CHAPTER XL: MASK

1K 44 5
                                    

Nanliliit ako sa sarili ko... Ayoko na may magbago... Kasi sa isip ko, hindi ito mangyayari. Kilala ko kasi si Owen na mabilis na mawalan ng interest. Inisip ko na guilt lang yung nararamdaman nya. MALI BA AKO? Nanliliit ako dahil, kawawalang bahala ko sa nararamdaman nya, hindi ko sinadya na napaasa ko sya...

Hindi ko alam ang isasagot ko... Hindi ito makukuha sa walkout. Shit!!! Ngayon ko lang narealize... hindi ito biro.

Lumapit ako kay Owen . Gusto ko syang yakapin... Pero dahil madaming tao sa paligid sa paglinga linga ko, inakbayan ko na lang si Owen para humanap ng lugar kung saan kami pwedeng mag usap.

Nakita ko ang parking lot at dun kami pumunta. Kumawala sa akbay ko si Owen. Aba, nagwalkout. Sya naman ang naglakad palayo. Syempre susundan ko. BWISIT ! Para akong umaamo ng babae... ang mas bwisit, ramdam ko na may kasalanan ako...

Siguro... mga isang daang metro din ang nilakad nya at nung narealize na malayo na sya ay umupo sa may waiting shed na bato. Umupo sya sa dulo. Sumunod ako at sa halip na umupo sa tabi nya... nahiya ako . Umupo ako sa dulo.

Bente minutos kaming nandun at nakaupo. Walang usapan. Hindi ko alamang sasabihin ko , eh. Si Owen naman ,nakatingin lang sya sa daan habang tinitingnan ang mga dumadaan na dyip.

Huminga as ko ng malalim... at saka nag ipon ng lakas...

" Kahit hindi ko kailangang magpaliwanag... magpapapaliwanag ako..." , sabi ko kay Owen habang nakatuon ang tingin ko sa daan.

" Wa...lang nangyari sa amin... kung yun ang kinagagalit mo...", nahihiya kong sagot. " Muntikan na, pero hindi natuloy...", nangingilag kong dagdag.

Huminga ako ng malalim. Ipon na ulit ng lakas. Mas malala ang sasabihin ko na susunod. JUICE ME... Hirap ng hot seat!

" Ano ba ang alam ko sa pagmamahal? Nag 19 ako na hindi ko iniisip yun. Ang alam ko lang ... sure ako sa sarili ko na marunong akong magpahalaga. "

" Walang akong sagot sa tanong mo, pero sigurado ako na mahalaga ka sa akin... , at ayoko na nagagalit ka sa akin... Kasi nalulungkot ako , Besfren kita eh... "

May gusto pa sana akong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko... hahayaan ko na lang muna syang mag isip.

Tumayo ako naglakad paalisng hindi lumilingon. Kinailangan kong lumayo kasi nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Tulad ng sabi ko noon, hindi ako magaling sa salita. Madami akong gustong sabihin pero ang tanong, Paano ko sisimulan.

Naging makasarili ba ako? Masama ba na gustuhin ko na maging tulad kami nung dati? Matagal din kasi akong nag isa at si Owen yung kaibigan, na noon ay lagi kong hinihiling na sana umuwi , para samahan ako... Ayoko na may magbago... kaso kasasagip ko sa pagkakaibigan namin, lalo ko ba syang nasasaktan.

" Alam ko hindi mo ako mahal. Nalilito ka lang sa nararamdaman mo sa akin kasi , hanggang ngayon , sinisisi mo ang sarili mo sa aksidente natin sa motor. NA pakiramdam mo, kargo mo lahat ng kasalanan kaya gusto mong bumawi ... Diba tama ako? Kaya pwede ba na balik na lang tayo sa dati? Please..." , ito yung mga salita na gusto ko sanang sabihin kanina pero naisip ko... kung ako nga hindi ko masabi ang nararamdaman ko, anung karapatan ko na husgahan kung ano yung nararamdaman nya...

Nawalan na ko ng interest na balikan yung take out namin sa Mcdo kahit pa ndagugutom na ako. Dumiretso ako sa billing ng semi private na hospital para magtanong kung paano ang mga rate. Dito naman kasi magaling. Taguan ng nararamdaman. Patatagan sa sakit na nararamdaman. Ito yung mga bagay na champion ako...

Sa oras na ito... mas iisipin ko yung situation ni Jonas at ni Mary Vien kaysa tampuhan namin Owen... pero totoo natatakot ako na mawala si Owen... bilang besfren ko , pero kung makakabuti sa kanya na umiwas ako... kahit masakit , iiwas ako, wag ko lang sya masaktan pa lalo dahil hindi ko masagot ang tanong nya.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Where stories live. Discover now