CHAPTER 46

1.9K 16 0
                                    

"Sino 'yong kahalikan niya?"



Kahit nakapunta na ako dito dati medyo kinakabahan pa din ako, ewan ko rin bakit ba. Napahawak ako sa kamay bigla ni Shane nang ngumiti iyong parents sa akin nila Zone at Zach.

"Bakit?" Tanong sa akin ni Shane na nakakunot noo pa iyong noo.

"Nothing. Natuwa lang ko sa parents nila Zach kasi they are very sweet. Sana ganyan din tayo 'no?" Nakangisi kong sambit sa kanya.

"'Wag ka ngang mainggit. Ibigay na lang muna natin 'yong gift sa kanila."

Suplado nitong lalaki na 'to.

Lumapit kami para sa table ng parents nila i-greet ang parents Zone at Zach. Kamukhang-kamukha talaga nila lalo na 'yong tatay parang photocopy lang sila na pinabata.

"Good evening Sir. Happy anniversary po. I'm Liz and this is my boyfriend Shane."

Nagkiss ako sa mama ni Zone at nagshake hands ang papa ni Zach at si Shane. Napatingin ako ng parang hindi man lang ata siya ngumiti kaya siniko ko siya and there... he gave them a very cute smile na nakakapagpakilig sa aming mga babae.

"Hija ang gwapo naman ng boyfriend mo."

Ayyy. Kinikilig naman ako doon. Well, ganyan talaga pag maganda ka.

"Mabuting lalaki naman ba siya? Baka naman nagpapaiyak lang din 'yan ng ibang babae." Napangiti ako sa sinabi ni Tito Tim.

"Pagpasensyahan mo na siya Liz, gustung-gusto kasi talaga niyang magkaanak ng babae kaso wala eh."

"Oo nga eh. Minsan gugustuhin mo na lang maging babae." Natawa ako sa comment ni Zone, nakasimangot na siya ngayon. Parang iritang-irita kaya nagtawanan kami.

"If I know, sometimes you're wishing you are." Lalo kaming natawa sa sinabi ni Zach. Umalis bigla si Zone kasi naasar na at sinundan naman siya ni Zach na hindi pa din mapigil ang tawa niya.

Umupo kami sa tapat nila Tita Elly and Tito Tim.

"I'm sorry about that Liz, pikon kasi talaga 'yong bata na 'yon eh."

"Naiintidihan ko po Tita Elly, actually gusto ko nga po magkaroon ng kapatid na lalaki. Ang meron lang po kasi sa akin ay kapatid na babae."

Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti.

"Puwede mo naman silang ituring na mga kapatid. Kasi kahit sila din gustong magkaroon ng kapatid na babae."

"Siyempre nagsasawa din ako sa mukha ng lalaki na 'yon 'no."

Napalingon kaming apat kay Zone na masungit pa rin pero ang sagot ay nakangiti na. May dala siyang pagkain para sa amin.

"Naku sa gwapo kong ito magsasawa ka ba?"

"Ahem."

Napatingin naman ako sa kabilang side kung saan nandoon din si Shane. Parang gusto ko siyang batukan. Nakikisawsaw pa. Oo na! Guwapo ka na nga wala namang maipagkakaila doon.

"Ayan ah, mukhang nagkakainitan na ang mga batang 'to pagdating sa kaguwapuhan."

"Ano ka ba Dad ganyan talaga. Madami kaming kakompetensya eh. Mahirap na." Nakangisi pang sabi ni Zone. May future din ito ng pagiging mayabang.

"Kayo talaga, mga bata kayo, o, pakainin niyo muna itong magkasintahan na ito. Mamaya na kayo mang-istorbo okay?" Pananaway naman ni Tita Elly.

"Opo." Sabay na sabi no'ng dalawang magkapatid na para sa akin ay ang gwapo-gwapo.

Hindi ko maintindihan si Shane kasi parang hindi siya mapakali na parang 'di maihi. Hindi ko naman gustong magtanong kasi baka may pinagdadaanan lang.

Magtatanong na sana ako kaso tumatawag sa akin si Alex, nagpaalam muna ako kay Shane na sasagutin ko lang sa labas kasi maingay sa pwesto namin.

"O, bakit Alex?"

Nang nasa labas na ako ng bahay, umupo ako sa gutter.

"I'm gonna tell you something that gonna make you crazy!" She shrieked as I averted my phone while she keep screaming.

Jusko Alex! Boses mo pa lang, mababaliw na talaga ako sa tinis. Tsismosa talaga itong si Alex.

"So spill it out now." I calmly said.

"Kanina kasi naglilibot ako sa school, you know as the student council responsibility ko 'yon—"

"Tama ng payabangan dito." With matching of rolling my eyes.

"Ito na nga 'yong kwento, dumaan ako sa likod ng canteen kasi may nakita akong pamilyar na girl. At nakita kong may kahalikang lalaki si Cielo!"

OMG. Is that true? Hindi ako nagkakamali, at dapat patapusin ko muna si Alex sa sinasabi niya. Curious din ako.

"Sino ang kahalikan niya?" I asked.

"Si Basti!"

"What?!" I hollered, shet na malagket!

Napabuntong hininga kami ni Alex. Weh? As in? Si Cielo at Basti kissing?

Ano namang masama 'di ba? Pero kung sabagay after nang naging kami ni Shane, no more Cielo in the picture. Wala nga akong nalalaman na anything about that girl. Hindi na rin ako nagtangkang magtanong kasi pakiramdam ko wala lang talaga siya sa buhay ni Shane. Hindi siya belong. Hindi rin siya ganoon kaimportante at lalong hindi siya mahal. Right? At baka magselos pa ko. Aish.

Shet na malagket naman. Ang dami ko kasing arte eh. 'Buti na lang at hindi si Shane ang kahalikan niya. Papatayin ko talaga sila.

"Liz, still there?"

"Yep. Nabigla lang ako." I gasped as I saw someone walking to me.

Walang pagkakamali na dito nga siya palapit dahil sa akin nga siya nakatingin.

Ano ang gagawin ko?

Tatakbo na ba ko? 


I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon