Chapter 12

19 1 0
                                    

Hello readers! (Kung meron man hehe) I would really appreciate if you drop by your feedback in the comment section. Kahit wala ng vote basta may comment ajujuju. Nakasalalay po ang next update dito (Lol). I am trying my best to improve so please be with me in this journey. I barely accept criticisms as long as it's constructive.

So,here it is.

-----------------

Chapter 12

Rebound

Lumalim ang gabi. Sabay kaming bumalik ni Hendrick sa bulwagan dahilan kung bakit pinagtitinginan kami ng mga tao. Makahulugang mga titig at nanlilinsikang mga mata. Especially girl associates. Tinapunan ko siya nang tingin but he just shrugged. Pero gets niya naman ata 'yun. Para walang ibang maisip 'yung makikitid na mga utak. Para walang maichismis na mga kwento na pawang wala namang katotohanan. So he keep his distance on me. Naghand gesture na lang siya na iiwan na niya ako. I just smiled but suddenly...felt deep awe. Parang biglang may nawala sa tiyan ko nung naghiwalay na kami. But I don't want to name it nor put color on it. Mas mabuti nang balewalain lamang iyon. Mas mabuting isipin ang mga mararamdaman 'pag nangyari. I don't wanna conclude so I just shut it down.

Naabutan ko sa grupo nina Dad na tumatayo na habang nag-uusap. Since,I don't wanna disturb him with his thing. Napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa table nina Mrs. Mabatid but before I could even step back,tinawag niya ako.

"Shenna!"

Nag-excuse muna si Dad sa kanila saka hinarap ako.

"Hinanap kita kanina. Pero umalis ka daw sabi ni Mrs. Mabatid. Were have you been?"

Napabuntong-hininga ako.

"Ah...nagpahangin lang,Dad." I faked a smile.

"Bakit? Naiinitan ka ba dito?"

"A-ah hindi naman s-a ganun,Dad. Ahm...iba kasi 'yung hangin sa labas."natatameme kong sagot. Napayuko ako.

Gosh! I will never ever tell him na umiyak ako sa sobrang babaw na rason! I will never tell him na umiyak ako dahil kay Hendrick! I will never tell him na nakasama ko siya kanina!

"Ah ganun ba!"

"Yes,dad."

Peke akong tumawa.

"Ah,bakit niyo nga pala ako hinanap dad?" I changed the topic.

"Magpapaalam na kasi sana ako kasi may aasikasuhin pa ako bukas nang umaga sabi sa'kin nung sekretarya ko. Gustuhin ko mang bumisita dun sa tinutuluyan niyo ay hindi ko na magawa."

Dad seems disappointed sa mukha palang niya. But I fully understand that he's really a busy person...now. Ngayon ko lang kasi napagtanto kung gaano kahirap ang trabahong ito. Kasi noon,halos 'di ko na siya makilala dahil sa kawalang oras niya sa'min. Kaya okay lang 'yun. Priorities over wants.

"Okay lang 'yun,Dad. We're good naman doon."

"Is he treating you good?"bigla naman niyang tanong. Natigilan ako saglit.

"Ah? A-ah..Oo naman dad. Ang bait niya pong tao." Ngumiti ako.

"Then good. Seems like my trust in him isn't vain after all."

Pagkatapos noong pag-uusap namin ay nagpaalam na nga si Dad at ang mga kasamahan niya. Sumama ako sa kanila hanggang sa labas nung convention room.

"Salamat,anak. I'll ever be proud of you."

"Thank you rin,Dad...sa lahat."

He kissed my forehead for the last time and bid goodbye.

Pag-alis ni Dad. Unti-unti naring nagsiuwian ang mga bisita. Kaunti nalang rin 'yung mga tao. Nagsi-alisan na ang ilan sa kanila. Kaya napagdesisyunan ko naring umuwi upang magpahinga. My eyes were fixed on finding Hendrick para makauwi na ako pero hindi siya naaninag nang paningin ko. Saan na naman 'yun nagpunta?! Instead of worrying again. I sighed. Kasi alam ko naman na nasa tabi-tabi lang siya. Babalik rin 'yun! O kaya naman may kasa---duh. Shut it.

Until He Came (Room 143's Spin-Off)Where stories live. Discover now