Chapter 44 ∞ Beg And Let Go

332K 5.5K 2.1K
                                    

Lance POV

Tang*na. Wala akong magawa. Fvck! Sumama pa rin si Yumiko sa Trigger na yun. Nasasaktan ako sa pinapakita sa'kin ni Yumiko pero alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil kasalanan ko rin naman kaya nangyayari 'to.

Hindi na ba talaga ako kailangan ni Yumiko? Fvck. Parang iisipin ko palang na 'di ko na ulit siya mababawi, nababaliw na'ko. No. It can't be. Hindi maaari. Akin lang siya. Kami lang hanggang sa huli.

Umuwi ako sa mansyon na luhaan. Who cares kung binuhusan ako ng tubig ni Yumiko sa restaurant kanina? Who cares kung umiyak ako dahil sa kanya? Who cares kung nagmukha akong tanga kanina? Wala akong pakialam sa iisipin o sasabihin ng iba. Ang mahalaga lang sa'kin ay si Yumiko. Siya lang at wala ng iba pa.

"Bro anyare sayo?" Sinalubong ako ni James.

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa pataas sa kwarto ko. Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin hanggang makapasok ako dito sa kwarto ko.

"Bro."

"Leave me alone." Sabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Alam kong kailangan mo ng kausap Bro. Wag mo dibdibin. May likod kapa."

Tch. Nagawa pang magbiro. Sa totoo lang, tama siya. Kailangan ko nga yata ng makakausap. Mababaliw na ako kakaisip kung paano ako babalikan ni Yumiko.

"S-Si Yumiko sumama kay Trigger kanina. Wala siyang pakialam sa'kin. Hindi na niya ako kailangan. Damn it! Wala akong magawa!" Sigaw ko saka kumuha ng alak sa mini-ref dito sa kwarto ko saka naupo sa couch kung saan nakaupo na si James.

"Hindi mo naman masisisi si Yumi eh. Nasaktan siya. Expect mo nang babalewalain ka niya. Kasalanan mo naman 'diba?" Sabi nya.

Yeah. Kasalanan ko nga. "Ilang ulit ko ng inamin sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit kinamumuhian ako ni Yumiko ngayon. Pero sana bigyan pa nya ako ng pagkakataon." Sabi ko.

 

"Mahirap kasi Bro. Nakunan siya. Masakit para kay Yumi ang nangyari."

 

Kusang tumulo ang luha ko. "Tang*na lang kasi. Sana maisip niya na hindi lang siya ang nawalan. Anak ko din yun James! Nasaktan din ako! Nawalan din ako!" Sabi ko.

Oo nasasaktan siya, ako ba hindi? Syempre doble ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng baby namin dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nakunan siya. Sinaktan ko siya. Pinag-isipan ko siya ng masama.

"Naiintindihan kita Bro. Mali lang talaga ang ginawa mo. Hindi ka nagtiwala sa kanya. Ang isang relasyon kasi kailangan ng pagtitiwala. Kung walang trust sa pagitan nyo, hindi talaga magwo-work ang relasyon nyo."

He's fvcking right. "I know. I know. Hindi ako nagtiwala. Nadala nako ng galit ko. Yung sinabi sa'kin ni Enrique na buntis si Yumiko, anong ine-expect mong maging reaksyon ko? Binalot ng selos at galit ang buong sistema ko. Lalo na nung mapa-check-up ko si Yumiko at nag-positive. Damn! Hindi ko na alam pero nag-init ang dugo ko. Nabingi na'ko dahilan para diko na siya pakinggan pa."

"Tch. Aminin mo na kasi na kahit hindi mo pa napapachek-up si Yumi non, maniniwala ka na kay Enrique ng ganon kadali. Hindi kasi sa lahat ng oras kailangan mong paniwalaan kung ano ang sinasabi ng iba. Kailangan mo ring alamin muna kung totoo yun o hindi."

Tch. "Wala na'kong magawa kundi magalit. Galit na galit ako na pakiramdam ko mapapatay ko na si Enrique."

Napailing si James. "That kind of jealousy, tch. It sucks! Dapat alisin mo 'yan Bro."

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon