CHAPTER LV : RELIEF

1K 36 5
                                    

Maugong ang bulungan ng mga tao sa gym. Bago umabot sa tagpong ito, ang daming nangyari. Ngayon , magkakaalaman na kung sino ang mananalo.

Pagkatapos ng isang intermission ay lumabas na muli ang mga host at nagpasalamat na ang mga ito sa mga sponsors. Pigil hininga ang mga audience. From 24 contestant , nahahati na lang sa 10 ang pagpipilian. Equal footing na ang lahat at kahit ako ay hindi sigurado kung sino ang mananalo.

Kung ano man ang maging resulta, proud ako sa dalawa. Binigay nila ang best nila kahit may nangyayari na gulo at nagawa pa rin nila na manatili sa tabi ko. Suwerte ako ... kahit masalimuot ang story ko, may nag exist sa buhay ko na tulad nila. Isa na hawak ang kamay ko na siguradong hindi bibitaw at ang isa na hawak ang ... buhay ko, na handang gawin ang lahat para protektahan ako. Mahal ko sila pareho, nagkaiba nga lang sa definition.

Anyway, nagprepare na ang host sa pagsabi ng mga winners. Tinawag na nila ang board of judges para ibigay ang resulta sa host. Sinilip ng mga host ang winners. Hindi maitago ang gulat nila sa kanilang mukha. Klaseng sobrang dikit ng laban.

" Okey, so ladies ang gentlemen. We now have the results. ", sabay buntong hininga ng host. "Honest, this years batch ang masasabi ko na pinakamahirap ijudge. Lahat sila, did well. Ito yung best batch by far. But now, it's time to know who did it better among the best. Here is the tally of scores. ", dagdag pa nito.

Biglang lumabas sa LED screen ang mga results. Lumabas ang bar graph ng mga scores na may label na moon a, moon b hanggang moon e na para sa mga female contestant at sun v, sun w hanggang sun z para sa male contestant. Nakabreakdown doon ang mga points na nakuha nila sa lahat ng mga segments. At one left missing na grade ay yung sa judges score sa question.

Sa babae na contestant may isa na run away winner sa lahat pero didipende pa rin yun kung maganda ang ibibigay sa kanya na results.

Sa lalaking contestant naman ay dikit dikit ang scores. May bumawi sa votes at yung iba naman ay sa performance. Sa totoo, it's anybody's game.

Lalo akong kinabahan. Napadasal na lang ako. Hiniling ko kay Lord na sana sa lahat ng problema na kinailangan naming pagdaanan para dito, sana may pay off.

Maingay ang lahat ng tao. Lahat excited malaman kung sino ang mananalo. Lalo pang umingay ang mga tao ng magsimula ng mag announce ng winner ang host. Nag explain ang host na sa 4th at 3rd place ay sabay iaanounce ang winners sa babae at lalaki. Lalong umingay ang mga crowd ng naging dramatic ang lighting for the announcement.

" The fourth runner up goes to ", sabay na announce ng dalawang host then pause para sa drum roll , " Sun of Rizal number 6 , Altran Beltran. ", sabi ng female host.

"And Moon of Rizal number 7 , Alicia Froresca.", dagdag ng male host.

Sigawan ang tao dahil yung mga pambato nila ay pasok pa rin. Halos lumundag ang dibdib ko dahil nakakatense ang ganitong mga announcement.

Habang binibigyan ng awards ang winner ay ipinakita sa screen ang grades nila. Pumunta agad sa gilid ang winner pagkatapos ng pikturan. Agad namang tumalima ang host to prepare for the next announcement. Nirecap nito ang mga prizes ng 3rd runner up.

" Now the sun and moon 3rd runner up are ", sabay ulit na salita ng dalawang host sabay pose ulit para sa drum roll.

" Sun of Rizal number 1, Blue Simfried Asuncion ...", sabi ng female host.

" And Moon of Rizal number 10, Diana Ruth De Leon.", dugsong muli ng male host.

Sabay na naglakad sa gitnang stage ang contestant. Mabilisan lang ang awarding. Ipinakita ulit ang scores at pumunta sila sa gilid.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Место, где живут истории. Откройте их для себя