For all the readers

621 12 1
                                    

Hello there!! *kaway*kaway**

Matagal ko nang naisulat ito, natambak na lang sa laptop kaya di ko kaagad naipost.

It was written March 2013...

Masayang-masaya ako kasi natapos ko na din yung story na ito. *sob* Nahirapan pa akong mag-isip ng bawat chapter especially ng naisipan kong ipost ito dahil madaming magagaling na mga writers diyan na alam ko namang madami nang nasulat at nagcocomment. Pero dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon ng mga readers nagbakasakali ako.

At gusto kong tumalon-talon not because nagpapatangakad ako kundi dahil sa maganda ang feedback. Kaya mas lalo kong ginalingan at pinag-isipan bawat ipopost ko.

Gusto kong pasalamatan ng bongga yung mga nagbasa, nag-like/vote, naglagay sa Reading Lists nila at nagcocomment sa story na 'to.

Hanggang ngayon, habang binabasa ko yung mga chapters na napost ko, hindi pa rin ako makapaniwala na idea ko nga yun. Na kahit ako din ang nagsulat ng mga pinag-gagawa ko eh kinikilig din ako at naiiyak.

Sa ngayon, ang update ko.. hmmmmm..

Sa ngayon tinutuloy ko na yung series na ginagawa ko which is “The Villain Goddess” at yung short story na “If I could just”, 'The Fallen Angel", at “The Sign”. Hindi ko pa alam kung kaya kong mapost kaagad yun since madami akong ideas na naiisip gawin. Nilaan ko na lahat ng pwede kong maisip na idea na babagay sa characters dun. 

Don’t worry maganda rin sya para sakin. Hahaha. Nagtayo daw ba ng sariling bangko?

So about this story konting scenes lang sa totoong buhay ko ang mga naisulat ko sa I'm a man-hater right. Totoong naranasan ko yung nafeel ni Liz. Totoong naramdaman ko na main-love. At totoong naranasan ko na masaktan. Totoong nararanasan ko na nakakatakot mafall in love.

Love is really scary but a very happy feeling. That all you will do is just smile to the people around you, and fell inlove with him all over again and again.

So don’t be scared to be fall in love. Sa una lang yan, pero pag dumating yung lalaki na babaluktutin ka, papaamuhin ka, papasayahin ka, at mamahalin ka even on your flaws go for it. Wag kayong tumulad sa mga taong hindi na binigyan ang sarili ng chance na magmahal ulit.

Duwag lang sila.

Ano ba naman to naging lecture na.. hahaha

Gusto ko rin namang marealize ng iba na itong story ay ginawa ko para sa mga totoong man-hater at bitter sa buhay like me.. *naku! Sana walang makabasa nito sa real friends ko. Hahaha patay ako*

Thank you so much sa mga sumuporta ng bongga sa story na ito. Kung pwede nga lang akong magpaparty eh why not? 

At sana pwede ko ring i-hug at i-kiss yung mga nagcomment, naglike/vote, natuwa, at kinilig sa bawat chapters nito. 

Love you all... And thanks for everything.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon