CHAPTER 55

1.8K 15 0
                                    

“Pag di ka sumama sakin, hahalikan kita dito!”

Umalis ako ng walang paalam kay Mommy. Nakatingin ako sa mga bituin kung saan humiling ako na sana hindi na ako masasaktan. Hindi naman ganun kagrabe yun nga lang, naiiyak ako kasi selos na selos ako. Imbis na ipaglaban ko sya, binirahan ko ng alis ng bahay. Bwisit talaga!

Akala ko ba, I will do everything just to have him pero ngayon pa lang bumibitaw na ako. Duwag na kung duwag. 

Hindi ko malaman kung bakit nagkakaselos yung babae na yun. Siguro naiinsecure kasi ako sa kanya. At saka alam ko may relasyon din sila dati. Pero naexplain naman na sakin ni Shane na hindi sya yung nagbigay nung ring na nakita kong nilagay nya sa daliri ni Cielo bago bumalik yung alaala ko. Galing yun kay Basti. May love story din yung dalawa na yun.

“Hi Liz.”

How I hate to see this guy. Bat ba napapansin kong napapadalas na ang pagpapakita nitong si Basti sakin. Manggugulo na naman ata sya.

“Bakit na naman?”

“Where’s your as$hole boyfriend?”

“And where’s your flirt girlfriend?”

Nagkatawanan kami pero huminto din at tiningnan ng masama yung isa’t-isa. Huminga ako ng malalim.

“Andun sa bahay namin yung girlfriend mong si Cielo.”

“Inaagaw ng walang kwentang boyfriend mo yung girlfriend ko!”

“Bakit? Nilalandi rin naman ng girlfriend mo yung boyfriend ko ah. Sya ang mang-aagaw!”

“Hah! Eh yung boyfriend mo nga eh sinulot nya na dati yung girlfriend ko!”

“Liar!”

Magsasalita pa sana sya ng tumunog ng malakas yung cellphone ko. Si Shane ang tumatawag. Aba! Concern pa pala sya sakin ah.

Sinagot ko yung phone pero hindi ako nagsalita. Inantay ko lang na may sabihin sya.

“Lizbeth where are you?”

“…”

“Lizbeth I know your still there. Why don’t you speak up?”

Hindi na ako nagsalita lalo na at may narinig akong boses sa kabilang line. Arghhh!

“Shane ready na yung room. Pwede ka ng pumasok. Bilisan mo.”

“Thanks.” Binaba ko yung phone at pinatay para hindi nya ako matawagan. Arghhh!!

Ayokong mag-isip ng kung ano pero anong gagawin sa kwarto?! Bakit?! Bakit?!

“Pag nakita ko talaga yung malandi mong girlfriend Basti, aawayin ko talaga sya. Malandi sya! Anong gagawin nila sa kwarto?!”

“Baka inakit lang sya ng sulotero mong boyfriend! Mamatay sya!”

Mukha talaga kaming tanga dito. Nakaupo lang kami, napapa-isip din. Tiningnan ko yung mukha nya. Tulala na kasi si Basti sa tabi ko. Ano nga bang nangyayari sa mga karelasyon namin? Bakit sila ang magkasama?

Hindi naman siguro sila gumagawa ng milagro, baka may pakulo lang si Shane. Ganun naman yun lagi. Ang daming mga kung anu-anong ginagawa para lang masabing special ako.

“Bar tayo Basti.”

“Hindi tayo close pwede ba?”

Ang sungit talaga nitong ungas na to. Umalis ako sa harap nya pero naisipan kong pumunta kila Alex. Mas safe dun. Sinabi ko na lang na ayaw kong kausapin si Shane at sabihin nyang hindi ko sya kinausap.

“Liz maawa ka naman kay Shane ano ka ba?”

“Talaga lang ah. Sya yung nakakainis.”

“Away bati kayo alam mo ba yun? Kung hindi sya ang galit maya-maya naman ikaw. Ang balingbing nyong dalawa. Ang dami ring arte. Tsk tsk tsk.”

“Wag ka ngang mangialam Alex.”

“Ahh ganun? Sige madali akong kausap.” Kinuha nya yung phone nya. “Shane? Oo. May sasabihin ako–”

Kinuha ko kagad yung phone nya at pinatay din. Parang gustong manlisik ng mga mata ko sa kalokohan nya. Nakangisi pa sya.

“Alex ano ba naman oh. Makisama ka nga dyan.”

“Ang labo mo kasi, puntahan mo na lang kaya. Puros ka selos, puros ka assume. Pwe. Ang hirap sayo Liz di ka muna magtanong.”

Humiga ako para ipikit yung mata ko. Ayokong marinig ang anumang paneneromon nya sakin. Naiinis ako. Paggising ko may kumakalabit na sakin.

“Ano ba yan Alex pwede ba? Magpatulog ka pa.”

“Hoy Liz hindi ka matutulog hanggang hapon ah. Umuwi ka na kung hindi aakyat dito si Shane sige ka.”

Bigla akong umalis sa pagkakahiga ko at tiningnan yung buong kwarto. Kinabahan naman ako, akala ko andito na si Shane eh.

“Alex.. .” Nakangisi sya sakin. 

“What?”

“Nakakaasar ka naman eh. Alam mo bang sobrang kinabahan ako sayo. Akala ko naman talaga andito si Shane eh. Bwisit ka, makababa na nga.”

“Ako–” 

“Stop. I don’t wanna hear anything from you Alex.”

Sinundan nya ko mula sa pagbaba ko hagdan hanggang sa kusina. Matagal na akong pamilyar dito sa bahay ni Alex. Wala syang kasama dito since yung parents nya eh laging wala sa bahay nila. Nasanay na lang sya.

“Liz kasi–” 

“Don’t defend him. Ganyan naman yang si Shane eh pag may kasalanan sakin laging bumabawi. Alam ko namang may kasalanan ako pero bakit ba hindi na lang nya iwasan si Cielo? Alam nyang nagseselos ako dun eh! Hindi na nga ako makatulog puros Shane pa babanggitin mo sakin Alex! Natuturete na yung tenga ko. At nagsinungaling ka pa saking andito sya eh imposible naman syang magpunta dito except na lang kung sinabi mo diba?”

Hinarap ko sya pero umiling lang naman sya. Dumiretso ako sa ref para kumuha ng gatas dun na iinitin ko. 

“Hindi ko rin masabi bakit yung malanding babae na yun eh lapit ng lapit kay Shane. Sila na nga ni Basti diba? Naaasar ako sa kanila! Magsama sila!! Pagbuhulin ko pa sila eh! Pag nakita ko yung Cielo na yung kakalbuhin ko sya.”

“Liz!” Humarap ako kay Alex, ready na yung mga kilay ko na itaas. 

“What?” 

I saw Shane and Cielo near on the door. Umiiyak si Cielo sa harap namin. 

“Liz .. .wala k-kaming relasyon.” Mahinang sabi ni Cielo. Malandi!

Lumapit ako sa kanila na nanlilisik ang mga mata. Nakikita ko na ang masamang tingin sakin ni Shane. Gusto kong maiyak. Ano bnag meron itong babae na to?

“Lizbeth. ..”

“Lumayas na kayong dalawa, naaalibadbaran ako sa inyo eh!”

“Will you stop doing that?”

“What? I'm not doing anything. .baka sya.”

Nabigla ako ng hawakan nya yung braso ko. napatingin ako kay Alex, humuhingi ako ng tulong pero hindi nya ako pinansin. Hinila nya ako palabas ng bahay. Ako naman nagpatangay lang. Pero naiiyak na talaga ako kaya  huminto ako bago pa man kami makapunta sa kung saan.

“Shane.. .”

“Lizbeth aalis tayo.”

“But Shane–” 

“Pag di ka sumama sakin, hahalikan kita dito!”

“Bat di mo gawin?”

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon