CHAPTER LII: SABOTAGE

885 33 3
                                    


Tumayo ako na parang normal ko lang na araw plus may suot ako na napakabigat na damit at kulot na extention sa ulo ko... Medyo suplado ang itsura at laging nakatingin sa malayo. Walang laman ang stage. Klaseng akin lang talaga ang rampa.

Wala akong kaalam alam sa ginagawa ko. Nagtataka pa ako kung bakit tinatanong ni Madam Ice kung magaling daw ako sa pagsunod sa direction at kung magaling ako sa tiyempo at king sumasayaw daw ako. Sabi ko opo pero hindi ko naiintindihan kung bakit yun yung mga tanong nya.

Tinanong ko sya kung paano ako dapat maglakad nung inaayusan ako. Sabi nya ay isang phrase lang... " Ikaw na ang bahala ... ". Juice ko po Rudy! Bahala na daw ako? Paano nga ba habang suot ang damit na ito na mukhang pang reyna na kinonvert para pwedeng isuot na isang hari ?

Wala naman akong oras para magpa coach , e ito na oh ! Nasa stage nako. Didiskartehan ko na lang. Lord , kayo na ang bahala.

Sa isip ko, kung ako ang panghuli , hindi ko kailangan na malaman ang blockings ng mga naunang rumampa. Ako ang highlight kaya pake nila kung iba ang gawin ko. BAHALA SILA!

Sa paglalakad ko ay nakita ko ang reaction ng mga taong kakilala ko. Kumikinang ang mga mata ni Maam Sofia kasama ang mga amiga nito at mukhang manghang mangha sa suot kong damit.

Sina Mang Renato naman ay napatanga sa akin. Hindi kasi sila makapaniwala na magagawa ko ang ganitong bagay. Kumbaga , out of character.

Sa paglingon ko sa kabilang bahagi... ay napatingin ako sa mga supporters ni Zan. Doon ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Alfonse... at ang insured nyang ilong. Napapaisip ako kung ano ang ginagawa nito dito pero move on na lang.

Habang papalapit ako sa dulo ng T stage, ay nakita ko si Dasuri. Mula sa suplado kong gesture, napalitan ito ng ngiti. Sincere na smile .Ayoko na may nagagalit sa akin. Gusto ko na magkaayos na kami.

Hindi kami magkaaway ni Dasuri. Pagkakataon lang ang naglagay sa amin sa isang sitwasyon na alanganing pag usapan dahil, mahirap humanap ng mga salita para ipaliwanag kung ano talaga ang meron. Sabi nga nila may ibang lingwahe ang puso na mahirap i put into words. NAKS! English yun, ha!

Sa tagpong yun, nagkatingin kami ni Dasuri. Parang kami lang ang tao. Naghihintay ako sa kanyang reaction.

Nakatitig kami sa isa't isa. Nag aantayan ng sagot. Sana matapos na itong conflict sa pagitan naming dalawa.

Biglang nakita ko si Dasuri na pumikit. Nagbuntong hininga at sa pagmulat nya ay sumabay ang ngiti nito.

Okey na ba kami? Ibig bang sabihin ng ngiti na yun ay hindi na sya nagagalit sa akin?

Anyway, pagkatapos ng tagpong yun ay nakita ko yung isa staff na pinababalik na ako. Sabagay , show ito , hindi kanto na pwedeng tumambay. Agad akong naglakad pabalik .

Habang naglalakad ako ay nakita kong lumabas from the back sina Shima , Owen at Blue nakaputing damit . Hawak ni Blue ang isang korona.Pasimple na tumuro sa gilid ang tatlo. Sinundan ko naman ng tingin yung tinuturo nila.

Nakita ko ang stage manager sa gilid kung saan sila tumuturo. Sumesenyas iyo na tumigil daw ako pagdating ko sa may gitna ng main stage.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sige lang, sumunod lang ako.

Pagdating ko sa spot na dapat akong tumigil ay sinalubong ako nina Shima, Owen at Blue . Nanatili akong nakatalikod sa audience. Pumunta sina Shima at Owen sa tabi ko habang si Blue naman ay pumunta sa harapan ko.

" Anung nangyayari ? ", tanong ko habang clueless sa nagaganap.

Ngingiti ngiti lang sina Shima at Owen habang hawak ang bahagi ng damit ko sa magkabilang bahagi.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)On viuen les histories. Descobreix ara