CHAPTER XXXVII: LONGEST NIGHT

1.1K 37 0
                                    

Parang isang fairytale ang halik na yun. Hindi nagmamadali... Hindi naghahabol. Isang halik na parang nagkukuwento kung ano nararamdaman namin sa isa't isa.

Hindi naman kasi ako magaling sa pagsasabi ng nararamdaman ko. Hangga't maaari sa akin lang. Hindi ko naging ugali ang dumaing kasi hindi kargo ng kahit sino ang mga kapistihan ng buhay ko. Maganda man o pangit, balato ko na ito sa sarili ko, yung lang ang meron ako ... mga alaala ng mga pangyayari na kahit kailan ay hindi ko kailangang ikwento... Malaman man nila... yun ay kailangan nilang paghirapan na malaman sa iba.

Siguro para makuha ni Shima ang nararamdaman ko sa ganitong paraan... ilang hakbang na lang ang kailangan para marinig nya mismo sa aking bibig kung ano talaga ang laman ng puso ko... Tulad ng sabi ko, hindi ako magaling sa pagkukuwento , pero pag nagsimula na akong magbukas sayo... aasa na ko na hindi ka na mawawala sa buhay ko.

Mula sa malambing na halik, nagsimula na kaming kumilos. Hiniga nya ako sa kama. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aming mga puso pero kahit magkaganun... hindi ako kinakabahan... siguro ito na talaga yung sandali... na mangyayari ito. Handa na ako.

Isa itong Big Bang Theory pag nagkataon. Sabi kasi sa mga libro na nagsimula ang universe sa banggaan ng dalawang magkaibang celestial entity. Para kaming magkaibang dalawang celestial beings... sya at ako. Kapag nagbanggaan kami ... Big Bang !!! May mabubuo ... yung salitang " TAYO".

Syempre, sa iba convenient ang banggaan... pero sa amin siguro iba. Dahil hindi minadali. Nakakatawa pa nga, dahil nung nangyayari yung krimen sa akin... saka ko narealize na kung mangyayari yun, kay Shima ko lang plano gawin. Deserve nya pagkatapos ng lahat ng nangyari... Next na siguro si Owen sa ranking pero sa tingin ko, winner takes it all, kaya walang second place. Isa pa alam kong maiintindihan ako ni Owen na hanggang magkaibigan lang kami.


Going back, habang hinalikan ako ni Shima ay gumaganti na ako ng halik, pero mat napansin akong iba. Sobra syang maingat. Nawala ang galawang hokage. Parang pareho kaming pumifirst time...

Tumigil si Shima sa paghalik sa akin at tinitigan nya ako. Mula sa pagkakapatong sa akin ay pumunta sya sa gilid ko. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin. Uy tigilan mo yan, nahihiya ako... kahit kulay mocca ang kulay ko ramdam ko na bigla akong namula.

Hinaplos ni Shima ang mukha ko... ang buhok ko at pagkatapos ay bumangon at umupo sya tabi ko . Inalalayan nya ang aking ulo para mapaupo din ako at pagkatapos ay humarap kami sa isa't isa .

Magkaharap lang. Nakatingin kami sa isa't isa. Ramdam ko ang init ng hininga ni Shima. Biglang nagayos ng tayo si Shima at lumuhod para mayakap ako... isang mahigpit na yakap. Teka sandali? Yun na yun? Walang big bang theory... Ay ? Pahiya naman ako... Ako pa tuloy ang nagmukhang excited ... Shocks ... sige na!!!

Kahit pahiya ay tinapik ko ang balikat ni Shima. Ramdam ko ang mabigat na paghinga ni Shima sa tenga ko... Ramdam ko na may gustong sabihin si Shima... At eto na nga...

" I was so scared to loose you, that I didn't care what would happen to me after. All I could think of is to avenge you, and make them suffur... but you stopped me, and made me look for a reason to let them go. And I did, dahil nakinig ako sayo. ", bulong ni Shima sa tenga ko.

" I thought, doing that , would makeyou feel better... pagkatapos nila I harass at... ano... ma... galaw ng walang permiso. ", dagdag pa ni Shima. "

" Wait , Ano? ", sabay kalas ko sa yakap ni Shima at tiningnan sya sa mata.

" Mahirap sa akin ang makita na ang taong mahal ko ay binababoy ng ganun... Halos parang pinapatay nila ako nang makita kitang walang malay tapos ay pinapatungan ng taong yun. Gusto ko na syang tapusin... kaya nang mailagay kita sa ligtas na lugar , I knew na hindi ko mapapalagpas ito."

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Where stories live. Discover now