18. Versus

225K 4.7K 583
                                    

"Have you heard about it?"

Iyon ang bungad ko kay Yto nang pumasok ako sa office niya. It was another Monday morning. I should be in my office doing my work but I had to run down Yto's office so I could tell him about the new. His eyes turned to me. His gaze is dark and unexplainable. I couldn't even fathom what the hell was in his head right now. He's just being the Yto Consunji.

"Paano nangyari iyon, Ares?" He asked in a low tone. I couldn't explain it to him. Kahit isipin ko ay hindi ko magawang bigyan ng paliwanag. Abogado ako pero hindi ko lubos maisip kung paano nabigyan ng pardon si Hector Santillan. Hindi dapat mabigyan ng parole o pardon ang mga tulad ni Santillan pero ngayon araw, balitang-balita ang paglaya niya. Naipalabas pa iyon sa tv.

Naikuyom ni Yto ang mga palad niya. "Dapat ipinapatay ko na siya sa loob pa lang." He hissed.

I shook my head. "Gagawan ko ng paraan. Hahanapan ko ng butas." Sabi ko na lang sa kanya. He took a deep breath.

"Hindi niya dapat makita si Yza. Baka saktan na naman niya ang kakambal ko." He even told me. "Frantic na si Nikita. She was crying earlier this morning. Nagpunta lang ako dito para ayusin ang mga bagay-bagay at babalik sa bahay. My wife needs me."

I just nodded. Hindi ko talaga maintindihan si Yto. Bakit niya uunahin si Nikita? She's just his wife. I shook my head when I saw him standing up. Nagbilin siya sa secretary niya na ito na muna ang bahala sa lahat. Sabay kaming umalis ng office niya.

I got in my care and called my connections. I wanted to know how in hell Hector Santillan got the presidential pardon that he doesn't deserve. I drove away, fast. Pinuntahan ko mismo ang bahay kung saan siya nakatira. Hindi naman nagtagal ay naroon na ako. I was thinking about the first generation – Uncle Sanch, Aunt Sheena and my parents. They'd be disappointed kapag nalaman nila na nakalaya ang taong bumaboy sa pagkatao ni Yza Consunji.

Thirty minutes later, I got to the glass house. Walang sabing pumasok ako. Hinarang ako ng guard but I got the best of him. Tinutukan ko siya ng baril. I always carry a gun with me for protection.

"Papasukin mo ako o sasabog ang ulo mo." I hissed at the guard. Ngumisi ako ng makita kong mapalunok siya. I got inside the house. Nakita ko doon ang isang babaeng may edad na. Putin a ang mga buhok niya. Nagtama ang aming mga paningin.

"Consunji."

I took in deep breath when I heard Santillan's voice. He was on the stairs – looking at me. Ngumisi siya. Beside him is his assistant – Kath – they looked triumphant. Alam ko kung bakit.

"How the hell did you get out?" I asked him in a deep, dark voice. He shook his head.

"We have money, you know."

Napailing na lang ako. Huli na. He's out. Iinit na naman ang ulo ng mga magulang ko. Bakit ba kasi hindi ko naisip na pwedeng paganahin ni Santillan ang pera niya kahit na nasa loob siya? I should've done something to freeze his accounts. Kung nagawa ko iyon, wala kami dito ngayon.

"Ano pang magagawa mo? I'm out already." He even said. I grinned.

"Gagawa ako ng paraan para makabalik ka doon." Matiim na sabi ko. Tumalikod ako. Tuloy-tuloy palabas pero bago ako makaalis ay narinig ko ang sinabi ng assistant ni Hecto Santillan.

"Nasa Greece pa si, Leigh. The other Consunji boy is with her. Si Yllak."

Kumunot ang noo ko. Magkasama sa Greece si Yllak at si Yna?

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon