CHAPTER 12

2.2K 22 2
                                    

"Mahal...sumagot ka." 

"Holdap to! Wag kayong kikilos!" napatingin ako sa nagsalita na mga mukhang masasamang loob.

WHAT?!

"Holdap?" tanong ko pa kahit obvious ngang oo naman.

Potek. Saan bang lugar kami napadpad at nahoholdap ako-este kami.

"Oo. Akin na yung mga pera niyo! Bilis!" Naglabas yung isang guy ng baril. God! Yung isa naman lalapitan na ako.

Don't panic Liz!

"Bilisan niyo na mga bata!"

I suddenly raised my eyebrow.  That jerk just called me bata?! Am I look like a kid here?! 

Tatlo sila at nagready ng kapkapan ako. Me too. Nagreready na yung mga kamay at paa ko na mailampaso ang mga ungas na ito. Ginagalit ako!

I closed my fist then looked at those bastards, ready na-

"Bossing heto na oh. Ito lang pera ko. Pati po itong cellphone ko. 'Wag niyo lang po sasaktan yung girlfriend ko."

Bakit ibibigay mo?? Tanga ka rin!!

Napatingin ako sa kanya, ang lapit-lapit ng mukha nya sakin. He gave his wallet and cellphone. Dahil ako walang dalang pera, nasa bag ko.

At pumunta siya sa harapan ko.

Trying to protect me huh.

Binilang nila yung pera nung ungas na 'to tapos tumingin sa akin ng nakakaloko. Bigla nagtaasan mga balahibo ko. Nakaramdam ako ng takot.

Nasa likod pa rin niya ako, at hawak-hawak na kamay ko. Seryoso siya at ako eh kinakabahan na talaga. God! Sana naman may tumulong sa amin.

"Syota mo ba yan?"

"Oo bossing." Sagot nung makapal ang mukha.

"Galing mo pumili bata!"

"Amin na lang yan bata."

"Sensya bossing, hindi puwede...Lalo na ngayon na... magkakanak na kami." Madamdamin niyang sabi doon sa mga lalaking nakaabang sa ibibigay namin.

"ANO?!"  sabay na sabi nung mga holdaper.

HUWATT?!?!!  Magkaka-anak??  Kami?! Kami??

Tama ba narinig ko?!?

"Ang bata-bata niyo pa. Jusko mga kabataan talaga ngayon, masyadong mapupusok." Umiling-iling pa yung isa.

No! I'm not pregnant!

'Wag kayong maniwala manong! 

"Grabe... oh neng ilang buwan na ba yan?"

Neng? Muka ba talaga kong bata?! Neneng naman ngayon?

"Mahal...sumagot ka."

He gave me that just-ride-on-look. Crap!

"A-ano... t-two... months palang." Wahhhh. Ayoko na! Itago na sana ako ng lupa! Nakakahiya naman talaga.

"Tsk. Tsk."

"Oh ayusin niyo ang pag-aalaga diyan. Bata sensya ka na kailangan din namin ng pera. Pagdadasal na lang namin kayo."

Ang mga hayop. Marunong pa palang magsdasal ang mga yun?

Bigla silang sumibat. At di ko na napansin kung saan sila pumunta.

Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Kaya naman namin silang labanan. I just don't know kung uubra ako sa kanila.

Those damn jerks just called me kid! This is soooo irritating!

"It's all you fault! Da-"

Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ng bigla ba naman ako niyakap ng herodes na to! Kahit anong pigil ko, wala! Ang laki-laki ba naman ng katawan niya eh! Pero nagpupumiglas pa rin ako.

"Are you alright?" Ang hinahon ng boses niya. It sounds worried. Kaya I stopped fighting.

I really hate this kind of feeling. Yun bang kinakabahan ako everytime he's so near on me. For the reason that I don't know how will I react.

Talaga bang yung barrier na nilalagay ko sa lahat eh may exception?

Talaga bang lahat ng mga pinagsasabi ko dati eh kinakain ko na?

Talaga bang iniiwasan kong tanungin yung sarili ko if-

"S-Shane? How can you do this to me? I thought..."

"Oh Cindy... I'm sorry, I told you I have a girlfriend. This is Lizbeth." At todo akbay sa akin and telling me na 'wag malikot. Potek! Paano ako makakagalaw kung hindi ako makahinga! Naman oh!

"A-akala ko h-hindi... I'm sorry." Tapos tumakbo yung poor girl while crying.

Naguguluhan ako, I thought kaya niya ko hinug kasi he's comforting me right? That's the reason I know pero mukhang nagkamali ako.

"Hay salamat may excuse na rin ako sa kanila!"

Napatingin ako sa kanya. What did he just say?

Am I just an effin excuse sa mga babaeng lumalapit sa kanya?

Bakit naman ganoon?

Ang saklap.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon