Chapter 1

594K 7.5K 957
                                    

After six months..

Philippines

Lance POV

Tangina!

Fuck. Lasing na naman ako. Ilang buwan na akong palaging lasing. Ginawa ko ng bahay ang bar ni Ken.

"Tama na yan Lance." Sabi ni Luke.

"Oo nga tama na. Parang napapabayaan mo na sarili mo ah." Sabi ni Ken.

"Kayo kaya iwan ng taong mahal na mahal nyo? Ha?" Sabi ko sa kanila.

Yumiko Hayashi. Ang babaeng mahal na mahal ko, NOON.

Dahil NGAYON, galit at hinanakit na ang nararamdaman ko para sa kanya. Pagkatapos nyang sabihing di nya ako minahal? The fuck! Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko noon. She's my life. She's my everything. Pero ginago nya ako. Diko sya mapapatawad. Hinding-hindi.

"Hi honey.."

Damn. Tuwing nandito ako sa bar, iba't ibang babae ang kalandian ko. Oo, hinahayaan ko silang landiin ako. Pero hanggang dun lang yun.

Kailanman, hindi ko sila  ikinama. Hindi ako ganong lalaki lalo na't may babaeng nagmamay-ari ng puso ko.

Di nako sumagot. Basta nalang kumalong sakin yung babae saka ako hinalik-halikan sa bandang leeg ko.

I like their companies. Nag-eenjoy lang ako para kahit papano diko maisip yung sakit na ginawa sakin ni Yumiko.

Mahal na mahal ko sya pero hindi ko sya kayang patawarin.

"Hey. Stop that." Suway ni James. Kakarating nya lang dito sa bar.

As usual susunduin na naman ako nyan. Mula ng umalis si Yumiko, sa mansyon na yan tumira.

"Lagi mo nalang akong pinipigilan landiin si Lance. Hindi naman sya nagrereklamo." Malanding sabi nitong babaeng nakakalong sakin.

"Basta tigilan mo na 'yan si Bro."

Yang si James daig pang maging girlfriend ko eh. Hinihigpitan ako. Tch.

Hinalikan ako ng babae. Hinayaan ko lang sya. "Gotta go. See you around honey." Sabi nya sakan ako kinindatan pagka-alis sa kandungan ko.

"Tara na bro."

"Tama yan James. Iuwi mo na yang si Lance. Lasing na naman yan. Try mo ngang ikulong minsan yan. Araw araw ng nag-inom." Sabi ni Oliver.

"Fuck you!" Sabi ko.

"I love you too." Sagot ni Oliver.

Nagtawanan ang ibang tigers. Pwes ako hindi natatawa.

Tumayo na ako. Para namang makakatanggi ako kay James. Tch.

Inalalayan nya ako. "Alis na ako mga brad."

"Sige lang!"

Nakarating din kami sa parking saka sumakay sa kotse ko. Nag-taxi lang 'yang si James papunta dito sa bar dahil alam niyang may dala akong kotse. Tuwing susunduin nya ako, siya ang nagda-drive ng kotse ko.

Lasing ako e. Lasing na lasing pero nasa matinong pag-iisip pa din ako.

Nang makasakay na kami, pinaandar na agad ni James ang kotse.

"Bro."

Sumandal lang ako sa upuan. "Hm?" Hindi na ako tumingin sa kanya.

"Si Yumi..."

Damn it. Tuwing maririnig ko ang pangalan niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Ayoko ng makarinig ng tungkol sa kanya." Sabi ko.

Lagi kasi yan may sinasabi about Yumi. I already told him na galit ako. Galit na galit ako sa babaeng yon. At hindi ko alam kung kakayanin ko pa syang patawarin.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon