CHAPTER 60 (The Last Chapter)

3.1K 57 61
                                    

"Manganganak na 'yong asawa mo!"


Patulog na ako ng dumating si Lizbeth galing school. May mga kinuha kasi siyang gamit na kailangan niyang asikasuhin since graduating na siya this coming October. Ayaw na niyang paabutin ang March kaya hinayaan ko na lang siya. Pinaabot ko muna ang 30minutes bago ako pumasok sa kwarto. Patulog na siya kasi nakapajama bottoms na siya. 'Buti naman at hindi mga kung anu-anong papel ang hawak niya.
 
"Hi Shane." Humalik siya sa akin sa labi at umupo ulit.

"Bakit suot mo 'yang damit na 'yan? Hindi ba iyan ang regalo ko sa 'yo noong first monthsary natin?" Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko siyang medyo napatulala sa akin. Ewan ko ba bakit minsan napapatulala pa din siya, wala namang kakaiba sa akin.

Lumapit ako sa kanya at may sinuot na bracelet. Then may nagclick, 'yon ang bracelets namin na pag pinaglapit mo, magdidikit ang dalawa. Ngumisi lang siya pero hindi na nagsalita.
 
"How's school? Dapat 'di ka nagpapagod." Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya.
 
"Kinda okay. Tinatapos ko na lang ang ibang mga requirements for the graduation. Ikaw? Hindi ka ba napapagod sa paghandle ng business?" Medyo kumunot ng konti yung noo niya.
 
Ngumiti ako kasi nakita ko ang pag-aalala niya sa akin. Dati, hindi siya ganito pero simula ng matapos na niya ang mga issue niya mas lalo siyang naging mabait. Marunong na siyang mag-open up sa 'kin ng mga hinaing niya, o nararamdaman niya sa bawat pangyayari sa kanya. Hindi na siya nag-aalinlangang magkuwento sa akin. Hindi na rin siya nagsesekreto. Pakiramdam ko lahat ng bagay alam ko na sa kanya. Wala na siyang tinatago sa akin. Granted na mahal niya ako pero minsan hindi ko 'yon masyadong mapatunayan kasi iba nga ang mga kilos niya. Parang mahal niya ako ngayon pero sa susunod mararamdaman kong hindi.
 
Niyakap ko siya and I could feel heaven on that. Sana lagi kaming ganito. Humiga na kami. Yakap ko siya habang siya nakaupo pa rin. Nagtataka nga ako sa kanya kasi nakatingin lang siya sa akin.
 
"O, bakit?" Pakiramdam ko mapupunit na ang mga labi ko. Kinikilig nga siguro ako kasi nakatingin siya sa akin. Meron palang ganoong pakiramdam na alam ko namang nagsimula pa nang makilala ko siya.
 
"Nothing. Just sleep now." She kissed my forehead then turn off the lampshade. Noong una hindi ako sanay na patay lahat ng ilaw pero nag-adjust ako, hindi lang 'yonpero madami pang iba para sa kanya, mahal ko kasi siya. Kung hindi ko 'yongagawin baka hindi magtagal ang pagsasama namin.
 
Naramdaman kong kumilos siya. Narinig ko ang pagbukas niya sa drawer. Siguro ilalagay na niya doon ang salamin niya. Maingat talaga sa gamit si Lizbeth. Lahat may lalagyan, nito ko nga lang napansin 'yoneh.
 
"Good night Lizbeth." Niyakap ko siya.
 
"Good night Shane." Yumakap na din siya.
 
Ilang araw na masaya kami. May times na hindi ko siya masundo sa school kasi napapadalas ang out of town ko pero two days or three days lang. Namimiss ko na kaagad siya kaya umuuwi ako. Pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pang umalis.
 
"Lizbeth..."

"Hmm?" Seryosong nakatingin si Lizbeth sa mga papel na binabasa niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang balita sa kanya. Siguro naman maiintindihan niya 'di ba?
 
"Can we talk seriously?"

Binaba niya ang mga papel at lumapit sa tabi ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko then put it on her cheeks. Kakaibang init ang dumadantay sa akin dahil sa ginawa niya. Iyong parang kuntento na ko na ganito kami lagi. Masayang-masaya ako sa pagiging mag-asawa namin. Wala na akong mahihiling pa na iba. Sana nga lang...
 
"Bakit?"

Humilig siya sa dibdib ko. Pakiramdam ko parang magsisikip pa siya lalo kasi ayoko ang naging desisyon ko kaso wala akong magagawa. Nakasasalay sa akin ang lahat.
 
"Tell me it now Shane, you're making me nervous." Napangiti ako kahit alam kong pag sinabi ko na sa kanya ang mangyayari, magagalit siya. Hindi naman sa kanya halata na kinakabahan siya. Lagi siyang poker face pero since kilala ko na siya, tinatago niya lang ang gano'ng pakiramdam.
 
"I'm leaving..."

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon