CHAPTER 54

1.8K 12 2
                                    

"Uyy naiinis na si Lizbeth. At saka ang cute-cute mo pag namumula ka."



"Tumigil ka na kung hindi, papatayin kita diyan!"

"Papatayin mo sa pamamagitan ng halik mo?" Ngumisi-ngisi pa ang loko.

Naiinis na tinakpan ko ang tenga ko at humarap sa dingding. Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko.

Sana hindi na lang ako mukhang tangang sumigaw ng gano'n! Nakakahiya! Parang ayoko ng lumabas ng bahay namin at pumasok ng school. Naiinis ako!

Bakit ba hindi ko naisip na nasa isang mall kami? Ang daming tao na biglang napahinto at pinagtitinginan kami. Hindi ko na alam gagawin ko, parang hihimatayin ako. Kung hindi lang ulit humarap si Shane eh nunca na lalapit ako sa kanya. Nang nasilayan ko ang ngiti niya, it's really worth it. Iyon nga lang, pagkatapos ng mga nangyari, ewan ko na lang talaga.

Ang nakakabwisit pa bigla akong tinawagan ng bestfriend ko. Sana nga hindi ko na lang ginawa 'yon. Ang tanga-tanga ko kasi eh. 

"Liz!" Tili niya sabay halakhak.

Bigla kong nilayo ang cp ko sa tenga ko. Ang lakas ng tili ni Alex. Ampotek. Ano ang problema niya ngayon?!

"Oh my God! Grabe talaga! Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Shane! I didn't know that you can really shout like that 'Shane Melenes huminto ka! Kung hindi sisigaw ako dito na mahal na mahal kita!'. Ang lupit mo din best friend sa video na 'to. Ang dami niyo ng viewers! Ampotek, ilagay ko kaya ito sa twitter? Malay mo magtrending 'di ba?!"

"Alex... I'm gonna kill you. Where the hell did you  watch that?!"

"Doon sa website niyo na Shanelovelizbeth.com. Panoorin mo din bilis!"

"Heh!" Binaba ko na ang phone at humarap kay Shane na ngiti ng ngiti sa upuan.

"Will you stop that?!"

"Uyy naiinis na si Lizbeth. At saka ang cute-cute mo pag namumula ka." Lumapit ako sa kanya para hampasain siya. Tumatawa pa ang hudyo. Bwisit talaga siya, masarap pakinggan ang tawa niya pero hindi ang dahilan nito. Naaasar ako eh!



Hinawakan nya yung mga kamay ko at bigla akong niyakap. 

"Ang saya-saya ko talaga Lizbeth. Salamat! Akala ko sa kanya ka na ulit inlove. Magwawala talaga ako." Ngumiti ako at yumakap na din sa kanya. Ang sarap ng pakiramdam. Sana lagi kaming ganito. Medyo nabawasan na din yung inis ko.

May naalala ako kaya tumayo ako at nagpaalam saglit kay Shane. Pupuntahan ko lang si Mom sa kwarto nya, may sasabihin ako.

Kakatok na sana ako ng marinig kong tumatawa si Mommy. Nasisiraan na ba sya ng ulo? Marahas kong binuksan para lang magulat sa ginagawa niya. 

Tawa sya ng tawa sa pinapanood nya. At nakita ko pang may ina-upload sya na kung ano.

"Mommy! Ano yang ginagawa mo?!"

"Ha?"

Bigla kaagad sinara ni Mom yung laptop. Naningkit ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

"Aha! Ikaw pala ang gumawa ng website namin si Shane. Kaya pala updated ang mga pictures at mga kung anu-ano pang videos na nakalagay doon dahil pinapasundan mo kami!"

"Hehehehe."

"Mom!"

"What?" pinatay nya na yung laptop nya at ngingisi-ngisi sakin. I cocked my left eyebrow.

"Honey, don't be mad at me. Ayaw mo nun? Madami kayong proof of your undying love to each other?"

"Mom! What are you talking about? Tama nga talaga ang hinala ko dati pa na ikaw ang may pasimuno nito eh."

"Of course, kailangan kong suportahan yung love nyo. At alam mo ba anak? Tuwang-tuwa yung parents ni Shane. They really wanna meet you. Kaso baka by next year pa sila makauwi, busy sa mga businesses nila."

"I don't care basta tanggalin mo na Mom yan!"

"No baby. At saka nga pala bibisita dito si Tita Kate mo so be nice and wear some sexy dress. Ang alam ko may isasama pa sya, I just can't remember the name. So be ready ah."

"Mom! Iniiba mo yung usapan eh! I told you to remove those things. I don't want that website!! It's so humiliating!"

"Ah darling–"

"No more buts Mommy, I want you to take away those things.. it's so sickening –"

"What Lizbeth?"

Napahinto ako sa pagsasalita, parang ayaw kong lumingon. May nasabi ata ako upang magalit sya. Umiling-iling sakin si Mom na parang may mali talaga sa sinabi ko. 

Humarap ako kay Shane pero nakatalikod na sya sakin. Bumalik ako kay Mom pero tinulak lang nya ako. Napakunot naman ako ng noo.

"Go and grab him! He looked offended. Kahit din naman ako maiinis din sa mga sinabi mo baby."

Nagets ko na rin sa wakas yung sinabi ko. Masyadong masakit yun para sa kanya. I know. Kakausapin ko na lang sya maya. Magsosorry na lang ako.

Nagready ako para sa pagdating ni Tita. Nagpaganda na rin ako para maakit sakin si Shane. Sana hindi na sya galit sakin.

Bumaba ako ng bandang 7pm kasi nasa dining area na sila. Napahinto ako ng makita ko si Shane with Cielo again. Parang gusto kong maghurementado sa nakikita ko. Ang sweet nung dalawa kasi magkatabi pa at nagtatawanan pa. Parang sila yung magkasintahan dito ah!!

"Uyy Shielo ang sweet nyo naman ni Shane. Kayo na noh?"

Nakita ko pa ang pagngiti nung dalawa sa tanong ni Tita Kate. Ganyanan ah. Humanda ka talaga sakin Shane!

"Bwisit ka!"


I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon