3. Nandito na

253K 5.2K 460
                                    

Two years later...

"Good morning, baby! Rise and shine!"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Nanay. She opened the curtains and just like that the light coming from outside entered my room. I got up and embraced nanay from behind. I've always like the way nanay smells – ang bango! It feels like home. Nanay is my home. Her scent has always calmed me down. Noong bata ako hindi ako nakakatulog hangga't hindi ko siya naaamoy. One time, isinuot pa ni tatay ang robe ni Nanat para lang mapatahan ako – I was seven years old back then.

"Happy birthday, baby." Nanay kissed my temple as she hugs me tight. Napangitgi naman ako nang maalala ko kung anong okasyon ngayon. Today is my eighteenth birthday. I am now a lady. Palagi nga akong niloloko ni Kuya Yvo – pwede na daw akong magka-boyfriend pero bantay sarado naman ako ni Tatay. I just smiled at him every time he teases me.

Masaya ang birthday ko dahil umuwi na ang pinakapaborito kong kuya sa lahat. Six months ago, Kuya Yto have completed his degree and went home to finally take over the Consunji Hotels. Siya ang escort ko mamaya sa debut ko.

"Nanay, bakit naiiyak ka?" I even asked her. She shook her head and she lovingly caressed my hair.

"You're all growing up. Kaunti na lang, iiwan ninyo na kami ni Tatay." May sadness ang boses ni Nanay. I pouted my lips and kissed her cheek.

"Nanay! Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Mahal na mahal kita saka si Tatay. Kahit na mag-asawa pa ako hindi ako aalis. Aalagaan kita hanggang sa huli – that's how much I love you!" Niyakap kong muli si Nanay at pinaghahalikan ang pisngi niya. Hindi ko kahit kalian maisip ang buhay ko kapag wala siya o si Tatay. They are the perfect parents. Lahat kami ay mahal nila – lahat kami ay disiplinado at matatalinong bata dahil sa mga magulang namin.

"I've always thank God you came in our lives, baby. You changed everything." Palaging sinasabi ni Nana yang bagay na iyon sa akin. Hindi ko masyadong maintindihan ang ibig niyang sabihin. Sa tingin ko kasi ay may mas malalim pang ibig sabihin ang mga katagang iyon pero hindi ko na lang pinakakaisip masyado.

"Where's my baby girl?" Bumukas ang pinto at doon, nakita kong pumasok si Sancho Consunji – my father. I wasn't used to seeing him wearing casual clothes like what he's wearing now. I grew up always seeing my father in suits and coats. Ang gwapo nga niya – kamukha niya sila Kuya Yto at Kuya Yvo. Kapag magkakasama sila tapos pare-pareho ang suot nila, ang sarap nilang kunan ng litrato.

Tinakbo ko si Tatay at niyakap rin. Hinagkan niya ang noo ko. "Happy birthday, little girl. You're not so little anymore."

"Iiyak ka din, Tay?" Natatandaan ko noong birthday ni Ate Yza umiyak din si Tatay. Ngayon, ayoko siyang umiyak. I want my parents happy because they make me happy.

"Yna, pinaiyak mo si Nanay?" Biglang tanong niya sa akin. Nilingon ko si Nanay. She was wiping her tears. Biglang napangisi si Tatay at saka niya kinindatan si Nanay.

"Sancho nga!" Napahigikgik ako. "Lima na ang anak mo! Huwag mo akong tingnan ng ganyan!"

"You're nanay is very pretty when she blushes." I laughed out loud. Natutuwa ako sa tuwing nilalambing ni Tatay si Nanay sa harapan naming magkakapatid – it's like their love for each other never faded away – at lalo lang nadadagdagan as the days and the years passed by.

"Magtigil ka, Sancho!" Pinandilatan siya ni Nanay ng mga mata. Huminga si Nanay nang malalim at binalingan ako. "Magbihis ka na, pupunta ka pa sa make up artist mo. Everything is organized, baby. All you have to do is be you're beautiful self."

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon