Chapter 4

511K 6.4K 736
                                    

Lance POV

Damn it. Kakalabas ko lang dito sa kwarto ni Yumiko pagkatapos ko syang ihatid.

Tangina. Bigla nalang niya akong hinalikan.

At aaminin ko, yung epekto ng halik niya sa akin kanina, parehong-pareho pa rin ng epekto six months ago.

Kaya nga naitulak ko siya at biglang lumabas dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na gustung-gusto ko pa din ang halik niya. Fuck! I hate her. I really hate her. Kahit anong mangyari, wala nakong pakialam sa kanya. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin. At ang malaman ko noon na hindi niya ako minahal? Hinding-hindi ko iyon malilimutan.

Wala na akong balak pang balikan siya. Fuck! Kahit pa dito siya titira sa mansyon, hindi mababago ang desisyon ko.

Galit nalang ang tanging nararamdaman ko para sa kanya. Manhid na ang puso ko.

***

The next day..

Yumiko POV

Argh! Shit. Ang sakit ng ulo ko.

Napasabunot ako sa buhok ko bago nagmulat ng mga mata ko. Nag-inom nga pala ako kagabi.

Tumingin ako sa digital clock sa side table.

1:25 pm

Tanghali na pala.

"YUMI!!!!"

As usual. Si Fancy na naman ang nambubulabog sa akin.

Bumangon na ako saka pinagbuksan ng pinto si bubwit. "Yes?"

"Your Papa is here. They are in the libray with Papa. So they made me utos na tawagin ka."

Narito na si Papa at Papa ni Lance? Agad-agad? Nakapag-usap na ba sila?

Teka nga...

Parang deja vu. Nangyari na 'to dati. Iyong pinatawag ako kay Fancy papunta sa library. Iyon yung time na, pinutol nila iyong engagement sa pagitan namin ni Lance.

"Okay." Sagot ko saka isinara na ang pinto.

Naghilamos muna ako then nagpalit ako ng medyo maayos na damit. Naupo ako saglit sa kama.

I could clearly remember what happened last night. Shit. Wala na talagang pakialam sa akin si Lance. I kissed him pero tinulak niya lang ako. Ganoon na ba niya ka-ayaw sa akin?

Hindi na niya siguro ako mahal.

Ang sakit lang. Hays. Hayaan ko na. Basta hindi ako susuko kay Lance. Mahal na mahal ko siya at ayokong mapunta sa wala ang sakripisyong ginawa ko. Mababawi ko siya. Tiwala lang.

Kaya ko 'to. Fighting!

Tumayo na ako saka lumabas ng kwarto then dumiretso na ako ng library. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

Si Papa, si Tito at si Lance?

"Iha! Anak." Sinalubong ako ni Papa ng yakap. Ngumiti lang ako ng slight. Medyo galit pa rin ako kay Papa.

Nakipagbeso pa ako sa Papa ni Lance saka naupo sa tabi ni Papa. Bale magkaharap iyong couch na inuupuan namin. Si Lance at Papa niya tapos kami ng Papa ko.

"Siguro nagulat kayo na ipatawag namin kayo dito." Panimula ng Papa ni Lance.

Tumango-tango lang ako. Napapatingin ako kay Lance. Nakikinig lang siya. Walang emosyon. Cold. Tahimik.

Ibang-iba na siya sa Lance na minahal ko.

"Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa, gusto naming malaman ninyo na ia-arrange ulit kayo for the second time around. Alam naman namin na mahal niyo ang isa't is---"

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon