Chapter 17

400K 5.4K 1.5K
                                    

Yumiko POV

Ang bilis ng araw. As usual, ako na naman dito naiwan sa mansyon. Lahat sila busy lalo na si Lance. Dami daw syang tine-train sa company nila.  Tanghali na. Naka-lunch na'ko pero wala pa din akong magawa.

Wala na'kong ibang ginawa kung hindi ang matulog o kaya manood ng movies sa cable. Ayaw naman ako payagan ni Lance mag-mall ng ako lang. Baka daw kasi maulit yung dati. Yung may lumapit sa'kin na mga lalaki. Psh. As if naman hindi ko kaya ang sarili ko.

No choice tuloy ako kundi ma-tengga dito sa mansyon. Wala naman akong ibang friends na pwedeng puntahan. Si Chelsea at Janna, nasa school din yun eh.

Pumasok na kaya ulit ako sa SWU? Kaso parang 'di ko talaga feel na pumasok muna. Aish.

Krrrinnnnnggg..

Huh? Si Lance kaya ang tumatawag? Kung anu-ano na naman ire-remind nun for sure.

Trigger calling..

Hala. Si Trigger. Sinagot ko yung tawag. "Hello?"

[Y-Yumi...]

Bakit gano'n boses ni Trigger? Parang nanginginig na 'di ko maintindihan eh. "What happen? Anong nangyayari sa'yo? Are you okay?"

[A-Ang taas ng lag..nat ko. W-Wala a..kong iba..ng matawa..gan.]

Lagnat? "Are you alone?"

[I-I'm alone..]

Hala. Kailangan nya ako. Baka kung mapaano sya. Mag-isa pa man din sya. "Anong address mo? Pupuntahan kita?"

[Sa blah, blah, blah..]

Namatay na yung tawag. Baka kung napa'no na yun. Dali-dali akong nagpalit ng damit saka nag-ayos sandali. Kailangan kong puntahan si Trigger. He needs me.

Paglabas ko ng kwarto ko, patakbo na'kong bumaba ng hagdan hanggang sa makarating ng labas. Buti nalang may kotse ako. Sumakay na'ko at umalis na.

--

Trigger's condo

Nakadalawang pindot na'ko sa buzzer sa pinto ng condo unit ni Trigger pero wala pa din nagbubukas. Hala. Baka kung ano ng nangyari sa kanya.

Pinindot ko ulit yun. Laking pasalamat ko nung bumukas na yun at..

Bumungad sa'kin si Trigger na namumutla at pawis na pawis. Mabilis akong pumasok sa loob.

"Are you okay? Namumutla ka." Sabi ko tapos inalalayan ko syang umupo sa sofa.

Bigla nyang inihilig ang ulo nya sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko.

"D-Dito kalang Yumi..please?"

Hala. Pwede akong mag-stay hanggang mamaya pero 'di pwedeng magdamag. Lagot ako kay Lanc--WAAAAA! Speaking of Lance, lagot ako. Hindi ako nagpaalam muna bago umalis ng mansyon.

Di bale tatawagan ko nalang mamaya.

"Dito lang ako. Kumain ka na ba? Kailangan mong uminom ng gamot." Sabi ko. Bigla akong naawa sa kanya. Wala man lang ba syang pamilya? O kaya girlfriend para may mag-aalaga sa kanya. Psh. Hindi ko sya pwedeng pabayaan. Utang ko pa din sa kanya ang kaligtasan ko.

Umiling sya. "Can't cook."

Oo nga pala. "Wait, ipagluluto kita sandali ng instant soup bago ka uminom ng gamot." Sabi ko.

Tumango lang sya pagkatunghay nya. Tumayo na'ko para pumuntang kusina. Naghanap ako sa ref nya ng mga instant na pwedeng iluto. Buti may soup akong nakita.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon