Chapter 6

21 0 0
                                    


Chapter 6

Pride

Hindi ako makatingin nang diretso kay Hendrick. Panay lang 'yung yuko ko habang inaabot 'yung mga niluto niya.

Narinig kong napaubo siya nang konti pero nahihiya parin ako. Siguro,dahil sa inasal ko kanina.

"What's wrong?"anito sa baritonong boses. Isa pa 'yang boses na 'yan!

Napaayos agad ako nang upo at mataman na nakatingin sa kanya.

"I mean..uh. Kanina ka pa kasi nakayuko. May dumi ba sa mukha ko? Ang pangit ko ba ngayong araw?" Tumawa siya nang kaunti.

Sino ba namang mahihiya kung ang kasalo mo sa hapag ay naka-topless na hunk na MALAYANG BINABANDERA ANG KATAWAN NIYA?! LIKE KUNG HINDI SIYA MAGDADAMIT AY BAKA MAHALAY KO NA TALAGA SIYA!

"Uh..ah...eh..hehe..ah" Nauutal lang ako. Gusto kong sumagot sa tanong niya pero parang nakakahiya parin. Oh my Shenna what is happening to you?

Gumapang 'yung mga daliri sa ulo ko.

"What?"malambing parin ang tono nito.

"Ah..uh..kasi 'yung..ano.." This time,nagawa ko na talagang iangat 'yung braso ko para maturo iyon.

Pagkatapos nun ay wala na akong nagawa kundi takpan nalang ang mukha ko.

Siguro,gets na niya 'yun.

"Damn! I knew it! I'm sorry!" anito sa natatawang tono at agad dumiretso para magbihis.

Shocks! Shenna. Shocks! My god!

Nakapikit parin ako nung tuluyan na siyang umalis.

"Pwede na," anito noong nakabalik na siya't binuksan ko na ang mga mata ko.

Napabuga ako nang malalim na hininga.

"Sorry. Nakasanayan ko kasing maghubad habang kumakain."

Kaya pala! Pero...WHAT? HE DOES THAT EVERY FREAKING TIME? Paano 'yun kapag may babae siyang kasama? Baka hinalay na siya!

"Uh..Si-siguro s-sa susunod. Huwag mo nang ulitin 'yun. Dahil baka maak-I mean hindi kasi iyon pormal. And parang hindi kaaya-ayang tignan since kumakain.."Iniwas ko 'yung tingin ko.

Shit again! Muntik na 'yun ah!

"I'm sorry again."

"Ah..okay lang. Uh...sige na kumain na tayo!"

Somehow,I felt relieved. 'Yung tense kanina ay nawala na. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako nagkakaganito sa mga lalaki na kasama ko noon... Pero bakit siya? Iba ang epekto niya sa'kin. Ano nga bang meron ang isang Hendrick Jasper Echavez?

Hindi ko mapigilang pagmasdan siyang kumakain. Like what the hell nga ba kung bakit ginagawa ko na naman ito.

Iniwas ko 'yung paningin ko nang mahagilap niyang tinititigan ko siya. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. I don't want those damn questions again.

"Bakit ka nga pala nandito?"utas ko nang inaabot kuno ang jar ng juice.

"Oobserbahan ko ang mga unang araw mo dito. Ayon sa utos ng Daddy mo."

Bakit? Wala parin bang tiwala si Dad sa'kin?

"He did that? Wala parin ba siyang tiwala sa'kin?"

"No. It's not what I meant. Sort of,babantayan narin kita." Nagtama ang mga paningin namin. And in haste,ay iniwas ko iyon. Baka mapaso uli ako.

"Oh! Okay."I laughed a bit.

Hindi na muli nagsimula ng topic. Tahimik nalang kami hanggang sa na natapos kaming kumain at sa titig nalang ang mga salita.

Until He Came (Room 143's Spin-Off)Where stories live. Discover now