CHAPTER 21

2.1K 21 5
                                    

"F*ck you! Don't you call me Lizbeth!"

Tomorrow yung first monthsary namin at nag-iisip na ko ng gift ko sa kanya. Ang dami ko na ngang gamit na natanggap mula sa kanya pero wala pa kong naiibigay na kahit ano sa kanya. Ano ba naman ito? Ang hirap talaga pag wala kang kaalam-alam sa relasyon. Aish.

At hindi pa kami sabay uuwi ngayon kasi may practice pa siya sa basketball at todo practice sila para sa darating na laban sa isang araw. Kaya dadalhan ko siya ngayon doon ng food na ako mismo ang nagluto.

And as usual nagalit na naman ang aking nanay. Medyo masakit pa siyempre yung mga paso ko pero ayos lang, worth it naman yung taong pinagluto ko.

Pumasok ako sa loob ng gym pero walang tao. Akala ko ba may practice sila? Nasaan yung mga players dito? Naglakad-lakad muna ako sa loob at naghintay pero nainip lang ako. I tried to call his cellphone but he is not answering it.

"Oh nene ano pang ginagawa mo dito?" Napataas ako ng kilay at parang gusto kong saksakin yung taong nagsabing nene ako.

"May hinihintay ka ba?" I nodded. Kakalmahin ko muna yung sarili ko kasi may kailangan ako. Nakakainis lang talaga na tinawag niya kong.. err.

"'Di ba po may practice yung mga players ngayon? Alam niyo po ba kung nasaan sila?"

"Yun ba? Kanina pa sila walang practice, mga bandang alas-dos ng tanghali. Bakit ineng?"

Alas-dos?! 4 pm na! Shet ka talagang hayop ka! Pag nakita kita papatayin kita! Nagsinungaling ka na naman sakin.

Pero siyempre joke lang yun, hindi ko kayang patayin yun. Mahal na mahal ko yun, yun nga lang magagalit talaga ako sa kanya ng sobra. Pero lambingin niya lang ako, I'll forgive him immediately.

Pumunta na ko sa may office ng student council since nandoon si Alex, siya na lang papakainin ko. At magkukwento na lang ako sa kanya, lagi naman siyang updated sakin este samin. Siya pa nga itong kilig na kilig pag nagkukwento ako sa kanya. Ang saya-saya daw niya para sa akin.

Kung alam ko lang, kaya yun masaya kasi di na ko masyadong nagtataray sa kanya.

Pumasok na ko sa loob pero walang tao kahit isa. Nasaan kaya yung mga tao dito? And where the heck is that girl? Lumabas ako sa may office at pumunta ng faculty. Wala pa rin siya, kaya bumalik na ko sa may SC room para hintayin siya pero iba ang naabutan kong eksena.

"Ally do you like this?"

"Hmm pwede na rin yan."

He pinched the nose of that girl Ally then gave her juice and I don't know what the fuc*ing food was she eating. Sinubuan pa niya ang walang hiyang babae habang may ginugupit na kung anu-ano. Ang kalat-kalat ng paligid nila. Naka-side view pa ang mga walang hiya. Sana nakatalikod na lang siya para hindi ko makitang masaya siya sa ibang babae.

"Ang ganda nito? Oh sayo na lang yan. Baka magtampo ka pa sakin eh... Thank you talaga!"

Ang walang hiya! Bakit niya niyayakap ang babaeng yun?! Akala ko ba ako lang? What the hell is the meaning of this? Parang biglang nanghina yung katawan ko. Nag-iiba yung pakiramdam ko sa nakikita ko.

Lumabas ako ng walang ingay. Naririnig ko pa silang nagtatawanan at mukhang enjoy na enjoy sa isa't-isa.

Ito ba yung sinasabi niyang practice?! Practice sa panliligaw ng ibang babae?!

Pero bakit ganito? Hindi ko man lanh makuhang i-confront yung hayop na yun? Baka naman kasi mali yung iniisip ko diba?

"Tama. Mali yung eksenang nakita ko. Alam kong ako lang ang mahal niya at hindi niya ko lolokohin. Papatayin ko siya pag ginawa niya yun. Tama! Wala lang yun. Hindi ko dapat bigyan ng malisya."

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon