. I sighed again. "Ang haba na ng buhok mo!"

"Ipapagupit ko din ito." Napahagikgik ako. "Si Nanay Bining?"

"Nasa bahay. She prepared lunch for you. She missed you a lot." Inakbayan niya ako at saka naglakad na kami palabas ng airport. Kwento lang nang kwento si Kath habang ako tahimik na nakikinig. Ikinukwento niya sa akin ang nangyari habang nasa Greece ako. Nang makasakay kami sa kotse ay sinabi niya sa driver na ideretso sa bahay ang sasakyan pero tumutol ako.

"I wanna see Kuya, first." Nakangiting wika ko. Kumunot ang noo niya.

"Sigurado ka? Kadarting mo pa lang." Nagtatakang wika niya. Nagkibit-balikat ako.

"So? He's my brother – my family." I gave emphasize to the word family. "I wanna see him. Ang tagal ko na siyang hindi nakakausap. The last time was after his judgment."

Hindi kumibo si Kath. Sariwa pa rin sa alaala ko ang araw na walang humpay ang pag-iyak ko.

The night I left the Consunjis, I went to Kuya Hector and he took me in. At first, I thought that he's a real pain in the neck but he tended to be a good man. Napamahal siya sa akin at alam kong mahal niya ako. He answered all my questions, accepted my stubbornness and never made me feel like I am neglected. Nawala ang mga tanong ko dahil sa kanya.

He even told me that he'll take me to Greece at doon kami magsisimula ng panibago. Natutuwa ako sa kanya – but then, nawala siya. Sumuko siya sa mga pulis dahil sa nangyari sa kanya at kay Yza Consunji. I was left alone again because he chose to turn himself in. Hindi ko maintindihan noong una pero kalaunan, naipaintindi sa akin ni Kuya kung bakit niya ginawa iyon.

He loves her – so much that he's willing to sacrifices his own freedom just to be with her. Limang taon nang nakakulong si kuya pero kahit na nasa likod na siya ng rehas, he made sure that I will be a Santillan – legally – na buburahin na niya si Yna Consunji and he succeeded.

His lawyers made it easy for me. Ni hindi ko kailangang harapin ang mga Consunji sa court battle dahil sa adoption ko. Ilang beses akong sinubukang kausapin ng mga magulang ko – pero tiniis kong hindi magpakita. It breaks my heart seeing Nanay Sheena cry like that but I have to be firm. I want to be free from them.

Everything was smooth sailing but then one day, Aunt Laide came in to see me. Hindi na ako nakaiwas dahil sa mismong bahay niya ako pinuntahan at hindi ko alam kung anong klaseng powers meron siya pero nakumbinsi niya si Nanay Bining na papasukin siya.

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon