Chapter 16

438K 5.4K 349
                                    

Yumiko POV

Boring na araw. Wala akong magawa. Nasa school pa sina Fancy at James tapos si Lance nasa company as usual. College student palang sya pero tine-train na sya sa company nila.

Pinipilit na'kong pumasok ni Fancy kaso parang diko pa feel pumasok. Ewan ko ba.

Andito lang ako sa kwarto ko maghapon. Hapon na kasi, mamayang gabi pa siguro si Lance. Yung dalawa parating na siguro.

Wag kayong mag-isip ng kung ano dahil kagabi, wala naman nangyari. Haha. Maaga kaming natulog sa kadahilanang maagang pinapunta si Lance sa company.

Krinnnggg..

Si Lance siguro, maya't maya tumatawag eh.

Trigger calling..

Hanla. "Hello?"

[I really missed you Yumi. Let's meet.]

Anong gagawin ko? Diko naman kaya tiisin si Trigger. Malaki pa din utang na loob ko sa kanya. "Hm, paano?"

[Pupunta ako dyan.]

"Di pwede. Diba ayaw ni Lance na pumunta kapa ulit dito? Baka mag-away na naman kayo."

[No. Sa labas lang naman. Kita tayo okay? I'm on my way. Bye.]

Makakatanggi pa ba ako? Binabaan nako. Psh. Pano yan. Baka mamaya magsuntukan na naman. Pero..

Sabagay wala naman si Lance. Wala naman akong gagawing masama. Kaibigan ang turing ko kay Trigger kaya wala namang masamang makipag-usap sa kanya. Sya yung naging sandalan ko nung times na down na down ako.

Nag-ayos ako ng konti saka bumaba na para puntahan sa labas si Trigger.

Paglabas ko ng gate, natanaw ko na yung kotse ni Trigger na nakaparada sa gilid ng kalsada dito sa tapat ng mansyon. Tumawid ako saka lumapit sa kanya.

"Hey."

Bigla nya akong niyakap. Na-freeze naman ako. "I missed you.."

Bumitaw na sya saka..

Hinalikan nya ako sa pisngi? Waaa. Bakit ba ganito si Trigger.

"Para kang nakakita ng multo. Nanlalaki ang mga mata mo." Natatawang sabi nya.

"Psh. Ikaw kasi.."

"What?" Humagalpak na naman sya ng tawa. Nakasandal lang sya sa kotse nya. Ako nakatayo lang sa harap nya.

Umingos lang ako. "What brought you here?"

"I just missed you."

Yun lang talaga dahilan nya? Kaya sya nandito? "Yun lang?"

"Yeah. There's no other reason for coming here."

"Fine. Now what? Can I go inside na?" Tanong ko. Kasi mas mabuti ng umiwas sa gulo. Baka mamaya maki--

"B-Babe?"

"Tangina! Sabi ko sayo wag na wag kang pupunta dito!" Sigaw ni Lance. Mabilis ko syang niyakap para mapigilan.

"No babe. Stop it please.."

"Pasalamat ka nandito si Yumiko. Dahil kung wala, papatulan kita Abellano. Tch." Narinig kong sabi ni Trigger. Nakatalikod kasi ako sa kanya kasi nakayakap ako kay Lance. Si Lance yung nakaharap sa kanya.

"DAMN YOU!"

"Yumi aalis nako. Mag-ingat ka. Pag nagka-problema, don't hesitate to call me. Bye." Narinig ko ulit na sabi ni Trigger kasunod yung tunog ng pagharurot ng kotse.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon