Chapter 43 ∞ Begging

302K 5.2K 1.1K
                                    

Yumiko POV

Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Ikaw ba naman ang mawalan ng anak dahil sa kapabayaan ko na rin.

Alam kong pareho kaming may kasalanan. Hindi lang si Lance. Pati ako. Alam kong buntis ako pero inuna ko ang pag-e-emote. Kung sana naging manhid nalang ako para di ako nakaramdam ng labis na sakit kay Lance, edi sana hindi ako na-depress, sana hindi nalaglag ang baby ko.

</3

Hindi ko na kayang patawarin si Lance. Masyado ng masakit ang manatili pa sa tabi niya. Ang hirap niyang ipaglaban. Ang hirap nyang mahalin. Ang hirap niyang intindihin.

Ilang araw ang lumipas bago ako nakalabas ng hospital. Si Lance, araw-araw nya akong pinupuntahan nun sa ospital pero tinataboy ko lang sya. Hindi ko siya kinakausap at higit sa lahat, hindi ako nag-aksaya ng ni segundo para tingnan sya. Ayoko syang nakikita dahil sa halip na gumaling ang puso kong nasugatan, lalo lang sumasakit to the point na nagkaka-infection na. Wala ng natitirang chance sa puso ko para sa kanya. I give up. Tapos na ang lahat samin.

Yumiko Hayashi. Nagbabalik na sa dati. Ibabaon ko na sa limot lahat ng alaala namin ni Lance.

Nag-stay ako sa condo na bagong bili ko lang. Kahit pinilit ako ni Lance na sa mansyon pa rin nila tumira, hindi ako nagpapilit. Bukod sa ayoko na syang nakikita, wala ng namamagitan pa sa aming dalawa. Hindi nakarating kay Papa ang nangyari sakin. Wala akong balak na ipaalam pa yun sa kanila. Magpapagaling lang ako then babalik na din ako sa Japan and stay there for good. Dahil bago ako lumipad pa-balik sa Japan, sasabihin ko sa lahat lalo na kina Papa at Mr. Abellano na uurong na'ko sa kasal namin ni Lance.

At pag nasa Japan nako, kung sinuman ang maging bago kong fiance, tatanggapin ko na at magpapakasal ako ng walang pag-a-alinlangan. Ayoko ng magmahal pa. Mas mabuti ng business nalang ang namamagitan sa lahat. Para hindi ko na ulit maramdaman pa ang ganitong klaseng sakit.

Bzzzzttt..

Huh? May bisita ako. Kung hindi yan si James o si Janna, tigers yan. Lagi nila akong kinukumusta. Si Lance hindi niya alam saan 'tong condo ko. Mahigpit kong pinagbawal sa lahat na wag sasabihin kay Lance dahil alam kong kukulitin at guguluhin nya lang ako tulad ng ginawa niya sa ospital.

Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang nag-buzzer.

"YUMIKO!"

O_O

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Trigger. Bakit sya narito? At paano nya nalaman ang condo ko? "Why are you here? H-How?"

"Tch. Kung alam ko lang ang gagawing kagaguhan ni Lance, hindi ko dapat hinayaang balikan mo sya. Gago talaga yun. Mapapatay ko yun eh. Nag-hire ako ng private investigator para hanapin ka. Inalam ko din lahat ng nangyari sayo. Mula kasi nung nagkabalikan kayo ni Lance, nag-bakasyon muna ako sa London para mag unwind. Pero di ko inaasahan ang malalaman ko nang makauwi ako dito sa Pinas. Damn that asshole!" Galit na sabi ni Trigger saka diretsong pumasok sa loob ng unit ko.

Hinayaan ko nalang sya at sinaraduhan na ang pinto. Nagtungo kami sa salas. "Okay na naman ako." Sabi ko.

"You're not okay. Alam ko ang nangyari. Tch! Sabi ko naman sayo, nandito lang ako para sayo. Hindi pa naman kita gini-give-up. Nag-give-way lang ako." Sabi nya saka naupo sa sofa.

I sighed. "Ayoko na sanang pag-usapan yan. I'm moving on. Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng nangyari."

"I know, I know. I'm sorry. Badtrip lang talaga ako sa gagong Abellano na yun."

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now