CHAPTER 22

2.1K 21 1
                                    

"Kahit 'di mo sabihin, nararamdaman ko."

Pumasok akong ngarag ang utak. Parang naka-drugs. Parang naka-high. Kasi naman puyat na puyat ako. Gising ka ba naman ng madaling araw hanggang sa pagsikat ni haring araw. Aba. Sino ba namang hindi sasakit ang ulo niyan.

Nag-excuse ako sa class at pumunta ng clinic para matulog. Pero kahit masakit ang ulo ko, I'm still happy at kilig na kilig. Sino ba namang babae ang hindi matutuwa sa effort na ginawa ng boyfriend mo. Nagsayaw kami at nagkwentuhan ng kung anu-ano hanggang umaga. Wala talagang tulugan. Kumain din ako ng mga luto nya na pinagawa niya kay Alex at Ally. Kahit hindi siya ang nagluto puwede na rin.

And I'm not angry on that Ally anymore, we're friends now. Shane explained everything.

Bago pa nga ko umalis sa room inasar pa ko ng mga kaklase ko. Hindi ko na sila tinititigan ng masama, I'll just smile at them which is odd. Love really changes everything. Especially sa ugali ko at pakikisama sa ibang tao.

At 'buti nga pinuntahan pa nga ako ni Shane dito sa clinic. Kung hindi nakatikim na siya sa akin ng isang sipa sa mukha.

Nakakainip kasi dito.

Pinatulog ko siya sa may couch at ako sa may bed. Nung nagising ako, I smiled when I stare at him because he's so cute while lying there. At ang gwapo-gwapo talaga niya.

Lumapit ako sa kanya and touched his face. At nagulat pa ko kasi nalaglag yung cellphone niya. I checked his inbox. Hay naku, wala kong paki kung magalit siya sa akin, malalaman ko rin naman yung mga text niya 'no.

Pero tingin ko dapat ko nang pagsisihan yung pangingialam ko kasi may nabasa akong sa tingin ko hindi pa dapat o talagang hindi dapat mabasa.

Quote

From: Ninang

Shane don't tell her na umuwi na ko ngayon. Hindi pa puwede.

Quote

From: Ninang

Siya nga yung nagpunta that night. Mag-uusap kami dito sa bahay ngayon. Yayain mo muna siya sa ibang place.

Quote

From: Ninang

Please. Secret mo muna natin to.

Nag-iba yung pakiramdam ko sa nabasa ko. Alam ko kung sino yung pinag-uusapan nila. Naghihinala na talaga ko matagal na pero sadyang winawaglit ko lang.

Kinuha ko na kaagad yung gamit ko at hindi ko na siya inistorbo. Nakakaasar kasi. Pipigilan lang niya ko for sure. Paglabas ko ng school nagulat ako kasi gabi na. Pagtingin ko ng watch ko, it's already 7pm.

Grabe hindi man lang ako inabalang gisingin ng lalaki na 'to. Bahala muna siya sa loob, he badly needs sleep. Nagpaalam naman ako sa nurse na uuwi na lang ako.

Pagkalabas ko pa lang ng school, iba na yung feeling ko. I smell danger. May mga nakita pa akong nakasunod na mga lalaki, pero winaglit ko na sa isipan ko yun. Nagkakamali lang ako. Kaya nagmadali na kong umuwi.

At kasi alam kong nandoon yung lalaki ni Mommy. Ang tagal na pala niya kong niloloko...

Nung nasa gate ako, may napansin akong car. Its not familiar. At first time ko pa lang itong nakikita. Crap!

It must be him! Siya na talaga.

I immediately went inside the house and looked for Mommy, she's still not here?

I entered her room. Wala siya, baka naman sa may study room. Palabas pa lang ako ng room niya ng may napansin akong letter. I read it.

Nanginig yung buong katawan ko. I felt numb. Matagal na itong results. Matagal ng may tinatago si Mommy.

I'm a Man-hater, right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon