CHAPTER XXXVIII: LIFELINE

1.1K 45 0
                                    

Agad na kumilos si Shima para kunin ang phone ar tawagan si Hakku. Para syang aporado... hindi na nya naisip na mag short man lang . Nag mamadali syang kumilos ng naka underwear lang at sosyal naman ang suot nya, aussiebum na brand ... yayamanin.

Agad na pinulot ang short ko at ibinigay sa akin. Binihisan nya ako agad habang sinubukan na pahituin ang dugo. Inabot ni Shima ang tuwalya nya para isapin sa ulo ko. Ako naman ay agad kumuha ng sabon at hinugasan ang ulo ko ng tubig. Para sure ang skin germ protection, hahaha , I used safeguard. Kinapa ko yung sugat... bumukas yung tahi siguro dahil sa pagkauntog ko kanina nung bumagsak ang lamesa.

Agad akong pinigilan ni Shima..." Wag mong hipuin , baka magka infection... madumi ang kamay mo ... ", sabi ni Shima habang hinahawakan yung kamay ko.

" Hinuhugasan ko nga , diba...", hirit ko kay Shima. "Sus" , react ko habang nakatingin kay Shima, "...so hindi ka naligo ng maayos... ikaw lang naman ang hinawakan ko... ", then bigla akong na awkward sa sinabi ko.

Pareho kaming napatingin sa Mount Everest... shocks! Maling hirit Rodney .., Sobrang wrong... Namumula na ako ... sa pakiramdam ko.

Klaseng hindi sineryoso ni Shima yung sinabi mo.Salamat naman! Agad nyang tiningnan ang sugat.

" Hindi sumasagot si Hakku tinatawagan ko sya, the phone kept on ringing...", sabi ni Shima habang tinitingnan ang ulo ko.

" Shima... anong oras na? Mahimbing na yun...malamang pagod yun sa dami nya na ginamot kanina... pati mga goons ginamot nya ... kaya nga kulang ang supplies nung kayo na ang gagamutin... hayaan mo nang matulog yun." , paliwanag ko. " Tara na at dun na tayo sa hospital... mag- ayos ka na...", sabay pulot ng shorts nya at tapon sa kanya.

"Binilin din sa akin ni Owen that you have check up next week... with that on your head, wag matigas ulo mo... well go to UST next week." , sabi ni Shima habang nagmamadaling magbihis.

" Paano kung ayaw ko pa...", pilosopo kong sagot.

" Then you choose... go to your Doctor for check up... or well stay here and make our first born...", sabay hipo ng tiyan ko.

Agad kong pinalo ang kamay ni Shima, Ay ! Sunod tayo sa kapitan. Mahirap na ... baka ibang opera abutin ko pag sumuway. Speechless ako dun. Bata pa ako para magbuntis... Sus ...

@@@@@@

Nakaangkas ako kay Shima sa motor. Nakayakap ako kanya. Ayaw ko sana pero gusto nya na nakalingkis ako sa kanya. Baka daw ako mahulog.

Sarap ng hangin... parang kahit may putok akong ulo, naeenjoy ko pa rin ang hangin na dumadampi sa mukha ko. Siguro sa tanang buhay ko, ngayon pa lang ako muli naging malaya. Yung tipo ma hindi ka na takot sa bukas, kasi alam mo, kahit anung hirap na dumating... hindi ka na mag iisa na harapin yun. Na kapag napagod ka, may tao sa tabi mo na tutulungan kang buhatin ang dinadala mo.

Saglit lang ang byahe namin, at na nakarating kami sa ER ng hospital ng Antipolo. Pagpasok namin doon ay nakita ko si Jonas. Na Shock ako kasi shit... anung sasabihin ko. Technically apat na araw na akong absent , Monday ako huling nagpakita sa kanila. Anung araw na? THURSDAY ng madaling araw? Tapos , may sugat sa ulo? Baka magtanong ito... tapos mabisto yung nangyari.

Paglapit ni Jonas sa akin... sa halip na tanungin ako... yumakap ito sa akin.
Umiiyak...

@@@@@@

Habang tinatahi ang ulo ko ay nagkwento si Jonas sa amin. Na dengue daw kasi si baby Mary Vien, na madalas kong napapagkamalan na kapatid ni Jonas na si baby Renz... tapos yung bata eh may blood discharge na. Dahil ito na yung malapit sa kanila kaya dito na sila pumunta.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon