[9] Dugo???

6.4K 138 7
                                    

Joshua's POV

Andito ako ngayon sa kusina. Nagpe-prepare ng midnight snacks namin ni Sofia.

Oo nga pala, tungkol dun sa isyu kung bakit ko nililigawan si Sofia ay dahil sa isang pustahan lang yun.

Gusto ko si Sofia pero hindi ko siya gustong ligawan. I find her attractive pero hanggang dun lang yun.

Sila Luis kasi ang pasimuno. Sila ang nagsabi na ligawan ko daw si Sofia para mapatunayan ko na kaya kong pasagutin yung babaeng yun. At para na din daw magselos yung ex ko.

Alam kong masama ang ginagawa ko pero tang*na kasi eh! Mahal ko pa din yung ex ko kaya gusto ko siyang bumalik sa'kin.

Ang gago ko noh?

Gagamitin ko si Sofia para maging masaya ako.

- - -

Pagkadating ko sa rooftop nakita ko si Sofia na nakaupo sa carpet, nagtaas kami kanina niyan para mas kumportable namin titignan ang kalangitan.

Nakatingin lang siya sa langit. Ang inosente ng mukha niya, mukha siyang isang anghel.

Fck! parang ayoko ng ipagpatuloy yung plano!

"Oh Joshua kanina ka pa diyan?" bigla akong natauhan nung nagsalita siya.

"Ah hindi" tumabi na ako sa kanya. Pareho kaming nakaupo sa carpet

"Uhm... yung tungkol pala dun sa tinanong mo kanina.... Pag-iisipan ko kung bibigyan kita ng pag-asa"

O____O

Agad akong napatingin kay Sofia pero hindi siya sa'kin nakatingin. Sa langit siya nakatingin or should I say sa mga bituin.

"Oy di ka na nakapagsalita? haha! kaya ko pag-iisipan yun kasi sure akong lagi na akong makakatanggap ng toblerone!" natawa naman ako sa sinabi niya.

Ang cute niya.

*

Sofia's POV

Nakahiga na kami ngayon ni Joshua sa carpet. Ugh, ang lamig dito.

"Nilalamig ka?" tanong niya pero umiling na lang ako kahit di totoo.

"Siguro kung kami pa ng ex ko hindi ikaw ang unang babaeng dadalhin ko dito" Tinignan ko lang siya. Ayokong magsalita kasi inaantok na ako.

"Pero dahil wala na kami kaya hindi ko na siya madadala dito. Ang gago lang kasi eh, hindi pala ako yung mahal niya pero sinagot niya ako"

Nakita ko na parang may kuminang sa mata niya. Luha, I guess?

"Alam mo bakulaw hindi ka dapat nagpaka-tanga dun sa ex mo. Alam mo kung bakit? kasi ang alam ko ikaw ang nang-gagago hindi ikaw ang ginagago. Diba nga bad boy ka?" di ko alam kung bakit pero nasabi ko yan para gumaan ang pakiramdam niya. 

Pero wala akong sinabi na I care for him =__=

Narinig ko siyang nag-smirk. "tama ka ako dapat ang nang-gagago"

Dahil sa sinabi niya para akong kinilabutan na ewan. -___-

"Oy wag naman yung darating sa punto na nang-gagago ka para maghiganti. Wag ganun baka kasi karmahin ka" pagbabanta ko sa kanya.

"Hindi mo ako naiintindihan Sofia. Isa lang sa dahilan ko ng pakikipag-break ko sa ex ko ang panloloko niya sa'kin"

"Huh? ibig sabihin may isa pang dahilan?"

"Oo, at yun ay isa siyang gangster"

gulp

Yung ex ni Joshua ay isa ding gangster? what a small world.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon