CHAPTER 47

1.9K 16 0
                                    

"M-minahal mo ba siya?"



"Long time no see my ex-girlfriend." Nakangising sabi ni Basti. Hambog talaga kahit kailan.

"What are you doing here?" Tanong ko.

Hindi ko rin alam bakit ako kinakabahan. Ano ba'ng nangyayari sa akin?

"It's the way on my house. Any problem with that?"

Gago ba siya? Alam niyang hindi maganda nangyari sa amin tapos parang wala lang sa kanya ang pakikipag-usap sa akin.

Hindi ako nagsalita kahit mataman siyang nakatingin sa akin. Sadyang naiinis lang ako. Pero dapat hindi ako makaramdam ng kahit na ano since hindi naman ako dapat magpa-apekto at meron na kong boyfriend na mahal na mahal ko.

Nang akmang lalapitan niya ako, mabilis akong napatayo at napaatras. Hindi ko talaga alam bakit ako kinakabahan sa kanya.

"Hey relax Liz, wala akong gagawin sa 'yo okay?" He chuckled and cocked his one eyebrow.

Kahit wala kang gawin, nakakatakot pa rin ang tingin mo pati 'yang pagngisi mo!

Tumakbo ako pabalik sa loob pero nabangga ako pagharap ko. Napahawak pa ako sa noo kong nasaktan.

"What are you doing here Lizbeth?"

"H-ha?" Nag-angat ako ng tingin. Shet na malagket. Si Shane pala ito. Ang pinakamamahal kong lalaki. "Hi Shane." Ngiting-ngiti ako.

Naku. Kung ikaw ba naman ang makakita ng ganitong lalaki araw-araw ewan ko na lang kung hindi ka ngumiti ng sobra. Tinitigan niya ko ng mabuti at napakunot pa siya ng noo.

"Bakit sobra ka ata makangiti?" Nahihiwagaan niyang tanong.

"H-ha?"

"Puros ka na lang ba 'ha'? Ano bang ginagawa mo doon sa labas?" Lumingon pa siya sa likod ko na parang may nakikita.

"Labas?" Tanong ko ulit na natatawa.

"Oo. Kakapasok mo lang galing sa gate 'di ba?"

Oo nga pala. Sa sobrang kaba ko kay Basti, napatakbo ako at dahil naman kay Shane kaya nakalimutan ko ang nararamdaman kong takot. As of now, I'm so excited. Hay. Ang landi ko talaga.

"Nagpahangin lang, ang dami kasing tao eh." Pagdadahilan ko, mabuti na lang at wala naman siyang ibang napansin.

"Halika pasok ka na, hinahanap ka na nila Zone at Zach." Yaya niya.

"Sige. May itatanong din pala ako sa 'yo."

May bigla akong naalala nang nakita ko si Basti. Matagal ko ng gustong itanong sa kanya kaso nag-aalinlangan ako. Medyo natatakot ako sa magiging sagot niya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa daan habang mabagal kaming naglalakad.

"O, tungkol saan?"

Hawak-hawak pa rin niya 'yong kamay ko habang nakayuko ako. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko pa rin magawang itanong. Alam ko, sigurado ako sa nararamdaman niya sa akin pero minsan hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.

"Tungkol kay Cielo."

Napaangat siya ng tingin pero bumalik din sa dinadaanan namin.

"O, ano bang gusto mong malaman?" Tanong niya na lalong nakapagpakaba sa akin.

"Gano'n lang ba kadali para sa 'yo na iwan siya?"

"Huh?" Kumunot pa ang noo niya, parang pinag-iisipang mabuti ang isasagot saka tumingin ulit pabalik sa akin.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon