44- Name

1.9K 42 49
                                    

Yana's POV

"Nabalitaan mo na ba na lumuwas ang ibang DG members sa Italy?" tanong ni Reid, my new what-so-called protector.

I crossed my legs while I was staring at him. Demanding him to shut his mouth with my piercing eyes. But, oh I forgot! He is like a human stone. He's nothing but a numb guy.

"Yes, nabalitaan ko na 'yun. You don't have to report that to me."

Naglakad siya papalapit sa'kin ngunit agad ko siyang sinenyasan na huminto. I don't like being near to him. Naiirita ako sa presensya niya.

"Hindi ka ba napapaisip kung sino ang nasa likod ng babaeng hinahanap nila?" now he got my attention.

Tinignan ko siya at bahagyang napangiti. "Hindi ko naman na kailangan isipin 'yan. Gusto mo malaman kung bakit?"

He nods.

"Because I don't fùcking care," umirap ako at naglakad palabas ng silid na iyon.

Alam ko ang mga nangyari at nangyayari sa loob ng Dark Guild. Well, kahit wala na ang babaeng gusto kong mapatay gusto ko pa rin na mapabagsak ang grupong pinanggalingan niya.

But I guess I don't need to do that. Sirang sira na ang grupo niya. Hindi na sila makakaahon dahil wala na si Sofia.

Ang sarap isipin na wala na ang dati kong kaibigan. Oh wait... Naging kaibigan ko ba talaga 'yun?

I chuckled at that thought. How rude of me. Patay na nga 'yung tao pinagiisipan ko pa ng masama.

"Celestial, pinapatawag ka ng nakakataas," sabi ng babaeng nakasalubong ko.

Wala na akong inaksayang panahon kaya naman pumunta agad ako sa silid ng mga nakakataas. Limang tao ang sumalubong agad sa'kin pagpasok ko. Mukhang malalim ang pinaguusapan nila dahil pare-pareho silang nakasimangot.

"Pinapatawag daw ako."

Inilahad ng pinaka boss ang bakanteng upuan kaya naman umupo ako dun.

"Kailangan natin pumunta ng Italya," pahayag niya.

"Wait. Bakit naman tayo pupunta doon?" tanong ko.

Tinignan niya lang ako ng seryoso kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Yes, I may be the celestial princess here but they are not afraid of me. It is more like I am the on who's afraid of them. Their brutality is worst. Kinailangan ko pa pagdaanan 'yun para lang makuha ang position na ito.

Marami rin namatay para makuha lang ang kinalalagyan ko ngayon. Maswerte na lang ako dahil sila ang mga naunang sumuko bago ako. Kung hindi iyon nangyari baka isa na ako sa mga namatay sa sobrang pagka brutal nila.

"You think our plan will work?" tanong ng isang nakakataas sa boss.

"Kailan ba ako pumalya sa mga plano ko?" tumaas ng bahagya ang boses niya kaya napayuko lahat ng nandito.

Pare-pareho kaming takot sa kalupitan niya..

Alam kong madami ng napagtatagumpayan ang boss sa lahat ng plano niya. Isa na sa naging plano niya ay ang pagpatay kay Sofia.

Hindi ko alam sino ang tinulungan niya upang mapatay ang babaeng iyon pero nakita ko naman na naging matagumpay ang plano.

Hindi ako nagdududa sa kakayahan niya. Kahit kailan ay hindi ko pinagdududahan ang katalinuhan at katapangan ng nakakataas. They taught me how to be stronger.

Ngunit kahit anong gawin ko ay alam ko sa sarili ko na kulang na kulang pa din iyon kumpara kay Sofia.

Kahit na patay na siya ay hinding hindi ko pa rin siya kayang talunin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon