12. It ends here.

216K 4.2K 1K
                                    

I noticed Zach was at home again that night. Nagdidiskusyon sila ni Kuya Yvo tungkol sa paghahanap sa ate, hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila basta pwedeng punatahan si Helios Demitri. The last time he's got her. Kung alam nila kung nasaan si Ate bakit hindi na lang nila kunin at puntahan. They are the Consunjis – we are the Consunjis and our family is one of the most powerful in the country. We have connections, power over little people, mas malakas pa nga ang hatak ni Tatay kaysa sa President ng bansa – but now, why the hell couldn't they get ate?

I sighed. I got to my room again. Two days ago, I comforted Zach. He was here, crying. Hindi na daw niya alam ang gagawin. I wanted to be with him. I wanted him close pero habang inilalapit ko ang sarili ko sa kanya ay parang lalong tumitindi ang nararamdaman ko. I couldn't really explain why I fell in love with him in the first place – I mean – it was so sudden. Kahit ako ay nabilisan – but he's just so perfect – the perfect prince charming for every girl and I wanted to have him.

I was sitting on my bed waiting for something to happen. Hindi ko alam kung anong hinihintay ko – may gusto akong gawin – may gusto akong hanapin. Gusto kong gumawa ng paraan para mahanap si ate Yza pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I feel like if I see her – magiging karapat-dapat na ako sa apelyidong dinadala ko.

Alam ko naman na walang nagbago sa pamilya ko – ako ang nagbago – ako ang nakaramdam ng ganito. Mula ng mawala si Ate parang nawala din ako. Masyado silang natatakot sa mga bagay na hindi pa naman posibleng mangyari pero naiisip na nila.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring iyon. Hindi ko kilala ang numero pero sinagot ko ito. I heard someone sighed on the other line. Maya-maya ay nagsalita ito.

"Leigh..." His voice was hard and stern. My whole body shook with fear. Isang tao lang ang tatawag sa akin ng ganoon at walang iba iyon kundi si Helios Demitri. I bit my lower lip. Agad na tumulo ang luha ko.

"N-nasaan ang ate?" Nanginginig ang boses na tanong ko. Tumayo ako at lumabas ng silid. Balak kong ibigay kay Tata yang phone pero nagbago iyon nang magsalita siyang muli.

"If you ever want to see Yza again, you'll keep quiet." He said. Mas lalong lumamig ang boses niya. Muli akong bumalik sa silid ko at nanghihinang naupo sa kamay.

"Leigj, listen. Ate exactly four in the afternoon tomorrow, after your class, a black limo will pick you up and take here. You'll see Yza. Pero tandaan mo na hindi mo pwedeng sabihin kahit na kanino na nandito siya sa akin."

"Alam na nila na kasama mo siya."

"We'll if that's the case, hindi mo pwedeng sabihin kahit na kanino kung nasaan kami dahil kung hindi, ilalayo ko si Yza Consunji at hindi ninyo na siya makikita kahit kalian."

Ibinaba niya ang phone. Muli ko siyang tinawagan pero patay na iyon. Hindi ako mapakali. Paikot-ikot ako sa silid ko. Napasigaw pa ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Kuya Yllak. Mukhang gulat na gulat rin siya sa reaction ko.

The first thing I noticed on him was his lips. Unconsciously, I bit my lower lip. I suddenly remembered the kiss we shared at the pool almost a month ago.

"Ku-kuya..." Tawag ko sa kanya. He looked away and sighed. Hindi pa naming napag-uusapan ang nangyaring iyon dahil na rin masyadong abala ang lahat sa nangyayari kay Ate Yza. I sighed again. "Ku-kuya... pwede na ba tayong mag-usap?"

Hindi siya sumagot. He pouted his lips. "Tang ina lang talaga." He cursed again. Hinatak niya ng pilit ang buhok niya.

"Yna." Sabi niya sa akin. ""Wag muna ngayon. Next time na lang. Shit!" Napapikit pa siya. Kuya seemed so tensed. Hindi ko siya maintindihan. Parang bumalik na naman iyong dating Yllak na ayaw makipag-usap sa akin kahit na anong mangyari. Naiinis na naman ako, para bang hindi na naman niya ako gusto.

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon