42- Regina Scuro

1.5K 34 20
                                    

"Habulin niyo siya," utos ng isang babae sa mga kasamahan niya.

Hindi na nagpaligoy pa ang mga ito at agad sinunod ang utos ng babae. Mabilis silang tumakbo upang habulin ang susunod na target ng babae.

Kalmado namang naglalakad ang babae kasunod nila habang hawak ang pinakaiingitan niyang baril. Gintong baril.

"Aiuto! Mi aiuti per favore!" pakiusap na sigaw ng lalaking hinahabol nila kahit alam niyang walang makakatulong sa kanya. Lalo pa nasa loob sila ng abandonadong lugar.

Napatigil siya sa pagtakbo nang may pumutok. Napahawak agad siya sa dibdib niya sa pag-aakala na nabaril na siya.

Naging dahilan naman ito para maabutan siya ng mga humahabol sa kanya. Napaluhod siya sa nginig at takot dahil alam na niyang wala na talaga siyang takas mula dito. Pinalibutan agad siya ng mga lalaki. Mga nakasuot ito ng mask kaya hindi niya mamukhaan.

Lalo siyang nanginig nang marinig niya ang marahang tunog ng takong ng babaeng palapit na ng palapit sa kanila. Hindi siya lumingon para tignan ang babae.

"Are you afraid of me, sweet?" nakakahindig balahibong tanong ng babae.

Sunod sunod ang pagtango ng lalaki. Nagtakip pa siya ng tenga para hindi marinig ang tawa ng babae. Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. Hindi niya pa gustong mamatay. Ayaw pa niya.

"Iharap niyo sa'kin," utos ng babae sa mga kasamahan. Hinigit nila patayo ang lalaki at sapilitang pinaharap sa babae.

Ngayon ay nakita niya na ang buong hitsura ng babae. Blonde hair, heavy eyeliner, dark red lipstick, ang mga suot ay halos itim lahat, at higit sa lahat ang pumukaw sa atensyon niya ay ang nakakakilabot na ngiti nito sa kanya..

"Please, please, please. Spare me please. I don't want to die. Not yet. Please. I'm sorry for my mistake whatever that is. Please I'm begging you," he cried.

Nagkunwaring naaawa naman ang babae sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ng lalaki.

"Just give all your wealth to me and you're safe," aniya.

Hindi nagdalawang isip ang lalaki sa pagtango. Sinenyasan naman ng babae ang isa upang kumuha ng cellphone.

"Call your secretary and transfer it to my account. Right now."

She smiled sweetly. Alam niyang hindi nito ibibigay sa kanya kung papatakasin niya ito ngayon. Hindi siya kuntento sa pagbabanta lamang. Gusto niya gawin agad ito para wala ng trabaho kung sakaling magbalak na maghiganti.

Nag dial naman ang lalaki sa kanyang secretary. Italian ang ginamit nitong language ngunit hindi siya maiisahan nito. Alam niya ang Italian.

"Don't try to tell them what's happening now. You know what I can do to you," she warned him.

Walang nagawa ang italyano kung hindi sundin ang utos niya. She smirked in satisfaction. Gustong-gusto niya talaga kapag nakikitang under sa kanya ang mga lalaki. Walang nagagawa bukod sa sundin lamang siya.

Tinanong ng Italyano ang bank account ng babae at agad niya naman itong sinabi. Narinig pa niya ang pagtataka ng secretary nito ngunit sinabi ng lalaki na makinig na lang sa kanya dahil mahalaga ito. Pinaliwanag na lang niya na natalo siya sa casino kanina kaya kailangan niya magbayad.

Pagkatapos ng tawag ay agad binitawan ng mga lalaki ang Italyano.

"Great job. I like you," sabi ng babae. Lumapit siya dito at binigyan ng isang malalim na halik.

Nang maramdaman ng babae ang pagtugon ng Italyano sa kanyang halik ay agad niyang tinutok ang baril sa dibdib nito at agad na pinaputok.

Bumagsak ang katawan ng lalaki sa harap niya. Hindi pa siya kuntento dahil kinuha niya ang pockey knife niya at hiniwa ang pisngi ng lalaki. Iniwanan niya ito ng markang 'S'.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon