Chapter 45 ∞ Over

319K 5.3K 1.6K
                                    

Lance POV


She left me. I should be happy dahil pagkatapos nito alam kong mas sasaya sya. Bakit? Dahil ako lang naman ang nagbibigay ng sakit sa kanya.


I let her go para sumaya na ulit siya. Para hindi na siya ulit makaramdam ng sakit. Mahal na mahal ko si Yumiko. Sa totoo nga lang, hindi ko talaga kayang mawala siya pero wala na akong magawa.


Ramdam na ramdam ko na ayaw na sa'kin ni Yumiko. Hindi sa hindi ko pinaglalaban yung pagmamahal ko sa kanya. Mas makakabuti kasing pakawalan ko na siya dahil in the first place, wala na talagang pag-asa pang balikan ako ni Yumiko.


Fvcking sh*t! Tulad ng sabi ko, mas gugustuhin ko pang mawala sa mundo kesa mabuhay ng hindi siya kasama.


Minsan kasi kahit gaano ko pa kagustong bumalik ang isang tao, wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang hindi na niya ako kailangan.


May naisip ako. Tama. Tumayo ako saka lumapit sa drawer sa isa sa cabinet dito sa kwarto. Alam ko may naitago pa akong gamot dito dati.


Kinuha ko iyon. Madami pang laman na tablets yung lagayan. Naupo ako sa kama ko saka inilagay sa palad ko ang ilang piraso ng tablet.


Wala ng silbi pa ang buhay ko ngayon. Wala na..


Siya lang ang gusto ko. I want to see her. Hold her. Hug her. Touch her. Kiss her. Cuddle with her. And love...her.


Ininom ko ang ilang tableta na nasa palad ko ng sabay-sabay. Hindi ko alam kung anong sunod na maaaring manyari sa'kin pero handa nako..


Nagsimula ng tumulo ang luha ko habang nakatatak sa isip ko si Yumiko. "I love you Yumik---"


BLANK





--


James POV


"Sa pagkakaalam ko humingi pa ng chance si Lance kay Yumi kaso wala naman yatang nagawa si Bro. Ayaw na talaga ni Yumi eh." Sabi ko kay Fancy na kasama ko ngayon dito sa salas.


Nag-uusap kasi kami tungkol kay Lance at Yumi. Ang saklap talaga ng relasyon ng dalawang yun.


"Reid is making hingi ng second chance kay Yumi? The heck! I thought he's matalino? Simple counting lang di pa marunong. Like hello! Super dami na kaya ng chances na nagslipped lang sa hands niya because of his poor and irrational judgements! I am really hating hin na talaga ever! Arghh! Super GRRR talaga sya! I will hampas na talaga ng hollow blocks sa head niya! Or I will make an appointment sa surgeon. I think kasi he should undergo ng brain surgery. Let's make paayos his utak. It's not functioning well na eh! Errr!"


Takte. Nose bleed na naman ako sa kapatid ko. Pero may sense ha. "Tch. Minsan kaya try mo mag-undergo ng tongue surgery para maayos pananalita mo bubwit?" Biro ko para medyo mabawasan naman ang tension dito sa bahay.


"You're so GRRr ha! Hmp! You want me to tapyas your one-pack AB?"


=_=


"Shut up." Pagsusungit ko. "Buti pa puntahan nalang natin si Bro sa kwarto nya. Kailangan niya ng masasandalan." Sabi ko. Kahit naman may pagkatigas ang puso nun, nagiging down din siya.


"Fine! I will make sermon ulit si Reid! Hmp!" Sabi niya saka sabay kaming umakyat sa taas.


Nang makarating kami dito sa tapat ng kwarto ni Lance, biglang kumabog ang dibdib ko sa di ko malamang dahilan. Huh?


MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now