CHAPTER 59

2.1K 13 0
                                    

"You're blushing."


"Are you listening Liz?!"

Tumingin ako sa magazine na may model na nakasuot ng wedding dress. Naninikip ang dibdib ko tuwing naiisip ko si Shane. Aish! Hindi ako iiyak. Hindi talaga.

"Ano na naman ba 'yan?" Napabuntong hininga si Alex nang magets niya ang nangyayari sa 'kin. 

"Siya kasi naaalala ko hanggang ngayon, sana bumalik na siya." Lumapit siya sa akin para batukan ako kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Ano ka ba naman bestfriend! Nag-out of town si Shane dahil may kailangan siyang asikasuhin sa business nila, paranoid much? Mahal na mahal ka pa din nun 'no." May kasama pang halakhak.

"Ilang buwan na din, hindi ko na mabilang kung gaano katagal akong naghihintay. Alam mo 'yon? You can't even think of what your gonna do, 'di mo maisip kung magmomove on ka ba o hihintayin mo siya. Hindi man lang niya ako maisipang tawagan o itext man lang. Malamang hindi niya gagawin 'yondahil hindi rin naman ako nagtetext sa kanya."

"As if gagawin mo 'yon! Eh balik ka na sa dating Liz 'no. Pero dapat pag nagmamahal ka, marunong ka magpasensiya at maghintay. Kasi naman atat na atat na makita si Shane! Maghintay ka babalik din sa 'yo 'yon."

"Tadyakan ko 'yang mukha mo, eh 'buti nga kayo ng Lex mo nagkikita 'no! Eh kami?! Ilang milya ang layo ng herodes na 'yonsa akin! Pag ako talaga may nahanap na ibang lalaki, luluhod muna siya bago ko siya balikan." Tumawa nang malakas si Alex kaya hinabol ko siya pero hindi na ako nagbalak ulit na gantihan siya kasi napapagod ako.

"Hindi na nga ako masyado mag-eemote kasi pumapangit lang ako eh."

"Tama 'yan. Sayang naman ang beauty mo." Ngumiti siya sa akin kaya umupo ulit kami. 

Akala ko pa nga totoo ang nakita ko last time, iyon bang naramdaman ko pero panaginip lang pala lahat. I confirmed it when I checked on my left hand, there is no ring and there is still no Shane when I woke up. 

"Senyorita Liz nandito na po ang mga kapatid niyo."

Nag-angat ako nang tingin saka tumayo. Nagpaalam na din si Alex sa akin dahil may gagawin pa daw silang date ni Lex. Nagpatulong kasi ako sa kanya kung anong susuotin. Kaso hindi siya nakuntento doon, naglagay pa siya ng make up sa mukha ko at pinasuot sa akin iyong white dress na kinuha daw niya sa cabinet niya. As if totoo 'yon. 

Kinuha ko ang tupperware sa dining area saka dumiretso sa labas. Nakaabang na sa akin si Zach, nakabukas na din ang car niya. Napahinto pa ako nang makita ko ang isa sa katulong namin na may hinahakot na kung ano. Mga chocolates, loveletters, and flowers ang laman nun na walang sawang ipanapadala ng mga kung sinu-sino sa akin. Alam naman nila kung ano gagawin nila doon. Lumapit sa akin si Zach. May kasama pa siyang driver.

"Hi Ate. Ako ang magdadala niyan." Kinuha niya ang mga tupperware saka kami pumasok sa loob ng sasakyan.

"Salamat." Biglang may nagtakip ng mga mata ko.

"I have a surprise Ate Liz."

"No need na Zach, sino ba ito? Ahh alam ko na si Zone 'no?"

"Gotcha!" Minulat ko ang mga mata ko saka ko nakita ang isa ko pang kapatid na lalaki. Nakangisi pa siya sa akin.




"May ibibigay pala ako sa 'yo Ate."

May kinuha siya sa likod niya. Sobrang pagpipigil ang ginawa kong paghinga nang makita iyong hawak niya. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at paatras na humakbang saka huminga ng malalim.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon