2- Stalker?

10.5K 235 2
                                    

Sofia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sofia's POV

Gumising ako na bugbog sarado ang katawan. Pinilit kong bumangon pero napapadaing na lang ako sa sakit sa bawat kilos na gagawin ko. Masyado ko atang napwersa ang sarili ko kaninang madaling araw. Dahil sa sobrang inis ko napaaway pa ako sa mga umiinom sa labas ng subdivision.

I frowned.

Lima silang lalaki at kung ikukumpara sa katawan ko ay malalaki ang sa kanila pero wala naman pala silang laban sa'kin. Yun nga lang nakailang tama din sila sa'kin bago ko sila napatumba.

"Sofia, late ka na. Hindi ka ba papasok?" tanong ni ate Frances habang inaayos ang breakfast in bed ko. Yeah, she's a caring sister to me. Talagang alagang-alaga ako sa kanya.

"Second day mo pa lang ganyan ka na," dugtong niya na may kasama pang pag-iling. Tinignan ko na lang siya at tipid na ngumiti. Napailing siya ulit bago lumabas.

Sanay na sanay na kasi ako sa ganito. Maski ang mga professor ng Academy ay kilalang kilala ako bilang pasaway na babae. Well, it doesn't matter to me. I can passed the exams without listening to them. Basic.


Inumpisahan ko na ang pagkain at eksaktong 8:30 natapos na akong mag-ayos.

Naabutan ko si ate Frances na naglilinis ng kusina bago ako lumabas ng apartment.

Kung pwede ko lang sana gamitin ang motor ko siguro mabilis lang ako makakarating sa Academy at hinding hindi ako mabobored sa paglalakad araw-araw. Kaso naalala ko na ayaw sa'kin ipagamit ni ate Frances ang motor ko dahil ang panget daw tignan ng babaeng nakapaldang nagd-drive ng motor.


Para sa'kin cool naman 'yun tignan...








Pawisan na ako ng makarating sa hallway ng Academy. Pagkapasok ko pa lang pinaulanan agad ako ng mga titig ng mga estudyante.

I crossed my arms. Kampante pa din ako sa paglalakad na para bang wala akong napapansin kaso napatigil ako sa mga bulong-bulungan ng mga babae sa paligid ko.

"Grabeng kapal ng mukha niya."

"True girl! Nagawa pa niyang pumasok dito matapos niyang gawin 'yun kay Prince Joshua."


Napataas ang kaliwa kong kilay sa sinabi ng dalawang babae sa gilid ko. Ako ba ang tinutukoy nilang makapal ang mukha?

Hindi na din ako nakapagtimpi sa patuloy na pagbubulungan nila kaya lumapit ako sa nagkumpulan na mga babae. In a serious tone, I asked them: "What's your problem, gals?"

Nagtinginan sila sa isa't-isa. I crossed my arms as I patiently waiting for their answer.

"Hindi ba ikaw ang babaeng makapal ang mukha na minura si Prince Joshua?" ani ng isang babaeng maiksi ang buhok. She's quite pretty but not that enough to reach my standards.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon