CHAPTER 50

1.8K 9 0
                                    

"Wow! What a good excuse huh. So Cielo na ang nanliligaw sa 'yo?"



Nakita ko ang takot sa mata ni Shane nang tumingin ako sa kanya. Hindi ako namamalikmata lang. Parang anytime ay iiyak na siya.

"I'm s-sorry Lizbeth..."

"Bukas na lang tayo mag-usap ulit Shane. Ayoko na munang makausap ka. You're still a liar as ever."

Pumara kaagad ako ng taxi. Ayokong lumingon sa tabi niya kasi baka kapag nakatingin ako sa kanya ang tanging gawin ko lang ay balikan siya then kiss him suddenly. At kalimutan ang pagsisinungaling niya kung nagsinungaling nga ba siya. Okay. Just a white lie, but it's still a lie. There could be no exception.

Ayoko talaga sa lahat ang sinungaling. Kasi aasa ka lang ng ganoon. I know the feeling. Naramdaman ko na. Iyong binibigyan ka ng madaming dahilan pero ang totoo pinapaasa ka lang niya sa isang bagay na imposible ng mangyari talaga.

Umuwi ako ng bahay na parang gusto kong umiyak pero pigil na pigil ako. Hindi naman ako iyakin bago dumating si Shane. Pero ngayon pakiramdam ko pag may humawak sa akin na kahit sino, magiging vulnerable ako at papalahaw na lang ako ng iyak. Tsss.

Siguro lumipas ang tatlong araw and I'm back to my normal self. I'm not even sure kung saan. Sarili ko lang ang iniisip ko sa mga oras na ito. Hindi ko inaaalam ang mga nasa paligid ko. Isa nga akong dakilang manhid at walang pakialam.

Lagi din akong kinakatok ni Mom kaso sinasabi kong busy ako sa study. I know I'm lying to her but I couldn't dare see her na kung saan alam kong makoconfirm ko 'yong mga totoo. Laging nakalock ang pinto ko at nilalagyan ko pa ng sofa sa gabi to make sure na hindi siya papasok. Magulo ang kwarto ko. Patay din ang ilaw. Tanging ang lamp shade lang ang bukas parati.

Alam kong for my sake din ang hindi nila pagsasabi ng mga nangyari sa akin habang may amnesia ako. Kahit kasi ako ayokong malaman lahat ang mga bagay na alam kong masasaktan lang ako ng husto. Ayoko ng masaktan.

Nagdecide akong lumabas na may bitbit na knapsack. Biglang huminto sa pag-uusap sina Mom at Tito Jom nang makita akong palabas ng bahay.

"Darling where are you going?" Mom asked. Nakikita ko ang pagtingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Outside. Babalik din ako."

Nakatingin pa rin sa akin si Mom habang dire-diretso ako sa may pinto without looking at them. Back to my normal self wherein only black is the color that I knew. Para akong namatayan sa get up ko.

Sino ba namang hindi 'di ba? Kung iyong pinakamamahal mong lalaki eh wala sa tabi mo ewan ko lang kung hindi mag-Biyernes Santo ang mukha mo.

Nakaupo na ako sa may pinakagilid sa may wall. Para kung sakaling dumating iyong hinihintay ko, makikita ko kaagad siya. Asar! 5 minutes late na siya.

Bumukas ulit ang pinto at parang gusto kong magdiwang! Nakita ko kasi si Shane, guwapo pa rin as ever. Naasar nga ako sa mga tumitingin sa kanya eh. Wala kayong karapatang tumingin sa kanya! Akin lang siya!

I'm so selfish. This is not me. I'm a man-hater right? But now... Grrr! Wala na akong pakialam.

Nakatingin sa akin si Shane, napaka-normal ng expression I mean no smile, no sparks on his eyes. At parang gusto kong saksakin ng hawak kong tinidor 'yong babae na kumapit sa kanya – si Cielo!

Ang hudas na babae, mang-aagaw pa din.

"Hi Liz!" Tumango lang ako dahil hindi ako natutuwa sa kanya. Nakahawak pa rin siya sa braso ng mahal ko. I kept looking on Cielo's arm. And I'm nearly gonna explode.

"Oh Shane gotta go take care." Kakalbuhin ko na talaga siya dahil hinalikan pa niya sa pisngi si Shane! Walang hiya ka! May araw ka ding bruha ka.

Masama pa din ang tingin na binibigay ko pero ang bruhita mukhang hindi ata napapansin ang tingin na kanina ko pa binibigay. Asar!

"Lizbeth..." Kumabog bigla ang dibdib ko doon. Hindi dahil tinawag niya ko kundi sa lambing ng boses niya. Sus. Pareho lang din 'yon.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko na makarating kami sa hotel room na siya mismo ang nagdecide na do'n kami mag-usap para daw kung sakaling sumigaw ako at saktan ko siya wala daw mangingialam since sound proof.

"Why are you with her?" Pagkasabi ko habang nakaupo ako sa sofa katapat niya.

"Hinatid niya lang ako."

Babae na pala ang naghahatid ngayon?!

"Wow! What a good excuse huh. So Cielo na ang nanliligaw sa 'yo?"

"Huh? What are you saying Lizbeth?"

"Wala!" Galit kong sabi sabay tayo.

He heaved a deep sigh. Ako gusto kong umiyak. Ganoon ba ang gusto niyang babae? Iyong liligawan siya? Kung iyon ang gusto niya sana sinabi niya para matagal na kaming nagkaayos, hindi 'yong ganito na tiisan kami. Hindi niya man lang ako sinuyo. Dammit! Baka kausapin niya lang ako, mabilis na kaagad akong bibigay sa kanya.

"Lizbeth I'll tell you that I nearly killed someone."

Shet. Hindi ko pa din maisip kung paano nangyari 'yon? Ang bata pa namin para makagawa siya ng ganoon... O baka naman sadya niya lang pinapapangit ang image niya.

"Already know that, give me other things that I don't know yet."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pa ng bahagya. Hindi na ako makatingin sa kanya. Kahit nagtataray ako ngayon, kinakabahan na din ako ng todo pati nanlalamig ang mga kamay ko.

"I'm really sorry if I didn't tell you, I know Lizbeth the truth hurts but I'm so scared. Kasi may makikita kang flaw sakin at baka gawin mong dahilan para hiwalayan mo ako. Hindi ko makakaya na iwanan mo ako. Sobrang mahal na mahal kita."

"Okay given na mahal mo ako. Paano ka napunta sa mga gang na 'yon?"

He didn't look at me. He refused to tell the truth? Fine! Madali akong kausap.

Tumayo ako bigla, actually hawak ko na ang doorknob nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin. Ang mga kamay niya nasa gilid na ng mga bewang ko.

Hindi ako nakagalaw. Kasi natetempt akong yakapin din siya. I miss him... so badly. Pero sapat na ba ang nararamdaman ko para iignore ang mga issue namin. Siyempre hindi, kaya nagpigil ako kahit maluha-luha na ako.

"I'm sorry Shane but if we cannot settle those things, I can't be with you."

!E


I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon