CHAPTER LIV: DARK HORSE

927 36 2
                                    

Patuloy lang ang ginagawa ni Tomah . Hinahanap nila pa rin ang firewall ng website na may remnants ng hacker. Walang kaalam alam ang mga organizer na affected na ng hacker virus ang website. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit kampante sila. Sino nga naman ang mag-iisip ang ihack ang website ng isang pageant?

Si Yamato naman ay busy sa paghahanap ng wig sa maleta. Lumapit ito sa akin para hawakan ang texture ng kulot kong buhok at pagkatapos ay kumuha aycsaka nagdeside kung aling wig ang kukunin nya. Linapotan sya agad ng isang tao ni Dasuri na babae. Ilang ulit nito na pinagmasdan ako bago ito tumango at sinimulan na punasan ang mukha ni Yamato. Weird? Bahala sila.

Si Hakku naman ay may damit na ipinasusuot sa akin.Tiningnan ko kung ano yun at bakit ganun na lang ang pamimilit nila ni Yuri.

" Bakit pa kasi kailangang magbihis. Hindi ko naman kailangan ang pang-grand entrance.", habang isinusuot ang pants habang nasa loob ng van.

" This is Shima's idea. You'll know why when emergency comes, which, i hope , it doesn't come.", hirit ni Yuri.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng Van. Mukha lang akong nakapangburol. All black ang suot ko na parang secret agent ang peg. Makapal ang panloob ko at kakaiba ang tela. Pati sapatos ko provided din. Kulay itim din ito at mukhang chucks pero comfortable.

Wala akong kaalam- alam sa mga nangyayari sa loob. Nagkakaroon lang ako ng hint dahil maya't maya ang message sa akin ni Madam Sofia.

Tapos na daw ang swim wear. Box out na daw na si Shima ang number 1 sa ranking sinusundan ni Owen at ni number 11. Wow! Lumalaban talaga si Zan.

Agad akong nagmessage kay Shima. Nagpaalam ako na handa na ako. Alam ko kinakabahan ito kaya hiniritan ko na ito agad na may kanya-kanya kaming laban na dapat naming harapin. Inassure ko ito na magkikita kami pagkatapos.

Tiningnan ko ang oras. 40 minutes na lang ang natitirang oras. Bigla ako na napaisip. Lately ay tahimik lang si Owen. Tanging tatlong text lang ang nakita ko sa phone. Kahit nakakasama ko ito, parang hindi ko sya nararamdaman. Mas napapansin ko pa nga ang presensiya nina Altran at Blue kaysa sa kanya. May problema ba kami?

Binuksan ko ang message nya at yung unang dalawa was just to remind me about my meds. Akala ko ay ganun din ang content ng third message nya. Nang binuksan ko ay speech ata ito dahil sa haba.

" Labo, akala ko mapapangatawanan ko ang pagiging sobrang chill lang. Lately kasi, inaassess ko ang sarili ko. Kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kung totoo nga na guilt lang ito kaya may pakiramdam ako na gusto kitang laging protektahan. Pero narealize ko na there is no point on defining something na hindi mo naman pinag-iisipan kasi puso kasi ang nagdesisyon. Hindi sya logical, it's feelings and meant to be incriptive . Isang bagay na maraming sumasablay kapag sinusubakang idecode."

" Today lumalaban ako kahit alam ko na hindi ako ang magiging champion sa contest na ito. Pero ok lang , hindi ako martir. Ito ang ginagawa ng nagmamahal... nagiging selfless at nauunawaan na i came to late , by few days, to win you."

" katulad ng pageant, Hindi ako ang front runner sa contest sa puso mo, nakapila ako sa likod ng taong ramdam kong ganun din ang pagmamahal sa'yo. At kung sakali man na sya ang magtitle, wag kang matakot na ibigay sa kanya ang pagmamahal mo. Deserve mo na makaramdam ulit. Wag mo akong isipin. Mamahalin pa rin kita. Pangako na kahit hindi ako ang manalo, handa akong maging 1st runner up para punuan ang kanyang pwesto sakaling hindi sya maging fit to continue his raign sa buhay mo."

" Dito pa rin ako. Dito lang ako. Kaya nga tuko , diba? I'll stick with you no matter what. P.s. alam ko ang plano mo dahil ganun kita kakilala. Ingat ka, i trust you na kaya mo yan and i trust Shima that he will be there for you regardless kung ano ang circumstance but please , be safe, para sa aming hinihintay ka pagkatapos ng lahat ng ito - Owen. "

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα