[5] Computer

7.7K 175 9
                                    

Sofia's POV

Friday

Andito kami ngayon sa gym kasi PE namin ngayon.

Yung tungkol pala sa pagiging gangster ni Yana hindi pa kami sure doon.

Pero kung sakali na isa siyang gangster hindi ko alam ang pwede kong gawin.

Dahil sa mundo ng mga gangster ang mga kaibigan at kakampi mo lang ay ang mga ka-guild mo o ka-grupo.

Pero sa sitwasyon namin ni Yana hindi ko siya ka-grupo kaya magkalaban kami.

Ayokong mangyari yun pero kung yun dapat ang kailangan kong gawin handa kong kalabanin ang sarili kong kaibigan.

"Uy Sofia okay ka lang?" tanong sa'kin ni Kat.

"Ah oo" lumapit kami dun sa mga kaklase namin. Maglalaro daw eh.

"Teka bago tayo mag-umpisa Sofia sumama ka muna sa'kin" bigla akong hinila ng teacher namin. Hindi naman yung parang kaladkad ah. Sisipain ko siya kung kaladkarin niya ako.

"Hindi ka pwede umattend sa klase ko ngayon"

"Oh bakit naman po?" yeah, dapat maging magalang ako.

"Tumakas ka sa detention mo kahapon kaya may ipapagawa sayo. In short may parusa ka. Tss, pasaway kasi" inirapan ko na lang yung teacher ko tapos dumeretso na ako ng faculty.

Pagdating ko sa faculty sinalubong agad ako nung teacher na sinagot ko. Hehe.

"Dahil tumakas ka sa detention mo maglinis ka sa computer lab ngayon din"

"Psh. Fine" lumabas na agad ako sa faculty at syempre pupunta akong comp. lab. Hindi na ako tatakas baka kasi mamaya buong gym na ang ipalinis sa'kin.

- - -

Andito na ako ngayon sa computer lab. Buti na lang at konti ang mga kalat kaso yung ibang computers eh bukas.

Lumapit ako sa isang computer para patayin pero nakuha atensyon ko ng mabasa ko ang nakabukas na website.

List of all the Gangster Groups in the Philippines:

1) Grimoire Guild (GG)
2) Red Hood (RH)
3) Dark Guild (DG)
4) Black Tie (BT)
5) Dark Unicorn (DU)
6) The Shadow Knights (TSK)
7) Pink Bow (PB)
8) New Generation Guild (NGG)
9) Funeral Parlor (FP)
10) Black Bull Guild (BGG)

[A/N: hehe! pagpasyensyahan na ang mga names ng guild]

Kinlick ko yung List of the most powerful gangsters.

1) Flaming Shadow (Grimoire Guild)
2) Black Princess (Dark Guild)
3) Celestial Princess (Red Hood)
4) Guilty King (funeral parlor)
5) Blazing Eye (Grimoire Guild)

O______O

Pangalawa ako?!

Ang codename ko kasi ay black princess.

Pero teka... Hindi naman na ako masyadong nakikipaglaban ah! Pero bakit pangalawa ako? Sht! Yung si Celestial Princess natalo ko pa. Baka mamaya gumanti yun sa'kin.

Kinlick ko yung codename ko dun tapos may lumabas na mga information about sa'kin.

___________________________
*Black Princess*

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon