Chapter 3

492K 6.4K 442
                                    

Yumiko POV

This is it. Nakaparada na dito sa veranda ng Abellano Mansion ang kotse ni James kung saan kami nakasakay.

Tulad ng sabi ko sa sarili ko, kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangang hindi ko ipakita kay Lance na mahina ako. Kahit pa anong klaseng pakikitungo ang ipakita niya sa akin, naka-handa na 'ko.

I'm expecting to get hurt but at the same time, I'm expecting that he still loves me.

"Yumi, let's go na? Baba na." Sabi ni Fancy.

Dug, dug...
Dug, dug...

Ayan na iyong kaba ko. No Yumi. You can do it. Be strong.

Huminga ako ng malalim bago pinagpasyahan nang bumaba. No matter what happens, hindi ko ipapakita kay Lance na apektado ako. I'll do everything to get him back.

"Yaaa! I'm really excited Yumi. Starting from now on, you're here again." Sabi ni Fancy habang naglalakad na kami papalapit sa main door ng mansyon.

Sinalubong na kami ng katulong para dalhin ang bagahe ko.

"I-diretso niyo na 'yan lahat sa kwarto ni Yumi." Sabi ni James.

Alam na 'yon ng katulong dahil may sarili naman talaga akong kwarto dito.

Pagkapasok namin sa pinto...

Dug, dug...
Dug, dug...

I saw Lance sitting on the couch while watching NBA.

My heart skipped a beat. Six months na walang communication, six months na hindi ko siya nakita at ngayon, kayang-kaya ko na siyang abutin. Magkalapit lang kami dahil sa iisang mansyon lang kami titira.

Kung noon, napakasaya ko habang nakatira dito, ngayon iba na. Iba na ang sitwasyon.

"Oh my! Yumi you're really gorgeous and oh, so sexy!!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Fancy dahilan upang mapatingin sa gawi namin si Lance.

He's looking at us without emotion. Like the first time I met him, he's cold.

He suddenly stood up at dumiretso paakyat sa taas. In short, deadma ako.

Ano pa bang aasahan ko?

"Hmmp! Reid is kunwari pa! I'm so naiinis talaga to him Yumi!" Nagmamaktol na si Fancy.

"Yumi, pasensya kana kay bro." Sabi ni James.

"It's fine. There's no reason to be sorry." I smiled at them bago ulit nagsalita. "Pwede bang magpahinga muna ako sa kwarto ko? Jetlag." Pagsisinungaling ko.

Dahil deep inside, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako na deadma lang ako kay Lance. Mas matatanggap ko pang sungitan ako kesa hindi pansinin. At wala man lang akong nakitang reaksyon mula sa kanya.

"Sige Yumi. Pahinga ka muna. May mini party mamaya. Ako na ang bahalang mag-ayos." Sabi ni James.

"Thanks."

"Me too! I will hep Patrick nalang." Sabi naman ni Fancy.

"Thanks din Fancy. I'll go upstairs na." Sabi ko.

Tumango naman iyong dalawa kaya naglakad na ako paakyat.

Habang naglalakad, hindi mawala sa isip ko yung itsura ni Lance kanina---emotionless.

Nakarating na ako dito sa harap ng kwarto ko. I was about to open the door when someone spoke at my back.

"What's the purpose of being here? As far as I know, you're not a family member. You're not even related to us."

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon