Chapter 4

24 0 0
                                    

Chapter 4

Trust

Pumanhik kami patungong opisina ng mga employers. Tahimik lang ako. Panay ang introduce niya sa mga tauhan at kung ano ang mga tungkulin nila sa trabaho. Nakipagkamayan naman sila sa'kin. I accepted it formally habang nangingiti. Syempre, I want to win them and besides, I don't wanna be rude and leave a bad impression.

Si Echavez naman, he looks so genuine habang ginagawa 'yun when the truth is, he's a beast! He's OA! So much! Napakahigpit niya kanina! Pero ano 'to ngayon? Ang bait-bait niya sa'kin! Nagbabait-baitan. Plastic beast! Tss... Nakakairita.

Hindi ko nasadyang mapalingon sa gawi niya. And unluckily, nakatingin rin pala siya sa'kin.

I plastered a grin. And guess what? He just raised his brows! Ew!

I muttered words bago siya tinalikuran.

"What?" He frowned.

"Wala! Bingi mo, dong." The last words was a whisper. Kumibit-balikat nalang ako. Binalik ang paningin sa mga tauhan. Pero sa gilid ng aking mga mata ay kita kong nakatingin parin siya sa'kin. Hindi ko nalang pinansin.

"Ganito kasi ang gagawin namin ma'am..." sabay turo ng worker sa kanyang monitor habang may tina-type sa keyboard.

I realize how hard their work is. Kailangan nila kasi talaga itong pagtuonan nang pansin. Kasi kahit na may isang kamalian lang paniguradong pagagalitan sila ng head nila sa department.

Noong natapos na ang diskusyon ay lumabas na kami ni Echavez sa office.

Pormal kaming naglakad patungong elevator.

"I hope marami kang natutunan. Hindi ko kasi gustong dumiretso tayo sa itaas nang hindi nalalaman ang mga ginagawa sa ibaba. Kasi bago tayo maglingkod, unahin muna nating ipanalo at kilalanin ang ating mga tauhan. Kasi hindi magiging successful ang isang kompanya kung mga pasaway ang mga tauhan."

Pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang ground floor noon.

Dami mong satsat! Tss. Pwedeng tumahimik, please? Kasi kung inaakala mong tanggap na kita pagkatapos mong magpaka-boss kanina ay nagkakamali ka!

"Since you started your training and since ikaw nga ang mamahala sa branch sa Katipa, which is new. Your hotel chain's popularity only won't guarantee the numbers. Kailangan mo muna matutunan ang napakaraming bagay." anito habang napamulsa.

I rolled eyes.

"So what. Wala akong pake."

Napalingon siya sa'kin, his jaw clenched.

"For once, Miss Vios. Tungkol pa rin ba ito sa issue nati—" pinutol ko agad siya. I don't want to hear it, again!

I shot my eyes directly on him.

"Hindi lang ito tungkol doon! Alam mo napaka-plastic mo?! Ang higpit mo kanina! Ang bossy-bossy mo sa'kin! Tapos ano 'to ngayon? Nagbabait-baitan ka sa harap ng mga empleyado? Nagababait-baitan ka dahil maraming nakatingin sa'yo... dahil maraming tao? Hoy! Para sa kaalaman mo ako ang anak ng may-ari! Know your place, mister! Know your damn place!"

I groaned in frustration. But in response he just laughed mockingly, a bit.

"Huh, what do you want me to do? Give you a special treatment just because you're the daughter of the owner? Really, huh? Really, Miss Vios? Just so you know I'm just doing my work!" punla niya.

"And if you hate me just because of what happened the other ni—"

Natigil si Echavez sa pagsasalita nang bumukas ang elevator. Bumungad sa'min ang mga nag-aantay na tauhan. Noong nakita nila ako ay yumuko sila ng kaunti with greeting as their sign of respect. I responded politely. Mabuti pa 'tong mga taong ito.

Until He Came (Room 143's Spin-Off)Where stories live. Discover now