[19.2] Camping pt. 2

4.6K 111 2
                                    

A/N: dahil nasa mood si author ngayon at ito na ring ang parang gift ko sa inyo nung b-day ko kaya nag-UD ako. Hehe ^___^

Sensya na kung magulo.

____________

Third Person's POV

Madilim at mahangin sa gubat kung saan natutulog ang mga estudyante. Marami ng tulog sa kanila maliban kay Sofia. Nagising siya dahil sa uhaw na kanyang nararamdaman. Bumangon siya at dahan-dahang lumabas sa tent nila ni Joshua. 

Kaya na niyang maglakad dahil hindi naman niya iniintindi ang sakit ng kanyang paa. Siya si Sofia kaya balewala lang ito sa kanya.

Paglabas ni Sofia sa tent di niya alam na may naka-abang na sa kanyang panganib.

"Ugh, ang lamig pala dito sa labas" sabi ni Sofia nang matapos na siyang uminom.

Biglang napalingon si Sofia nang makarinig siya ng ingay. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa isang mapunong lugar.

Sabi nga nila, Curiousity kills a cat. Kaya gusto niyang malaman kung saan nanggaling yung ingay.

'Hanggang dito ba naman hindi nila ako tinatantanan?' sabi niya sa isip niya.

Lakad lang siya ng lakad hanggang sa may naramdaman na siyang kutsilyo malapit sa kanyang leeg.

'fck!' She cursed.

"Isang galaw mo lang patay ka ng bata ka" sabi ng lalaki na may hawak ng kutsilyo.

"So? Ano naman mapapala mo kapag pinatay mo ako?" cool na tanong ni Sofia. Hindi naman kasi siya natatakot. Para sa kanya, sisiw lang itong lalaki na ito.

"Yayaman ako! Kapag pinatay kita, magkakaroon ako ng madaming pera!"

Napabuntong-hininga si Sofia para pakalmahin ang sarili. Hangga't maaari ayaw niyang pumatay ng tao.

"Alam mo na hindi mo ako kaya. Hindi porket medyo bata pa ako eh kaya mo na ako. Ibahin mo ako mister"

Bago pa makapagsalita yung lalaki lumingon sa kanya si Sofia at inikot agad ang braso ng lalaki kaya nahulog ang hawak niyang kutsilyo.

"I told you sir. You can't beat me" Susuntukin na sana ni Sofia yung lalaki kaso may biglang sumipa sa kanya ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.

Tinulungan ng isang babaeng naka-maskara ang lalaking may hawak kanina ng kustilyo.

'Tss, kailangan pa talaga niyang mag-mask? Kilala ko na kaya siya!' isip ni Sofia.

Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa galit na kanyang nararamdaman.

"Tch. So weak. Kailangan niyo pa ba talaga magtulungan para patayin ako?" maangas na tanong ni Sofia. Tumayo siya at naglakad papunta sa harapan nung babaeng naka-mask.

"Nice to meet you Celestial Princess" Sabi niya sabay suntok sa mukha nung babae.

Sinunggaban agad nung lalaki si Sofia pero agad naman nakatakas si Sofia dito at sinipa niya ng malakas ang tiyan ng lalaki dahilan para tumalsik siya.

Haharap na sana si Sofia sa babaeng naka-mask ngunit bigla siyang sinuntok sa tiyan nung lalaki.

"Ahh!" Hindi napigilan ni Sofia ang sakit na naramdaman niya. Ang kaninang balewalang pilay sa kanya ay ngayon sumasakit na talaga.

Biglang natumba si Sofia kaya agad na lumapit sa kanya yung babae na may hawak ng kutsilyo.

"Pasensya na ah. Kutsilyo lang ang dinala ko para gamitin sa pagpatay sayo"

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon