[32] Ex-girlfriend

3.5K 83 8
                                    

Follow Joshua on Twitter @JoshuaTBBGIAG

Join our group on facebook.
_______

Sofia's POV

"Ugh," nag-unat ako sabay kusot ng mata ko. Humarap ako sa gilid at niyakap ko yung unan. Teka, yung unan ko ang init. Kinapa ko yung unan ko at naramdaman kong humihinga siya. Oh shit. Hindi ito unan!

"Morning baby ko," napatayo agad ako nang marinig ko yung boses ni bakulaw. "Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa kanya at kumuha ako ng unan para ihampas sa mukha niya.

"Tss, aga-aga naman baby para mabugbog ako," I rolled my eyes. Oo nga pala, pagod siya dahil sa mission niya kagabi. Napatingin ako sa kanya at dun ko lang na-realize na shirtless pala siya. Kitang-kita ko tuloy yung tattoo niya.

"Pinagnanasaan mo na naman ako," napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Ugh! Sorry naman okay?! I find his body very attractive. Geez, mukha na akong pervert sa iniisip ko. Aish!

"Saan ka ba galing kagabi huh?" nakita ko siyang ngumiti dahil sa peripheral vision ko.

"Nag-aalala ka ba baby ko?" sinuot niya yung t-shirt niya na nakasabit sa head board. Tss, bakit ba kasi dito ko yan dinala kagabi nung mawalan siya ng malay? Baka isipin pa niyang pinagnanasaan ko siya na totoo naman. Heck! No!

"Date tayo baby," tamang-tama naiinitan din ako at gusto ko din magpalamig. At isa pa, gusto ko rin yung idea niya na mag-date kami.

---

Magka-hawak kamay kaming naglalakad ni Joshua sa mall. Oo na, ako na ang malandi pero siya talaga yung nagpumilit na holding hands while walking daw kami. Psh, kabaklaan talaga ni bakulaw.

Kanina naglaro kami sa isang arcade. Gusto daw kasi sumayaw ni Joshua dun sa parang xbox. Aish, I don't have any idea how to call that freaking gadget. Tanungin mo ako sa mga uri ng baril baka may maisagot pa ako haha. So ayun, habang sumasayaw si Joshua-Growl ng exo. Nakatayo lang ako sa gilid at pinapanood siya kaso biglang dumami yung mga babaeng nanonood sa kanya. Sa sobrang inis ko nun hinila ko palayo si bakulaw sa mga pesteng higad. Nung makalayo kami sa arcade game bigla niya akong hinalikan sa noo at sinabi niya na: "Don't be jealous baby, hanggang tingin lang naman sila eh."

Pagkatapos namin sa arcade kumain naman kami sa isang ice cream parlor. As usual, cookies and cream ang inorder ko at kay bakulaw naman ay rocky road. Pero juice colored! May mga pesteng higad pa rin na nagpapacute kay bakulaw. Argh! I know he's attractive but hey! He's already mine!

ERR WAIT!

Hindi ko pa pala siya sinasagot so hindi ko pa pwedeng angkinin siya. Tss, stupid me.

"Ouch!" tinignan ko siya ng masama dahil pinitik niya yung noo ko habang inaalala yung mga nangyari kanina.

"Tinatanong kita kung uuwi na tayo," he caressed my forehead using his thumb. Sweet gestures can kill me. I'm freaking serious here cuties. Ayoko man sabihin pero kinikilig ako.

"CR muna tayo bakulaw," because I really need to breathe and also I need to pee. Yan ang epekto pag kinikilig ka. Haha.

Naglakad kami papunta sa cr. Pagpasok ko dun walang masyadong tao bukod sa 2 teenager at isang matanda na parehong nagsasalamin. Habang nasa cubicle ako naririnig ko na nag-uusap yung 2 teenager, like me, tungkol sa second course nila.

"Teacher yung second choice ko eh. Hahaha!" -girl 1

"Baliw ka kasi bakit yun ang pinili mo?" -girl 2

"Eh trip ko lang." -1

"Ano ba yun? Yung education? Hahaha yung major in english ba?" -2

"Oo, yun ata yung nilagay ko. Haha!" -1

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon