Chapter 8

491K 5.9K 1.5K
                                    

Yumiko POV

BABE!?

Sa halip na matuwa ako, nainis lang ako. "Sinong nakiusap sa iyo para gawin 'to?" Cold kong tanong.

Hindi niya ako mahal. May mahal na siyang iba. Tapos gaganito siya ngayon sa akin?

"Walang nag-utos sa akin."

"Pwes bakit, Lance? Bakit ka narito? Bakit bigla mong sasabihin ang ganyan, na kesyo babawiin mo na 'ko? Dahil ba naaksidente ako? Naaawa ka sa akin?"

"No. Hindi."

"Hindi ko kailangan ng awa mo, Lance. Umalis kana. Hindi naman na kita guguluhin 'di ba? Sinabi ko na 'yon kagabi. Nangako ako..."

"No babe. Please let me explain."

"Anong ie-explain mo? Na naaawa ka sa akin kaya babalikan mo ako? Kaya bigla mo akong tatawagin ulit na 'babe' na sa pagkakaalam ko ay pinagbawal mo sa aking itawag sa iyo 'yon kagabi? Lance, alam mo? Hindi ko kailangan ng awa mo. Tinatanggap ko na unti-unti na hindi mo na ako mahal, na may mahal ka ng iba kaya sana umalis ka na. Umalis ka na, Lance."

"Hindi ako aalis dito. Mahal na mahal kita Yumiko."

Bakit siya ganito? Hindi ko naman siya kayang tiisin pero naiinis ako. Bakit biglang ganito siya? Ayoko munang magpadala sa kanya. 

"Lance, please umalis ka na."

"Hindi ako aalis dito." Pagmamatigas nya.

"Ano bang nakain mo Lance ha? Sinabi ko na, wag mokong kaawaan! Kakayanin ko naman kalimutan ka eh! Just give me time! Kaya sana wag ka ng magpakita sakin! Dahil ako, hinding-hindi nako magpapa---"

He kissed me. Shit. After 6 months, ngayon ko lang ulit naramdaman iyong totoong halik ni Lance. Hinalikan ko na kasi siya nung nalasing ako pero parang balewala lang kasi tinulak ako no'n ni Lance.

Hindi ko magawang magalit, mahal na mahal ko siya. Sobra.

Wala na. Tumugon na ako. Tumugon na ako sa halik niya. Bakit ganito? Tina-traydor ako ng sarili ko? Nagmamatigas na ako pero bakit halik niya lang, hindi ko pa matanggihan?

"I really love you, babe." Sabi niya pagkatapos niya akong halikan.

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi lo alam kung paano nangyari 'to? Hindi ko din alam, baka panaginip lang 'to.

Umiiyak pa din ako. "U-Umalis ka na..."

"Hindi ako aalis. Babantayan kita. Masakit ba yung binti mo?"

Shit. Ayoko muna. Ayoko munang andito si Lance. Alam kong ginagawa nya 'to dahil naaawa lang sya sakin. "Hindi. Hindi masakit. Okay nako kaya umalis kana." Cold ko pa ding sabi.

Sinaktan nya ako ng sobra. Hindi ko kayang agad-agad ay maniwala sa sinasabi nya ngayon. Ayokong umasa. Ayoko.

"Babe..."

"Stop it Lance!" Sigaw ko. May paghihinakit sa boses ko. Umiiyak na naman ako. "K-Kung sino mang nakiusap sayo na gawin 'to, hindi mo sya kailangang sundin. Hindi mo kailangang mag-pretend na mahal mo'ko Lance dahil nag-desisyon na'ko! Igi-give-up na kita! Sinabi ko yun kagabi diba?"

"No. Please. Don't give up on me." Sabi nya saka hinawakan ang kamay ko.

Bumitaw ako sa kamay nya. "Napatunayan ko na kagabi na hindi mo na'ko mahal Lance. Nagmakaawa na'ko sayo. Lumuhod pa nga ako e, diba? Pero walang nangyari. Sinabi ko na sayo, kahit hindi mo na'ko mahal okay lang sa'kin basta dyan lang ako sa tabi mo, basta ikaw pa din fiance ko pero binalewala moko! Tinaboy mo'ko. Ayaw mo na sa'kin. Di mo na'ko mahal. May mahal ka ng iba. Umalis kana..." Napahagulhol nalang ako. Sobrang sakit 'pag naaalala ko yung kagabi na nag-usap kami sa kwarto nya.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon