Chapter 41 ∞ Fault

303K 5.2K 1.9K
                                    

Lance POV


"Tang*na mo! Papatayin kita!" Gigil na gigil na'ko sa gagong Enrique na'to. Ang lakas pa ng loob niyang magpakita sa'kin ngayon pagkatapos ng ginawa niya? Tang*na talaga.


"Makinig ka Lance. May sasabihin ako! Wag mong idaan sa init ng ulo!"


Hindi ko siya pinakinggan. Wala akong pakialam kung mabasag ang mukha niya sa bugbog ko. Ako, makakaramdam ng awa sa kanya? The hell.


"Wala akong pakialam sa'yo! Fvck you!" Sabi ko saka sinuntok siya ulit.


"Tama na yan!"


Tch. Nagdatingan pa ang tigers. Kating-kati na ang kamao ko na mapatay ang Enrique na 'yan eh.


"Brad. Lance tama na 'yan." Sabi ni Luke.


Tch. "Tang*na! Kayo ang lumagay sa kalagayan ko!? Tang*na nabuntis niya si Yumiko! Ano sa tingin nyo ang dapat kong maging reaksyon ha!?" Sigaw ko. Ngayon ko lang 'to nasabi sa kanila.


"Ano!?" Mababanaag sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala sa nalaman nila.


"That's why I want to kill that asshole!" Sigaw ko.


"Hoy ikaw Enrique! Anong kabalbalan ang ginawa mo kay Yumiko!?" Sigaw ni Adrian na napalitan ng galit ang mukha. Hinigit niya sa damit si Enrique. "Magsalita ka!!" Sabi ko naman sa kanila, may karapatan akong magkaganito.


"Nagpakita ako kay Lance para sabihin na ang totoo. S-Si Yumiko, oo buntis siya pero hindi ako ang ama. Si Lance. Akala ko kasi kapag nagsinungaling ako at sinubukan silang sirain, tatakbo palapit sa'kin si Yumiko pero nagkamali ako. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko."


O_O


Anong sabi niya? "Tang*na linawin mo! Anong sinasabi mong gago ka!?" Lumapit ako para mas maharap sya.


"Sa Japan palang, napansin ko na ang madalas na pagsusuka ni Yumiko. Nag-conclude na'ko na baka buntis siya. Pero one time, narinig ko yung nag-uusap kayo sa kwarto niya na magpapa-check-up kayo. Isa lang nasa isip ko, 'pag na-kumpirma nyo na buntis nga si Yumi, siguradong pakakasalan mo siya at lalo akong mawawalan ng pag-asa sa kanya kaya inunahan ko na kayo. Umalis ako agad saka pumunta sa pinakamalapit na hospital mula sa mansyon ng mga Hayashi dahil sigurado akong doon kayo pupunta."Tumigil siya saglit.


"Tang*na! Ituloy mo!" Sigaw ni Adrian. Ako parang napipi. Nakikinig lang ako. Di ako makapagsalita.


"Binola-bola ko ang OB dun saka sinabi kong kapag may nagpa-check-up na Yumiko Hayashi, kahit positive ang result, make it negative. Dahil ayokong tuluyang mawalan ako ng pag-asa kay Yumiko. Mahal na mahal ko siya kaya nagawa ko 'yun. That time, buntis na si Yumiko. One month pregnant na siya nun Lance at siguradong ikaw ang ama no'n."


O_O


Sh*t. Tang*na. Anong sabi nya?


"Sinubukan kong pigilan si Yumiko na umuwi dito sa Pilipinas dahil di ko kaya. Gusto ko siyang mapasa'kin pero wala akong nagawa. Mahal na mahal ka ni Yumiko. Kaya nga sumunod nalang ako dito sa Pilipinas at sinubukan pa rin kayong sirain."


Napako ako sa kinatatayuan ko. Di ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Fvck.


"Malakas ang loob kong magsinungaling tungkol sa pagbubuntis ni Yumiko. Hinamon kita na ipa-check-up siya dahil alam kong positive ang kalalabasan n'on. Inaamin ko nagkamali ako. Hindi ko pala kayang makuha si Yumiko kahit pa masira ko kayong dalawa. Hindi mo ba naisip Lance na ang sabi ko, a week bago sya umuwi dito, may nangyari sa'min? And I'm sure na lampas one month na ang pinagbubuntis ni Yumiko."


MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon