[12] POVs

6K 151 20
                                    

Dedicated to: @beautifulmikay12 

~Dahil siya ang kauna-unahang active sa TBBGIAG! Haha! Sana lagi mong suportahan ito hanggang dulo at kung meron mang book 2 sana suportahan mo din.

******

(video ng TBBGIAG on the right side!
>>>>>>)

Sofia's POV

"Bakit? Ano ba ang gusto nila sa'kin? Bakit lahat na lang sila gusto akong patayin?! Huh?!" galit kong sigaw kay master.

Tang*na kasi eh! Ano ba ang gusto nila? Tahimik naman na ako ah! Hindi na ako nakikipaglaban pa. Pero bakit ayaw nila akong patahimikin? >___<

Tumayo si master sa pagkakaupo niya tapos naglakad papalapit sa'kin.

"Kasi ikaw ang black princess" agad naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano naman kung ako ang black princess?" bigla siyang natawa sa sinabi ko.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit andito si Robert sa guild namin, pareho kasi silang baliw ni master.

"Haayyy, parehong-pareho talaga kayo ng nanay mo. Hindi niyo alam ang mga nangyayari kapag nagagalit kayo"

?___?

Konti na lang talaga iisipin ko ng may sayad itong si master eh. Di ko gets ang mga pinagsasasabi niya.

"Sige punta na ako sa private room ko"

"Ayaw mong malaman kung bakit black princess ang tawag sayo?"

"Obviously naman kaya yun ang tawag niyo kasi anak ako ng dark queen kaya 'black princess' ang tawag niyo sa'kin. DUH" sabi ko sabay irap sa kanya. Aish!

"haha! yun ang alam mong dahilan?"

"bakit may iba pa bang dahilan?"

"Nah, siguro hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin sayo"

Inirapan ko siya tapos lumabas na. Nakakainis naman sinayang ko lang yung ilang minuto sa pakikipag-usap sa kanya. Wala naman kwenta.

Pumunta na ako sa private room. Walang nakakapasok dito maliban sa'kin.

Kinuha ko yung folder na nakalagay sa center table. Agad ko yung binuksan at nakita ko agad ang picture ni Katrina nung namatay siya.

Hayy, bakit ba kasi kailangan may madamay pa? Pwede naman na deretsahang patayin na lang nila ako diba?

*

Master's POV

"Para talaga siyang nanay niya. Parehong-pareho sila ng ugali"

"Sa tingin niyo master hindi niya talaga naalala yung mga nangyayari kapag nagagalit siya?" hinarap ko si Robert.

"Hindi... Hindi niya alam na nakakapatay na siya kapag nagagalit siya ng sobra"

"Grabe pala silang mag-ina" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo. Talagang grabe sila.. Kaya hindi dapat mawala sa'tin si Sofia dahil siya ang lakas ng grupo"

Lalo na ngayon na gustong-gusto siyang patayin ng ibang grupo dapat protektahan namin siya dahil siya lang at ang nanay niya ang lakas ng grupo namin.

Hindi naman sa minamaliit ko ang ibang miyembro kundi may katangian lang talaga silang mag-ina na wala ang iba.

At yun ay...

Nakakapatay sila ng hindi nila alam

*

The Bad Boy's Girl is a GangsterWhere stories live. Discover now