CHAPTER XXXVI: FAMILY

1K 50 2
                                    

Umaalingawngaw ang putok ng baril at hindi ko magawang sumilip. Parang tumigil ang oras. Dinaramdam ko lang ang tibok ng puso ni Shima... panatag... walang bakas ng kaba o takot man lang, kahit may hawak sya ng baril at nagawa na nya itong iputok kay Mong. Bakit Shima...? Paano mo nagagawa ang mga bagay na ito para iganti ang isang taong hindi mo pa ganung kilala?

Habang nakatago ang mukha ko sa likuran ni Shima ay hindi tumitigil ang pagluha ko. Huli na ba ako ? Nakapatay...na ba si Shima... dahil ... sa akin? Wala akong nagawa para pigilan sya?

Ako... ako ang dahilan... kaya nangyari ito? Kasalanan ko... katulad ng mga,nangyari noon... lahat ng malapit sa akin napapahamak.

Sa gitna ng blame game ko sa sarili ko, bumalik ang utak ko sa realidad. Tumakbo na ulit ang oras at ang freeze situation kung saan nag moment ako ay tapos na. Kailangan ko itong harapin. Kailangan kong makita... pero hindi ko magawa... hindi ko kaya na makita ang isang bangkay ng tao sa harapan ko.

Sa gitna ng pagtatalo ng isipan ko... bigla akong nakarinig ng malakas na hiyaw. Bigla akong natigilan. Boses ni MONG yun.

Agad akong napatingin at mas nagimbal sa aking nakita. Isang malaking ahas ang nakalagay sa balikat ni Mong... patay na ito at may tama ito sa ulo. Sa sobrang shock ni Mong ay agad nyang itinapon sa gilid ang patay na ahas.

"Boss!", sabi ng tatlong kasama ni Mong na halos gumapang sa lupa dahil sa panghihina pero pilit pa rin na pumupunta sa kanya .

Tiningnan ni Shima ang baril at pagkatapos ay nilingon ako ni Shima. Nakita ni Shima ang basang basa kong mata dahil sa luha. Agad na itinapon ni Shima ang hawak nyang baril.

Tumingin ulit sa akin si Shima at nakita ko sa mga mata nya, na nagbalik na yung taong kilala ko. Nginitian nya ako. Hay naku, ayokong aminin... pero ngiti lang ang katapat para tumahan ako.

Humarap sya sa akin at pinunasan ni Shima ang luha ko. Kumawala ako sa yakap ko sa kanya.

Lumingon si Shima kay Mong at sa mga kasama nya at sabay lapit sa kanya.

" Hindi pa tayo tapos, pero , can you wait", tanong ni Shima kay Mong sabay ngiti. Napatango na lang si Mong.

Bumalik si Shima sa harap ko at nakita nya yung sugat sa hita ko.

" wala lang yan... wag kang OA...", sagot ko habang tinatanggal ang luha na natira.

" Salamat ... ok na ako... ", sabay kuha ng panyo nya at tinalian ang sugat sa hita ko. Pagkatapos nun ay humingi sya ng permission para balikan si Mong.

" Tama na to, Shima... kalimutan na lang natin ito... na nangyari ito, hayaan mo na sila.", pakiusap ko kay Shima bago sya bumalik sa mga usbaw.

Lumapit agad si Shima sa napatangang si Mong... makikita mo nananginginig sa takot si Mong pati ang mga kasama nito. Umupo si Shima sa harap ni Mong.

" Siguro naman naintindihan mo na, kaya kong gawin ang pinaka nakakatakot na bagay. Pasalamat ka dun... " , sabay turo sa akin," Utang mo sa amin ang buhay mo, dahil kahit hindi kita tinapos, yang ahas na yan ang tatapos dapat sayo...", sabay tayo ni Shima at lapit sa akin.

" A...no ang pla...no nyo samin...pagkatapos nito?", singit ni Mong.

" Malaya ka na...", sagot ni Shima na may seryosong mukha. " pero may kundisyon... ikaw ang leader ng mga tao dito, ikaw ang sinusunod nila, kaya ikaw din ang magpapasimula para magbago din sila... ayusin mo ang buhay mo... hindi mo ako sundin... Tatapusin kita. Understand...", dagdag ni Shima.

May parang ipinakita si Shima kay Mong na hindi ko makita kung ano. Halata ko sa mga mukha ng mga kasama ni Mong ang malaking takot kay Shima lalo na ng makita nila kung ano man yung inilantad ni Shima sa kanila.Nacurious tuloy ako kung ano yun.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Where stories live. Discover now