Chapter 5

27 0 0
                                    

Chapter 5

Housemates

Iyon ang naging routine ko tuwing weekend.

Mag-aral. Matuto. Magtrabaho.

Naging 'medyo' close na nga kami ni Echavez. Mataman na ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi na ako nagtataray. Nakikinig na ako ng mabuti. Kasabay kaming naglulunch kapag nagtuturo siya sa'kin. And just that. Umuuwi na siya agad.

He's still mysterious. Hindi ko parin siya mabasa kaya parang may malaki paring pader sa pagitan namin. Iyon lang lagi ang pakikitungo namin sa isa't-isa. He's teaching and I'll learn. Nothing more. Nothing less.

I still remembered the last words he said nung huling turo niya sa'kin.

"Kaya mo 'yan. Kung may kailangan ka. Huwag kang magdalawang isip na lapitan ako." That was genuine. Yeah. Since nung araw na sinabi niyang maniwala ako sa kanya ay nagbago na talaga siya. He's gentle...so sweet. But I still hate it!

"Ma'am Shenna!" Para akong natauhan nung may sumigaw.

Si Manong Robert pala.

"Okay ka lang po ba? Tutulak na tayo." He said worriedly.

How time flies so swift. Ang bilis. Summer na!

Napailing ako.

"Ah wala wala manong! Okay lang. Siya."

Shenna,all this time bakit siya ang iniisip mo?! Namimiss mo ba siya? Like what did I just asked?!

"Okay ka lang ba talaga,ma'am?"Manong Robert asked again.

"Okay nga lang talaga,manong! Don't worry!"

Umiling nalang si manong atsaka ngumiting aso. Inandar na niya ang sasakyan.

This is it! This is really it.

Nabigla ako nang tumunog 'yung phone ko.

Si Dad.

Pinindot ko agad 'yung accept button.

"Oh Dad? What's up? How's the meeting with the investors? Na close ba 'yung deal?" pambungad ko.

Napaubo at natawa si Dad nang kaunti.

May mali ba sa sinabi ko?

"Business minded kana talaga ngayon,anak."mataman niyang sabi.

"No dad! It's just that..-"

I can't finish my sentence because it's true. Naiba na 'yung outlook ko sa business since then. Simula nang natutunan ko ito. Simula nang napamahal na ako rito.

And with that. Bumalik 'yung closeness namin ni dad.

"We close the deal,anak!"He lively said.

Hindi na ako nabigla sa sinabi ni Dad. Alam kong makukuha niya 'yun. Dahil nandiyan lagi sa tabi niya siya. Si Hendrick.

There's too much in him.

"Congratulations!" I said in an amuse tone. Kahit alam ko naman talaga na 'yun ang mangyayari.

"Thank you! Oh,papunta ka na ba ng Katipa?"

"Uh..yes dad. Actually,kakaalis lang namin."

"Then good! Natawagan mo na ba ang mommy mo?"

Somehow,I felt relieved.

This is all I asked. Kung hindi man magkabalikan. Well,atleast bumalik 'yung pakikitungo namin sa isa't-isa noon. Like a family. Like a 'real' family.

Until He Came (Room 143's Spin-Off)Where stories live. Discover now