[11] Anong meron sa'kin?

5.6K 131 9
                                    

Sofia's POV

Nagising ako na nasa kwarto na ng condo ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Joshua na nanunuod sa salas. Siya siguro ang naghatid sa'kin dito.

Napalingon siya sa'kin. "Okay ka na?" seryosong tanong niya.

Tumango na lang ako bilang sagot. Wala ako sa mood magsalita dahil sa nangyari kanina.

Wala na si Katrina. Pinatay siya ng mga kalaban. Nakakasiguro ako na kaya nila yun ginawa ay para humina ako. Pero tang*na! mas lalo kong gustong pumatay dahil sa ginawa nila. Mas lalo akong lumakas dahil sa ginawa nila. Ginalit nila ako at dahil dun humanda sila.

Makikilala na nila ang tunay kong ugali.

Humanda ka Yana.

"Sa tingin mo.... Sino ang pwedeng gumawa nun sa kaibigan mo?" tinignan ko siya.

"Mamamatay tao" sagot ko.

"Pero bakit?"

"Dahil sa'kin. Gusto nila akong patayin pero iisa-isahin muna nila ang mga malalapit sa'kin bago ako"

Tinignan lang ako ng deretso ni Joshua tapos tumawa.

"Epekto ba yan kapag nahihimatay ka? masyado ka lang paranoid baby"

Lumapit ako sa kanya at pinagpantay ko ang mukha naming dalawa.

"Totoo ang sinasabi ko Joshua. Kaya kung gusto mo pang mabuhay tigilan mo na ang panliligaw sa'kin"

Hindi ko na siya pinagsalita dumeretso na ako ng kwarto ko at naligo. Kailangan kong kumuha ng mga impormasyon tungkol sa Red Hood na yun. Papatayin ko sila isa-isa.

Hindi ako pumapatay pero sinagad nila ang pasensya ko kaya handa akong pumatay mapaghiganti lang ang pagkamatay ni Kat.

Sinuot ko ang damit ko na pang gangster. Yung parang damit ni black widow sa avengers pero di kita ang cleavage ah. Kadiri =___=

Lumabas na ako ng kwarto at agad na sumalubong sa'kin si Joshua.

"Saan ka pupunta? at bakit ganyan ang suot mo?"

"Ano ba ang pake mo?"

"Pake ko? Tang*na Sofia! nag-aalala ako sayo! Ano?! Papatay ka din ng tao??"

Tinignan ko siya ng masama tapos nginitian ko siya.

"Oo. Bakit sasama ka?" halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin? Gangster ka ba?"

O__O

Teka... Hindi pwede malaman ni Joshua dahil hindi siya kasama sa grupo at kapag nalaman niya paniguradong papatayin siya ni master.

"He-he. Joke lang yun bakulaw! Takot nga ako sa dugo tapos papatay ako? Ahahaha" biro ko sa kanya. At mukhang naniwala naman siya

"Eh saan ka ba pupunta?"

"Costume party" tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

"Really baby ko? Ang sexy mo pala"

=________=

Kung ako na lang kaya ang pumatay dito sa bakulaw na ito? Pero syempre biro lang yun. Hindi ko kayang saktan ang ma---I mean yung mga bakulaw na katulad niya.

"Teka... magpapalit lang ako" pumasok ako ulet sa kwarto. Siguro mamayang gabi na lang ako aalis kapag bumalik na si Joshua sa condo niya.

Nagsuot ako ng short at simpleng t-shirt lang.

Paglabas ko sinenyasan ako ni Joshua na umupo sa tabi niya kaya umupo ako pero medyo malayo sa kanya. Err, kadiri kaya.

"Sofia, bakit gusto ka nilang patayin?"

"Di ko alam ang dahilan kung bakit. Siguro masyado akong maganda?" bigla siyang natawa sa sinabi ko. DUH, hindi kaya yun joke.

"Really baby ko? Yun ang dahilan? Madami naman ding diyan magaganda pero bakit ikaw ang gusto nilang patayin?"

Damn! Bakit ba ang daming tanong nito ni bakulaw? Talaga bang gusto niyang mamatay sa ginagawa niya? Aish!

"Alam mo ang dami mong tanong. Pwede ba dun ka na sa condo MO para makapagpahinga na ako dito sa condo KO"

"Bakit? pwede naman na magpahinga ka kahit andito ako sa condo mo ah"

<___<

"ano pa ang silbi ng condo mo kung andito ka? DUH Joshua kailangan ko ng privacy"

"privacy? eh naligo ka nga kahit andito ako"

>////////<

"NAKASARA NAMAN PINTUAN NUN EH!! ang sinasabi kong privacy gusto kong mapag-isa!!" bigla siyang tumawa.

"fine, fine.... babalik ako dito mamaya baby ko ah" sabi niya sabay kindat. Binatuhan ko siya ng unan kaso nakalabas na ang bakulaw. Grrr! nakakakulo ng dugo! >___<

- - -

Pagka-alis ni Joshua sa condo ko napagdesisyunan kong pumunta sa guild namin kaya andito ako ngayon sa dark guild. Kailangan ko din kasi kumuha ng mga impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Katrina.

"Oh! bakti bumalik ang prinsesa namin?"

"shut up Robert! wala ako sa mood makipagbiruan kaya pwede ba?" bigla siyang tumawa, tsk hindi dapat kumukuha si master ng mga baliw katulad niya -.-

Nilampasan ko siya at pumunta ako sa room ni master. 

Pagdating ko dun agad niya akong sinalubong. Yuck, feeling ko tuloy type ako nito eh. Eww.

"Nabalitaan ko na ang balita sa pagkamatay ng kaibigan mo" sabi niya.

"Ah tungkol po pala diyan. Gusto kong malaman lahat ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ng kaibigan ko"

"Sige.. Hintayin mo na lang sa private room mo ipapadala ko na lang" tumango naman ako tsaka aalis na sana kaso nagsalita ulet si master.

"May bagong impormasyon din kaming natanggap" nilingon ko siya.

"Hindi lang ang Red Hood ang gustong pumatay sayo.."

"anong ibig mong sabihin?" lumapit ako sa kanya. Tsk, mukhang alam ko naman na din ang sasabihin niya eh.

"Lahat sila gusto kang patayin... Lahat ng grupo gusto kang mamatay na... "

Medyo kinilabutan ako sa sinabi ni master.

Sht! paano pa ako makakapagtago ngayon kung may impormasyon na sila tungkol sa'kin?

Bakit ba gusto nila akong patayin?

Ano bang meron sa'kin?   -____-

*************

A/N: sorry short UD lang....

Hintayin niyo na lang yung next UD ko huh?

#TBBGIAG

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon