Chapter 11

22 0 0
                                    

Chapter 11

Thanks

Mabilis lumipas ang mga araw. Ngayon,nagtitipun na kami para sa finalization para sa programa bukas. Inaasahan kasi ang napakaraming business tycoon sa iba't-ibang kilalang kompanya at aming mga foreign investors.

Hendrick isn't here by my side. Sabi niya'y tinawagan daw siya ni Dad dahil may kailangan itong ipaasikaso sa kanya kaya kailangan niyang bumalik doon. Well,kasabay kaming nagbreakfast...we talk a little bit. At umalis naman agad siya pagkatapos. Medyo importante daw ang tawag ni Dad. Well,I couldn't stop him of course because that's his job. And I couldn't just depend on him because I have mine too. Siguro nga,pinadala siya dito ni Dad para mabantayan at patnubayan ako sa lahat ng kilos na gagawin ko. When he could say,I can do it already ay hinayaan niya na ako. And I take that as a challenge. Then I'll stand for what I think is right. For once,I know what I'm doing and failure must not be expected.

Bumuntong hininga ako at nakinig uli sa final touches na gagawin mamaya. Naayos na ng mga organizer ang venue na gagamitin bukas. Nag-uusap nalang sila kung ano pang mga karagdagan na gagawin.

"Ikaw,Miss Vios?"

Napabalik ako sa diwa ko when the head organizer suddenly asked.

Nahiya bigla ako. Ni hindi ko alam kong anong isasagot ko.

But I can't help to think kung
narito siguro si Hendrick,baka marami na siyang naidagdag na suggestions para sa flow ng program at sa mga arrangement ng designs na ikagaganda pa lalo nito. Unfortunately,wala siya. And unfortunately too,I have no idea.

Nakatingin parin silang lahat sa'kin waiting for me to answer their querries.

I shyly smiled.

"That's okay. All is good." tangi ko nalang tugon.

They slowly nodded naman like they didn't expect that those words came from me. That maybe,I should've contributed for their last minute decision. Pero 'pag dating talaga sa mga ganito,my mind is always clouded. I really have no idea.

Nakahinga ako nang maluwag noong natapos na 'yung meeting.

"Good luck and God Bless to all of us!" huling sabi ng organizer setting the meeting adjourned.

Nakipagkamayan muna ako sa mga tauhan bago lumabas sa opisina. Huli kong kinamayan si Mrs. Mabatid. She smiled sweetly to me. I realized how genuine this lady are. Sa mga nakaraang araw. Hands down na talaga ako sa dedication niya sa trabaho niya. And I couldn't expect more of her dahil ang galing-galing na niya. Kung may tinatanong silang suggestions of some things...may naiisip kaagad itong si Mrs. Mabatid. She truly deserves her place.

"I hope for the best para bukas,Miss Vios."

Bumeso siya sa'kin bago muling nagsalita.

"And I hope for the best too,for your presentation."

Now that she mentioned it,kinabahan na naman ako bigla. But I reminded myself not to be scared. I can do this!

"Thank you ma'am."tugon ko. Pagkatapos nun dumiretso na kaagad ako sa bahay.

Si Manong Robert na ang naghatid sa'kin pagka-uwi ko nang bahay earlier that evening. (Nakita ko siya kaagad kanina noong paalis na si Hendrick.)

I couldn't help but think,sinadya ba 'to?

Inasahan kong may tao na 'pag-uwi ko. But to my dismay,wala parin si Hendrick. I sighed. He really must be busy. I pouted. But I immediately shut it off because my feelings' so unusual.

Ano bang nangyayari sa'kin?!

At dahil hindi naman talaga ako marunong magluto. Nagpatugon nalang ako ni Manong na bumili ng pagkain sa isang fastfood chain. I ate all by myself (dahil sabi ni manong tapos na daw siya) and suddenly felt sad. Bakit ba? Hindi naman ako ganito ah? Why do I suddenly missed him? Like I didn't interact with him for years! Stop your childish emotion,you,Shenna frigging fool!

Until He Came (Room 143's Spin-Off)Where stories live. Discover now