[15] Worried

6K 121 6
                                    

A/N: Hi readers! may itatanong lang sana ako. Balak ko kasi gumawa ng page ng TBBGIAG sa fb at syempre dapat may mag-manage nun. Ahaha! Para naman masuportahan lalo ang tambalang JoshuaXSofia.

Sino ang willing magpatakbo ng fb page ng TBBGIAG?

*************

(New video teaser ng TBBGIAG >>)

Sofia's POV

"uhmmm..... ano kasi...." kanina pa ako ganyan. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kay Joshua.

Oo, alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya pero ayokong madamay pa siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Isa pa, paano ko siya po-protektahan sa mga gustong pumatay sa'kin kung hindi ko nga nagawang protektahan noon si Katrina.

Aish!!!! >___<

Ang complicated naman!!!!

"ano? kanina ka uhmm ng uhmm diyan eh!" pagrereklamo ni Joshua.

"pake mo ba huh?! eh sa trip kong magsalita ng ganun!"

"nakakainip kasi!!"

"aba! ikaw pa may ganang magalit ah! ikaw na nga lang magtatanong tapos ikaw pa magagalit!"

"oo o hindi lang naman kasi ang sasabihin hindi pa magawa"

"edi hindi" pagkasabi ko nun nagkatinginan kami sa isa't-isa.

"hindi?" lumapit sa'kin si Joshua pero umatras ako.

"oo.. i mean Hindi kita sinasagot! busted ka!" lumapit pa siya sa'kin kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama niya pero tumayo din siya. MyGhad!! bakit ba ganyan siya?!

"yun na ba talaga ang sagot mo?" lumapit ulet siya sa'kin tapos ako umatras ulet hanggang sa na-corner na niya ako.

"o-oo.. bina-busted kita" mataray na sagot ko, sinusubukan ko kasi magmukhang matapang pero nakakatakot yung mata ni Joshua. Oo, natatakot ako dahil lang sa mata niya.

Congrats to me! ako'y nagmamahal ng tunay! >__<

"wala pa ang nang-busted sa'kin, alam mo ba iyon?" nilapit niya sa'kin yung mukha niya. Halos halikan na nga niya ako sa sobrang lapit eh, idagdag mo pa na sobrang titig siya sa labi ko. Ghad! maiihi na ako ng wala sa oras!

"s-so?"

"kaya pagsisisihan mo ang pag-busted sa'kin" nilapit niya yung labi niya sa labi ko hanggang sa magdikit iyon.

Di ko alam kung bakit pero tinutugon ko na lang din yun. Siguro nga mahal ko na siya pero hindi pa rin dapat ako magpadalos-dalos sa gagawin kong desisyon.

Kapag sinagot ko siya at maging kami may posibilidad na patayin din siya ng mga gustong pumatay sa'kin. At ayokong mangyari yun. Pero! Argh! Kahit anong pilit ko na pigilan itong nararamdaman ko hindi ko kaya.

First time lang na naging ganito ako sa lalaki.

*Phone ringing*

Napatigil kami ni Joshua sa... alam niyo na... nang biglang mag-ring yung phone ko.

"hello?"

[Sofia pumunta ka dito sa guild]

Dumistansya muna ako kay Joshua bago magsalita.

"bakit? anong meron?"

[May kakalabanin ka mamaya]

"Huh? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?"

[Ikaw ang gusto nung makakalaban mo eh]

"Sige pupunta na ako"

-end of call-

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon