Chapter 40 ∞ Get Lost

301K 4.6K 922
                                    

Yumiko POV

Andito lang ako maghapon sa condo unit ni James, umiiyak. Nag-iisip ng paraan para makausap ng maayos si Lance. 'Yung papakinggan niya ako at hindi itataboy.

Gusto kong maliwanagan siya. Gusto kong ma-realize niya na siya ang ama ng pinagbubuntis ko.

*eeccckkk*

"Tch. Bakit 'di mo kinain 'yung pagkain na iniwan ko sa kusina? Yumi naman. You're pregnant. Alagaan mo ang sarili mo. Intindihin mo 'yang baby mo, wag si Lance dahil wala 'yung kwenta." Inis na sabi ni James nang makapasok siya dito sa kwarto sa condo niya.

Dito lang ako mula kanina. Wala naman akong ganang kumain. Wala akong magawa kundi umiyak lang. "W-Wala akong gana.."

"Tch. Hindi pu-pwede yan Yumi. Baka mapa'no nyan baby mo. Lika sa baba kakain tayo. Nag-take-out ako ng foods." Sabi niya saka hinila ako sa braso.

Inalalayan pa nya akong makababa sa hagdan hanggang marating ang salas.

"S-Si Lance kumusta.."

"Tch. Nagawa mo pang kumustahin si Lance? Eh ikaw na buntis 'di man lang nya maka-musta." Masungit na sabi ni James.

Naupo ako dito sa couch nang makababa kami sa salas.

*door buzzer*

"Sandali, may tao." Sabi ni James saka pinagbuksan kung sinuman 'yung nasa labas.

"YUMI!!!!"

O_O

Nagulat ako sa sigaw na 'yun. Si Janna pala. "Janna.."

"Nalaman ko ang nangyari. Ano bang pinag-awayan nyo ni Lance? Hay si Lance talaga, kaka-engage nyo lang tapos ganito." Sabi niya saka tumabi sa'kin.

"Kain tayo Janna. Sakto, kakain palang kami ni Yumi." Sabi ni James saka nilapag sa center table 'yung take-out foods niya.

"Sige lang James. Nga pala, dito ba siya mag-stay? Pwede siya sa unit ko." Sabi ni Janna. "Alam mo naman yung iba, masyadong makitid ang utak. Saka 'pag nalaman naman ni Lance na dito siya tumutuloy sa unit mo, baka pag-isipan na naman niya ng masama si Yumi."

May unit nga din pala siya dito sa Buenavista building. Magkakatabi lang halos ang unit nila nina Chelsea at Adrian pati itong kay James.

"Sabagay. May point ka. Sige." Sabi ni James saka tumingin sa'kin. "Yumi okay lang sa'yo na d'on ka muna sa unit ni Janna?"

Tumango ako. "Anywhere."

"Okay tara kain. Tapos hatid ko kayo sa unit ni Janna mamaya." Sabi ni James saka nagsimula ng kumain.

Kahit papaano may mga kaibigan pa din na nagmamalasakit sa'kin. Pero..si Lance lang talaga ang kailangan ko.

--

"Ano bang nangyari? Tell me." Tanong ni Janna.

Andito na kami sa unit niya. Hinatid kami dito ni James kanina. Dito muna ako mag-stay.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Sa tuwing maaalala ko 'yung nangyari? Yung mga sinabi ni Lance? 'Di ko maiwasang masaktan. "S-Sorry, confidential.." Sabi ko nalang. Ayokong malaman nila na buntis ako hangga't hindi ko nalilinis ang pangalan ko kay Lance.

"Yumi stop crying. Alam kong masakit para sa'yo pero hayaan mo muna si Lance. Masyado ka na niyang nasasaktan. Ilang beses na kayong nag-away, pero hindi pa rin siya nagbabago."

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon