Chapter 42 ∞ Pain

325K 5.5K 1.6K
                                    

James POV

Nakabantay ako dito sa kwarto kung saan narito si Yumi. Si Lance nag-banyo sandali. Hindi pa yun umuuwi mula kagabi. Hindi pa nga yun kumakain. Iyak lang ng iyak.

Tch. Alam kong masakit para sa kanya ang nangyari. Pero mas masakit ang nararamdaman ni Yumi. Isa pa, siya lang naman ang dapat sisihin. Sinaktan nya si Yumi. Kung naniwala siya at nagtiwala siya, hindi aabot sa ganito. Hindi ko nga yan pinapansin. Andito lang ako sa sofa sa gilid. Ang ibang tigers, palitan ng pagpunta dito. Sila na din ang nagdadala ng pagkain.

*eccckk*

Pagtingin ko sa pinto, si Luke at Kit. "Hindi pa rin gumigising si Yumi?" Tanong ni Luke.

Kinakabahan na'ko sa maaaring mangyari 'pag nagising si Yumi. Isa lang kase ang nasisiguro ko, magagalit siya at masasaktan na naman 'pag nalaman nyang wala na ang baby niya.

"Hindi pa." Sagot ko.

Paupo na sina Luke ng sofa nang..

O_O

[A/N: Play the song sa gilid.]

Si Yumi biglang gumalaw ang daliri pagkatapos ay dahan-dahang nagmulat ng mata. Napatakbo tuloy kami nina Luke palapit kay Yumi. "Yumi.."

"A-Ang baby ko.." Yun agad ang tanong nya. Paano ko sasagutin yun? Si Lance nasa banyo pa.

I hold her hand. "Yumi wala na ang baby mo.." At last nasabi ko. Sh*t.

Hindi ko ma-describe yung reaction ng mukha ni Yumi. Para siyang paiyak na pero alanganing ngi-ngiti ganon.

"Tell me you're just kidding James. Right? I know you are."

Sh*t. Anong sasabihin ko? "Yumi yun ang totoo, wala na ang baby mo. Nakunan ka dahil sa sobrang stress and depression.."

"No! You got to be kidding me! Hindi!" Sigaw nya. Fvck. She's starting to cry. Napatingin ako sa may banyo. Nakatayo na si Lance dun at tumutulo ang luha. Hindi siya makalapit dito sa'min sa may kama ni Yumi.

Niyakap ko si Yumiko. "Yumi nakunan ka. Yun ang totoo at kailangan mo yung tanggapin." Matigas na sabi ko.

"No! No! Hindi. Hindi yun pwedeng mangyari. Siya nalang ang natitira sa'kin. Siya nalang! Bakittttt!" She burst out crying.

"Yumi.."

Pinilit nyang bumangon. Saka humawak sa tiyan niya. "You're still here baby right?" Sabi nya habang hinihimas ang sarili nyang tiyan.

Fvck. Seeing her like this? It was heartbreaking. Alam kong hindi nya agad-agad matatanggap ang pagkawala ng baby niya.

"Yumi.."

She looks at me while crying. "J-James. My baby is safe. Diba? Tell me. My baby is still on my womb.."

Umiling ako. "Wala na siya Yumi. You need to accept the fact that your baby is gone. Sorry Yumi. Sorry to tell you this but.." I paused for a while and looked at the other side kung saan naroon si Lance. "You're not pregnant anymore."

Napalitan ng kakaibang lungkot ang mukha ni Yumiko. Parang di siya makapaniwala sa sinabi ko. She's crying in pain. Nanginginig na yung labi nya dahil sa pag-iyak. "B-Bakit..ba..kit.." Hindi niya pa maituloy ang sasabihin niya dahil sa sobrang pagka-habag sa sarili niya.

Nasasaktan akong makitang ganito si Yumiko. Fvck. Natahimik kaming lahat at tanging hagulhol nalang ni Yumi ang nangingibabaw sa buong kwarto.

"H-Hindi pwede..hindi pwedeng manyari yun. H-Hindi ako pwedeng iwan ng baby ko. H-Hindi pwede.." She said while crying. Hindi pa rin niya napapansin si Lance na nakatayo sa may pinto ng CR.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon